010

2258 Words
Kabanata 10 C A L L Y Dumaan muna kami sa locker niya para mapahiram ako ng masusuot na damit bago kami bumalik sa girl's restroom para makapagpalit ako. Naghilamos na rin ako at inayos ang sarili sa salamin. Naglagay ako ng make-up para hindi halata ang mga natamong sugat kanina mula sa mga babae. Namumula ang pisnge ko at may konting sugat sa lowe lip ko pero tinakpan ko na lang ang mga yun ng concealer. Ang sugat sa labi ko ay pinatungan ko na lang ng lipstick pero medyo halata pa rin iyon. Hinayaan ko na lang. At least hindi na katulad kanina ang itsura ko. May mga sugat din ako sa braso at tuhod mabuti na lang talaga at long sleeve ang ipinahiram sa akin ni Hera kaya hindi na iyon kita. Kahit papaano ay gumaang na ang bigat na nararamdaman ko kanina dahil sa pagtulong sa akin ni Hera. Hindi ko talaga inasahan na sa lahat ng tao sa school siya pa ang tutulong sa akin. Siya pa talaga na lagi kong kaaway. Siguro kapag sinabi ko kay Kara ito ay hindi yun maniniwala. Baka sabihin pa nun gumagawa lang ako ng kwento. Nang makontento ako sa itsura ko ay nilingon ko na si Hera na kanina pa nanunuod lang sa akin. Nagtaas siya ng kilay nang ngumiti ako at nagpasalamat. "Salamat sa tulong pati na din sa damit. Ibabalik ko rin 'to agad bukas. Don't worry hindi ko ito ibebenta," nagawa ko pang magbiro sa kabila ng mga nangyari sa akin ngayong araw. "It's okay. Iyo na yan. Hindi ako nagsusuot ng nagamit na ng iba." I smirked and rolled my eyes. Ano nga bang aasahan ko sa isang Hera Saavedra? "Ibabalik ko pa din," sabi ko bago nagpaalam na ng tuluyan sa kanya. Kaya lang agad niya akong sinundan. "Where are you going?" nakataas ang kilay na tanong niya. "Sa klase. Late na ako." "We should report this!" Umiling ako at ngumisi. "Ako nang bahala d'yan. Papasok na muna ako." Tinalikuran ko na siya at dumiretsiyo na sa klase. Mabuti at wala naman nang humarang sa akin sa daanan. Nasa klase na rin kasi ang karamihan sa mga studyante. Tinignan ko ang oras sa phone ko at napamura nang makitang sobrang late na ako para sa first subject. Napagpasiyahan kong sa second subject na lang dumiretsiyo. Wala pang tao doon kaya pumasok na ako at sumandal sa desk. Bigla akong nakaramdam ng pagod sa mga nangyari pero ayoko ng isipin pa ang mga nangyari kanina kaya naisipan kong umidlip na lang muna. Nagising lang ako nang maramdaman kong may naupo sa tabi ko. Umayos ako nag pagkakaupo at sinulyapan si Hades. Nakakunot ang nuo niya habang nakatingin sa akin na para bang sinusuri ang itsura ko kaya agad kong iniwas ang mukha ko sa kanya. Alam kong sa oras na mapansin niya ang sugat sa labi ko ay mangingialam nanaman yan. Baka magtalo lang ulit kami. Ayoko na munang makipag-away sa kanya ngayon. Wala ako sa mood. Kaya lang nang mapansin na wala pa ang ibang mga kaklase namin ay muling bumalik ang tingin ko sa kanya. "Nasaan na ang iba?" taka kong tanong. "I'm late," maiksing sagot niya. My forehead creased. "Pero nakita kita kanina. Maaga ka di ba? Bakit ka na-late?" "How about you? Bakit ka late?" Napakagat ako sa ibabang labi ko sa tanong niyang iyon pero agad ko ring pinagsisihan dahil yung may sugat pa talaga yung nakagat ko. Napadaing ako kaya agad na nangunot ang noo ng kaharap ko. Naningkit ang mga mata niya at mas lalo akong pinagmasdan. "Stop staring at me!" "Where did you get that?" malamig ngunit mariing sabi niya sabay haplos sa ibabang labi ko. Namilog ang mga mata ko at agad na tinabing ang kamay niyang nasa labi ko. Napakurap-kurap ako sa gulat sa ginawa niya. "What are you doing, Hades?" "I'm asking you first! Where did you get that? Who did that to you, Calliope?" "At bakit nangingialam ka nanaman? Sino ba ang nagsabi sa'yo na mangialam ka sa buhay ko?" Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya bago muling dumilat. Galit ang una kong nabasa sa mga mata niya nang dumilat at hindi ko maintindihan kung bakit. Para saan ang galit niya at bakit ba siya laging nangingialam sa buhay ko? Am I that important to him para mangialam siya ng ganito? Tama nga kaya si Kara? Gusto nga kaya ako ng lalaking ito? But he's cold! "Bakit hindi mo na lang sagutin ang tanong ko?" "Bakit ko sasagutin ang tanong mo?" mabilis na balik ko sa kanya. Mas lalong nagdilim ang tingin niya sa akin. "Hindi na tama ang ginagawa nila sa'yo!" "Anong gusto mong gawin ko? Magsumbong sa office na inaapi ako ng mga studyante dito? Tingin mo ba may magagawa yun? Lagi akong laman ng guidance kaya sa tingin mo ba maniniwala pa sila sa akin ngayon? 'Tsaka kahit magsumbong ako for sure wala ring mangyayari! Bukod sa hindi nila ako paniwalaan paniguradong hindi rin nila mapapatigil ang mga may galit sa akin. Mahirap lang ako! Hindi na ako mayaman. Wala na akong laban sa mga yun." "How did you know?" "I just know, Hades!" "Maniniwala sila sa'yo dahil may pruweba ka! You have scars!" "Kahit na! Ayoko na ng gulo! Gusto ko na lang manahimik. Nakakapagod na!" "Hindi ka matatahimik hanggat hinahayaan mo sila!" "Mapapagod din sila!" "At hihintayin mo pa talagang mapagod sila?" Umiling-iling siya na para bang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. What the hell is wrong with him? Ano bang pakialam niya? Masiyado naman yata siyang affected sa nangyayari sa buhay ko? "What do you want me to do, Hades?" mapaghamon na tanong ko sa kanya. "Report this incident!" Tumawa ako. "Bakit sobra ka naman yatang affected sa nangyayari sa akin? Sabihin mo nga sa akin, Hades. Gusto mo ba ako?" Tumitig siya ng matagal sa mga mata ko bago nag-iwas ng tingin at umiling. I rolled my eyes. "Kung ganun bakit ganito ka?" "Ayokong nakikita kang nasasaktan ng ganito." "Bakit nga?" Pumikit siya ng mariin bago muling bumaling sa akin ng may hindi ko mabasang ekspresiyon. "Ayoko lang ng may nakikitang nasasaktan!" I smirked. Hindi ko alam kung bakit naiirita ako sa naging sagot niya pero nagawa ko pa rin namang ngumisi. "Naaawa ka nga sa akin." "Anong gusto mo? Maging masaya ako sa nakikita kong ginagawa nila sa'yo? That's bullshit!" "Ang gusto ko iyong wala kang pake! Hindi ba doon ka naman magaling? Mawalan ka na lang ulit ng pake!" His jaw tightened at what I said. Mas lalo ring tumalim ang tingin niya sa akin pero hindi na siya muling nagsalita pa. Parang pagod na sumandal siya sa backrest ng kanyang inuupuan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang hinihilot ang kanyang sentido. Sumandal na lang din ako sa inuupuan ko at naisipang tumigil na rin sa pagsasalita. Nakakapagod makipagtalo sa kanya araw-araw. Isa-isang nagsipagdatingan ang mga kaklase namin. Agad na lumapit sa akin si Kara nang makita ako. Nakakunot ang noo nito habang pinagmamasdan ang mukha ko. Para bang sa unang tingin niya pa lang sa akin ay alam na niyang may masamang nangyari. "Anong nangyari? Sabi ni Peter may nangbasa daw sa'yo kanina? Yun ba ang dahilan kung bakit ka na-late?" Tumango ako at hindi na dinagdagan pa ang alam ni Kara. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang banggitin sa kanya yung nangyari kanina sa CR ng girls o h'wag na lang. Ayoko din kasing mag-alala pa siya sa akin. Baka sumugod pa ito sa mga babaeng yun at siya naman ang mapasama. Ayokong madamay siya sa galit nila sa akin dahil wala naman talaga siyang kasalanan doon. "Grabe na talaga sila!" "Okay lang. Magdadala na lang ako ng payong bukas," biro ko pero hindi tumawa si Kara. Inirapan niya pa ako. "Ano ba Cally! Seryoso na ito. Hindi na tama ang ginagawa nila sa'yo. You should do something. Hindi pwedeng palaging ganito! Kung hindi ka gagawa ng kahit ano uulit-ulitin nila ito sa'yo." "She's right, Cally. You should do something." Sabay kaming napalingon ni Kara sa nagsalita. Si Xian na may seryosong ekspresiyon. I just rolled my eyes at him. Well, at least nagkasundo silang dalawa sa isang bagay. "Mapapagod rin sila," tanging nasabi ko. "What? Are you serious?" Sinulyapan ni Kara ang katabi ko. "How about you Hades? Ano ang masasabi mo tungkol dito?" Inis na tinignan ko ang kaibigan ko. Bakit kailangan niya pang tanongin ang opinyon ng lalaking ito? As if naman may halaga sa akin ang sasabihin niya! "Dapat managot ang mga gumagawa nito sa kanya," mariin at seryosong sabi ni Hades. "I don't need your opinion, Santiago. Sa'yo din Alvarez," baling ko naman sa nakatayo lang na si Xian sa likod ni Kara. "You're so difficult!" Napipikong sabi ni Hades. May kalakasan iyon kaya napalingon na rin sa direksiyon namin ang ibang mga kaklase. I sighed. Mabuti na lang at dumating na yung professor namin kaya walang nagawang bumalik na lang sina Kara at Xian sa pwesto nila sa unahan pero panay pa rin ang lingon sa akin ni Kara. Halatang nag-aalala sa akin. Nginitian ko siya upang iparating sa kanya na ayos lang ako. Pero ayos nga lang ba talaga ako? Kanina halos sumuko na ako. Hindi ako pwedeng sumuko lalo na ngayon... Wala na kaming kahit ano. Kailangan kong mas lalong magsikap. Ako na lang ang inaasahan ni mommy. Nang lunch break ay paulit-ulit akong kinukulit ni Kara na magsumbong pero ilang beses ko lang din siyang tinanggihan. Kahit si Miyuki ay sang-ayon sa kanya na isumbong ang mga nambubully sa akin. Ako lang itong nagpupumilit na hayaan na lang dahil mapapagod rin naman sila. Habang pinipilit ako ng dalawa sa gusto nila ay lumapit sa table namin si Xian kasama niya si Hades at ang pinsan nitong si Peter. Agad na naupo si Peter sa tabi ko habang naupo naman si Xian sa tabi ni Kara. Nasa kanan ko si Miyuki at kaliwa naman si Peter kaya walang choice si Hades kundi ang maupo sa kabilang side ni Kara. "What are you doing here?" nakataas ang kilay na sabi ni Kara habang pabalik-balik ang tingin sa tatlo. "Wala ng ibang bakante. Dito na lang kami," si Xian ang sumagot. Umirap ako. Ano bang problema ng mga ito. "Okay lang bang dito kami, Cally?" si Peter sa tabi ko. "Kayo ni Hades, okay lang. Si Xian hindi. Umalis ka nga dito! Nawawalan ako ng gana sa pagmumukha mo!" iritableng sabi ni Kara habang tinitignan ng masama ang katabing nakuha pang ngumisi. "Alam mo kung bakit, Kara? Kasi mas masarap pa ako d'yan sa kinakain mo," he smirked. Sabay kaming napairap ni Kara. "Hoy mga unggoy! Nandyan lang pala kayo," si Zuki na napadaan sa table namin. Hindi naman namin siya ka-batch pero tropa siya ni Xian. Hindi ko lang alam kung close din ba siya sa magpinsan. Nang makita ni Zuki na wala ng space para sa kanya sa table namin ay agad siyang humila ng upuan para makaupo sa tabi ni Xian. Oh, God! Bakit nandito itong mga ungas na 'to? Seriously? Sa table pa talaga namin sila nagsama-sama? "Ms. San Diego, ikaw pala 'yan," parang gulat pang sabi ni Zuki nang makita ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay pero mukhang sanay na yata lahat ng mga lalaki dito na nagtataray ako kaya baliwala na iyon sa kanila. "Bakit kayo dito?" nagtatakang tanong ni Zuki sa katabing si Xian. "Bakit ka rin nandito?" "Bobo!" Binatukan ni Zuki ang pilosopong si Xian bago bumaling sa katabi nitong si Kara. "Ah kaya naman pala." Gusto ko silang paalisin lahat dahil naiirita talaga ako sa presensiya nila kaya lang alam kong wala na akong kakayahang gawin yun ngayon. Kung papaalisin ko sila dito alam kung hindi nila gagawin yun. Bakit naman kasi sila makikinig sa isang commoner na tulad ko, di ba? Hinayaan ko na lang sila. "Ayos ka lang?" tanong ko kay Miyuki na natahimik na sa tabi ko. Siguro nahiya bigla dahil sa apat na itlog na 'to. Ngumiti siya at tumango. "Are you sure?" "Oo." Sa huli ay tumango na lang din ako at hindi na siya tinanong pa. Napalingon ako kay Hades na tahimik lang sa pwesto niya. Hindi niya ginagalaw ang pagkain niya at seryosong nakatingin lamang sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Napansin kong may cheesecake din sa tray niya. Mahilig din ba siya doon? Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang sa akin. "Mahilig ka ba d'yan?" tanong ni Peter sa tabi ko na hindi ko sinagot. "Huy, Peter ano 'yan? Sumisimpleng porma ka d'yan, ah!" Si Zuki habang nakangisi. I hate this guy. Mas kaya ko pang tagalan ang ugali ni Xian kaysa sa isang ito. Siguro dahil alam kong mas babaero ang lalaking ito kaysa kay Xian. Halos kalahati yata ng babae dito sa campus namin naging girlfriend ng womanizer na 'yan. Oo, gwapo siya pero sobrang yabang! Tipong nakakakirita na. "Pinopormahan agad? Gaya mo ko sa'yong makasalubong lang girlfriend na agad!" "Ulol ka ba? Ikaw kaya maging gwapong tulad ko." "Ang ingay niyo! Umalis nga kayo kung mag-iingay lang kayo dito para kayong mga tanga!" si Kara na mukhang nabubwisit na rin sa kayabangan nitong si Hamilton. "KJ," asar ng katabi niyang si Xian. "KJ mo mukha mo!" Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Hades na nakatingin na ngayon sa pinsan niya. Hindi ko alam kung tama ba ang nababasa ko sa kanyang ekspresiyon habang nakatingin sa pinsan. Para kasing galit siya rito kung makatingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD