Kabanata 9
C A L L Y
Hindi ko inasahang kakalat sa buong campus yung ginawa ko kay James. Nagulat na lang ako nang may mag-upload ng video naming dalawa. Yun yung sinampal ko si James sa harapan ng mga kaibigan niya. Hindi ko alam na may kumukuha pala ng video sa amin nung mga oras na yun. Pero wala naman akong pakialam kung kumalat yun. Mas mabuti nga yun para mas lalong mapahiya ang lalaking yun sa buong campus. At least ngayon madadala na siya. Pasalamat nga siya at hindi ko siya ni-report sa ginawa niya sa akin. Nakabawi naman na kasi ako kaya ayos na yun sa akin.
Kaya lang dahil sa kumakalat na video ay mas lalo pa yatang tumindi ang inis sa akin ng mga tao sa school. Wala naman akong pakialam. Magalit lang sila sa akin ng magalit. Karapatan nila yun at hindi ko sila pipigilan doon. Kaya lang minsan sumusobra na rin sila. Tulad ngayon. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng school ay may nagbuhos na agad ng tubig sa akin. Hindi ko alam kung gaano ba kalaki ang nagawa kong kasalanan sa kanila para gawin nila ito sa akin. Mula nang malaman nila na naghihirap na kami ay nagsimula na sila sa panggaganito sa akin. Siguro dahil alam nilang wala na akong magagawa sa kanila dahil wala na kaming pera. Wala na akong panlaban sa kanila dahil mahirap na kami. Ganun naman talaga sa school na ito. Big deal ang pagiging mahirap. Kapag mahirap ka wala kang respetong matatanggap mula sa kanila. Ang respeto sa school na ito ay may sukatan. Depende kung gaano ka kayaman. Kung mahirap ka hindi ka nila irerespeto. Pagtatawanan ka lang nila at lalaitin na para bang isa kang salot sa kanila. At ganun ang pinaparamdam nila sa akin ngayon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit basang-basa. Hindi ko na namalayan na kanina pa pala ako pinagtitinginan ng mga lalaki dahil halos bumakat na ang suot kong panloob sa uniporme kong basa. Niyakap ko ang bag ko para tabunan ang sarili. Hindi ka pwedeng umiyak. Wala lang ito, Cally! Lalo ka nilang aapihin kung magpapakita ka ng kahinaan.
Kaya lang sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may umakbay sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay agad akong nakaramdam ng iritasiyon kaya agad kong itinulak palayo si Peter.
"Lumayo ka nga sa akin!"
Alam kong sinabi ko na siya ang susunod kong susubukan pero dahil sa mga nangyari nawalan na akong ipagpatuloy pa ang mga plano ko. Hihinto na muna siguro ako sa gawaing iyon. Wala na rin naman akong oras para sa mga ganung bagay dahil nagtatrabaho na ako ngayon.
"Alam mo ikaw lang yung playgirl na allergic sa lalaki. Pwede pala yun?" natatawang sabi ni Peter pero muli nanaman akong inakbayan.
"Ano ba!"
"Basang-basa ka. Baka ginawin ka at magkasipon ka pa. Ihahatid na kita hanggang sa locker room baka may mangbasa nanaman sa'yo sa daan, sige ka."
"Tinatakot mo ba ako?"
"Of course not! Alam ko namang hindi ka marunong maduwag."
Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin.
"I don't need your help," malamig na sabi ko at nagsimulang maglakad ulit pero ang lintek sumunod pa talaga sa akin. Hinayaan ko na lang dahil ayokong mag-aksaya ng oras sa pakikipagtalo sa kanya.
"May extra ka bang t-shirt o uniform? Gusto mo pahiramin kita?"
Napairap ako. Anong akala niya papayag akong magsuot ng damit na galing sa kanya? Hell no! Kahit mamatay pa ako sa lamig dito hindi ako magsusuot ng damit na galing sa isang lalaki! Hinding hindi ako tatanggap ng tulong galing sa mga manloloko at future manloloko na tulad niya!
"Alin ba sa salitang I don't need your help ang hindi mo maintindihan? Pareho kayo ng pinsan mong hindi marunong umintindi!"
"Pinsan? Si Hades ba?"
"Sino pa bang pinsan mo dito?" sarkastikong tanong ko.
"Si Coco."
Inirapan ko siya at mas binilisan ang paglalakad.
"Close ka kay Hades?" aniya habang walang kahirap-hirap na humahabol sa akin. Sinulyapan ko siya at sinimangutan.
"Mukha bang nakikipag-close ako sa lalaki?"
"Eh bakit ba kasi ang laki ng galit mo sa aming mga lalaki?"
"Pwede ba, Peter! Get away from me!" naiirita kong sigaw.
"Leave her alone, Peter," sabay kaming napalingon ni Peter sa pinanggalingan ng malamig na boses.
Nakatayo sa hindi kalayuan si Hades habang nakapamulsa at may malamig na ekspresiyon ang mukha. His usual expression.
"Bakit, Hades? Sinasamahan ko lang. Baka may mangbasa ulit," pagdadahilan ni Peter sa pinsang nangingialam.
Pareho ko silang inirapan at nagpatuloy na sa paglalakad pero ang lintek na si Peter sumusunod pa rin. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na sa pagpasok sa locker room. Pagdating doon ay agad kong kinuha pamalit ko at dumiretsiyo naman sa girl's room para makapagpalit na. Hindi ko na alam kung saan nagpunta iyong si Peter. Nawala na bigla nang lumabas ako ng locker room. Siguro napagtanto niyang wala siyang mapapala sa akin.
Nang tuluyan kong matanggal ang uniform ko ay biglang may kumatok sa cubicle ko.
"Hoy, San Diego! Lumabas ka riyan! Alam naming nandyan ka." Napairap ako.
Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy na lang sa pagpapalit ng damit. Kaya lang pwersahan nilang binuksan ang pinto ng kinaroroonan kong cubicle. Napayakap ako sa katawan ko dahil naka-bra na lang ako. Nagtawanan ang mga babae nang makitang naka-bra lamang ako. Apat silang babae pero hindi ko mamukhaan ang kahit na sino sa kanila. Sino ang mga ito at anong atraso ko sa kanila? Inis na kinuha ko ang pamalit ko pero agad iyong inagaw sa akin ng isang babae. Namilog ang mga mata ko nang itapon niya iyon sa sahig at tapak-tapakan. Ngayon wala na talaga akong pamalit.
"Ano bang problema niyo sa akin?" inis na sabi ko habang niyayakap pa rin ang sarili. Nagtawanan ulit ang mga babae.
"Ikaw mismo ang problema namin. Ang yabang mo kasi!" sabi nung isang babaeng matangkad.
"Bakit, ano bang naging atraso ko sa inyo?"
"Nilandi mo ang boyfriend ko at pinahiya mo pa! Ang kapal ng mukha mo!" anang isa pang babae na kulot ang buhok.
"Boyfriend?" litong tanong ko. Sino bang boyfriend nito?
"Si James, boba!"
Gusto kong matawa. Hanggang ngayon si James pa rin ang dahilan kung bakit ako nalalagay sa ganitong sitwasiyon. Bwisit na lalaking yun.
"Oh, hindi ba dapat nagpapasalamat ka pa nga sa akin dahil napalabas ko ang totoong baho ng boyfriend mo? Your boyfriend is a cheater!"
Isang malakas na sampal ang agad na lumapat sa kaliwang pisnge ko. Gusto kong gumanti pero hanggat maaari gusto kong magtimpi.
"Hindi mo ba napanuod yung video? Mabilis siyang naaakit sa ibang babae! He's a cheater! Niloloko ka lang niya!" pilit na pagpapaintindi ko sa babae pero muli lamang niya akong binigyan ng isang malakas na sampal. Itinaas ko ang palad ko handa nang gumanti ng sampal pero agad akong nahawakan ng mga kasama niya. Muli niya akong sinampal ng dalawang beses at isa pa ulit. Sunod sunod hanggang sa maramdaman ko ang pamamanhid ng pisnge ko. May nalasahan akong dugo sa aking labi pero hindi ko na iyon inintindi pa. Matapang akong nagpumiglas sa hawak nila sa akin para lang magantihan ang babaeng paulit-ulit na nananakit sa akin. Ngunit hinila lamang ng isang babae ang buhok ko upang patigilin. Hindi ako natinag sa pananakit nila nagpumilit pa rin akong makaalpas mula sa mga hawak nila.
"Bitiwan niyo ko!" punong-puno ng galit na sigaw ko pero hindi sila nakinig. Mas lalo lamang silang nanggigil sa pananakit sa akin.
"Yan ang bagay sa'yo! Malandi ka!"
"You snake! Hindi ka nababagay dito. Mabuti pa mag drop-out ka na lang dahil hindi ka na bagay sa lugar na ito!"
"f**k you!" sigaw ko.
"Sumasagot ka pa! Matapang ka nga talaga ano? Ano kayang mararamdaman mo kung ikaw naman ang magkaroon ng iskandalo?"
"Hayop kayo! Hayop kayo!" paulit-ulit na sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko dala ng matinding galit. Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa sa akin ito. Kahit kailan hindi ako nang-apak ng kapwa ko babae kaya bakit nila ginagawa sa akin 'to? Hindi ko alam.
"Mas hayop ka! Ahas!"
"Hubaran niyo ng bra yan. Siya naman ang kukuhanan natin tutal gustong-gusto naman niyang pinag-uusapan siya!"
"No, please!" sigaw ko habang pilit na niyayakap ang sarili. Nakalupasay na ako ngayon sa sahig gawa ng pananakit nila sa akin kanina.
May naglabas na ng camera sa kanila. Handa na akong kuhanan. Nagsisigaw ako para humingi ng tulong pero agad na tinakpan ng isang babae ang bibig ko. Kinagat ko ang ang palad niyang tumatakip sa bibig ko kaya tinadyakan niya ako sa tiyan. Napadaing ako sa sakit ng pagkakatadyak nito sa akin pero niyakap ko pa rin ng husto ang sarili ko para hindi nila tuluyang makuhanan ng litrato ang dibdib kong halos nakahantad na. Bumaba ang suot kong bra dahil sa panghihigit ng mga babaeng ito. Parang gusto ko na lang sumuko at magpaubaya sa kung anong gusto nilang gawin. Nanghihina na ako at nawawalan ng pag-asa. Bakit kailangan umabot sa ganito lahat?
"Kuhanan niyo na! Pwede na yan!" anang matangkad na babae. Yumuko ako habang yakap pa rin ang sarili. Hawak nila ang magkabilang hita ko, pinipigilan ako sa pagtadyak. Naiisip kong sumuko na pero heto ako at pilit pa ring nalalaban kahit na alam kong imposible akong manalo sa kanila. Mag-isa lang ako... Wala akong laban sa kanila.
"Oh my god! Anong nangyayari dito?"
Mabilis akong binitiwan ng mga babaeng may hawak sa akin. Nagmamadaling umalis ang mga ito ng girl's room. Nanghihinang nag-angat ako ng tingin sa dumating. Si Hera... Gusto kong matawa kasi sa lahat ng taong makakakita sa akin sa ganitong sitwasiyon yung kaaway ko pa talaga. Mas lalo lang akong nawalan ng pag-asa kaya pumikit na lang ako. Gusto ko na lang magpahinga kahit sandali lang. Ang sakit... Hindi ko kailanman naisip na mangyayari sa akin 'to at kapwa ko pa talaga babae ang may gawa nito sa akin.
Tangina, bakit? Anong kasalanan ko sa kanila?
"C-Cally..."
Hindi na ako nag-angat pa ng tingin. Alam ko namang pang-aasar lang din ang matatanggap ko mula sa kanya.
"W-What happened?"
Mapait akong tumawa.
"Hindi pa ba obvious? Pinagkakaisahan na ako dahil hindi na kami mayaman! Kaya kung nandito ka para manakit din, sige lang! Saktan niyo lang ako at pagkatuwaan dahil wala naman na akong panlaban sa inyo, di ba?"
But instead of hearing insults from her, she just covered my body with her Louis Vuitton blazer. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. She raised a brow.
"What? I know I'm rude sometimes, but I'm not as cheap as those girls. I would never hurt someone physically."
Umawang ng bahagya ang mga labi ko sa sinabi niya. Kung sabagay kahit naman maldita ang isang ito, never pa naman akong nakarinig na may sinaktan siya.
"I slapped you..."
Nag-iwas siya ng tingin at ngumuso. Tumikhim siya bago nagsalita.
"Well, I kind of deserve that slap..." she said in a low voice. Hindi ko maiwasang mapangiti ng bahagya sa kabila ng sitwasiyon ko ngayon. Natatawa lang ako na pinag-uusapan namin ito ngayon ng numero unong kaaway ko since highschool.
"Yeah. You really deserve that one."
Umirap siyang muli at umiling.
"And maybe I deserve this too..."
"Of course not! Nobody deserves to be treated like that!"
"Aminin na natin. Kasalanan ko rin naman talaga kung bakit nangyayari sa akin ito. I treated boys like s**t and now they want to get back at me."
"What are you saying? Mga babae ang may gawa nito sa'yo, 'di ba?"
"Oo, mga babae nga pero ginawa nila ito para kay James. Girlfriend niya yung isa sa mga babae and maybe siya din ang nag-utos sa mga iyon na gawin ito sa akin."
"Oh my God!" Napatakip sa kanyang bibig si Hera na para bang may napagtanto.
"This is my fault!"
My forehead creased at what she just said. Bakit niya naman naging kasalanan ito? Ako ang may atraso kay James kaya bakit naman niya sinasabi na kasalanan niya itong nangyari sa akin.
"What are you saying?" Lito ko siyang tinignan. Nag-aantay ng sagot mula sa kanya.
"Ako yung nagpakalat ng video..."
Nanlaki ang mga mata ko sa pag-amin niyang iyon. Hindi makapaniwalang gagawin niya iyon. Bakit? I thought she hates me? Di ba dapat kung sino ang kaaway ko iyon ang kakampihan niya pero bakit imbes na kampihan niya si James ay ipinagkalat niya pa ang video na iyon?
"Bakit mo ginawa yun?" seryosong tanong ko. Tumungo siya at ngumuso.
"Hindi ko nagustuhan yung ginawa niya sa'yo! I saw what happened! Binato ka niya ng bato! Hindi tama yun!" iritadong sabi niya.
"Isa pa ako lang ang pwedeng mang-away sa'yo."
"Ibig sabihin nandun ka rin nung sinugod ko siya?"
Tumango siya.
"I was there to confront him because of what he did to you. Kaya lang nauna ka na palang sumugod sa kanya kaya kinuhanan ko na lang ng video ang lahat. Baka pa saktan ka niya ulit kaya mas mabuti ng may pruweba kung sakaling gawin nga niya yun."
Hindi makapaniwalang tinitigan ko lang siya. Namamangha sa mga naririnig mula sa kanya. Talaga bang si Hera itong babaeng nasa harapan ko? Bakit niya gagawin iyon para sa akin? Kung sabagay kahit madalas kaming mag-away, wala pa naman kaming naging malalang pag-aaway na umabot sa sakitan. Maliban na lang siguro nung nasampal ko siya dahil idinamay niya ang mom ko.
"Now get up! We should report what happened here to the dean," seryosong-seryoso niyang sabi bago ako inalalayan patayo. Pinasuot niya sa akin ng maayos yung blazer niya.