Kabanata 8
C A L L Y
Nagulat ako nang paglabas ko sa restroom ay agad na bumungad sa akin si Hades. Nakakunot ang noo nito at magkasalubong ang mga kilay na parang galit. Nilampasan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad nang hawakan niya ang braso ko upang pigilan. Iritasiyon ang agad na naramdaman ko sa hawak niya.
"Ano ba?" pagalit kong sabi sabay marahas na binawi ang braso mula sa pagkakahawak niya.
"Kailangan mong ipatingin sa clinic ang sugat mo," marahang sabi niya pero parang galit pa rin ang ekspresiyon ng kanyang mukha.
Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Alam niya? Nakita niya ba ang nangyari kanina? Bakit ba lagi na lang niya akong nakikita sa kaawa-awang sitwasiyon? Ilang beses ba akong dapat mapahiya sa taong ito? Sobra na yata! Deserve ko pa ba ito? Deserve ko pa bang mapahiya ng ganito? Tangina! Oo, alam ko! Marami akong kasalanan pero kailangan ba talagang humantong sa ganito na nasasaktan na ako ng physical?
"Hindi na kailangan nagamot ko na..." malamig na sabi ko kahit na sa totoo lang ay wala pa naman talaga akong nalalagay na gamot doon.
"Nagamot? Really, Calliope?" anas niya na para bang iriradong iritado siya sa mga nangyayaring ito. Kung nabubwisit naman pala siya bakit pa siya nandito?
"Ano bang gusto mo Hades? Gusto mong tumulong? Bakit mukha bang kailangan ko ng tulong mo? H'wag mo kong kaawaan kasi hindi ako yung tipo ng babaeng kinakaawaan at isa pa hindi ko kailangan ng awa mo!"
Tinalikuran ko siya at agad na naglakad papunta sa klase namin. Naramdaman kong sumunod siya kaagad sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagpasok sa klase. Hindi ko na ininda pa ang tinginan ng mga kaklase ko sa akin lalo na at nakasunod pa sa likod ko si Hades ng may galit na ekspresiyon. Nagtuloy-tuloy ako hanggang sa likod at naupo doon. Ganun din ang ginawa ng nakasunod na si Hades. Naupo siya sa tabi ko habang nakatingin pa rin sa akin. Galit. Hindi ko alam kung sa akin ba siya galit o sa kung sino. Hindi ko alam at wala akong pakialam.
"Ipagamot mo 'yan..." aniya na para bang nagmamakaawa kaya muli akong napasulyap sa kanya.
Naroon pa rin ang galit sa ekspresiyon niya pero kahit papaano ay nabawasan na ito.
"Don't feel bad for me," tanging nasabi ko bago ko inabala ang sarili ko sa ibang bagay. Wala pa si Kara kaya wala akong makausap. Masiyado pa yatang maaga.
"Hindi dapat nila ginagawa sa'yo 'to!" Kahit mahina niya iyong sinabi ay ramdam ko pa rin ang galit niya doon.
Nakuha ko pang tumawa bago siya nilingon.
"Why do you care so much, Hades?"
His jaw tightened. Mas nadepina tuloy iyon ng husto.
"Mali na sinaktan ka nila. We should report this to the dean."
"We?" Tumaas ang kilay ko.
"Bakit nakikialam ka, Hades?"
"Dahil mali ang ginagawa nila sa'yo!"
"At naaawa ka? H'wag mo sabi akong kaawaan!"
"What do you want me to do then? Manahimik na lang habang ginaganito ka nila?"
Muling umawang ng bahagya ang mga labi ko. Mangha sa mga naririnig mula sa kanya. Bakit ba parang concern na concern siya sa problema ko?
"Bakit nga ba hindi ka na lang manahimik? Dati ka namang walang pakialam, 'di ba?"
Tumikom ang bibig niya at mas lalong nadepina ang galit sa kanyang ekspresiyon. Hindi ko maintindihan kung bakit palagi na lang nakikialam ang lalaking ito sa akin. Ganun ba kalaki ang awa niya sa akin at talagang mangingialam pa siya.
Pumasok si Kara kaya napunta rito ang atensiyon ko. Hindi na muling nagsalita pa si Hades pagkatapos ng naging pagtatalo naming iyon. Siguro na-realize na rin niyang masiyado siyang nanghihimasok. Nang mag-lunch break ay agad kaming bumaba ni Kara sa cafeteria. Doon niya lang napansin ang sugat ko sa noo pati na rin ang tinginan at bulungan sa akin ng mga studyanteng nadadaanan namin.
"Anong nangyari d'yan? May nanakit ba sa'yo?" Seryoso ang mukha ni Kara na para bang may alam na siya sa kung saan ko nakuha ang sugat na iyon.
Mabuti na lang at dumating si Miyuki kaya nabaling sa kanya ang atensiyon ni Kara.
"Pwede ba uling makiupo?"
"Oo naman."
Itinuon ko ang atensiyon ko sa pagkaing nasa harapan. Gusto kong matapos na agad dito para makaakyat na ako sa susunod na klase namin. Baka maulit pa iyong nangyaring pamamato nila sa akin kanina kaya lang biglang nagsalita si Miyuki.
"Cally, ayos ka lang ba? N-Nakita ko yung nangyari kanina. Lalapitan sana kita kaya lang dumiretsiyo ka na..." nag-aalalang sabi nito.
"Anong nangyari kanina?" Sinulyapan ako ni Kara.
"Bakit wala kang kinukwento sa akin? Anong nangyari at saan galing 'yang sugat mo sa noo?"
Bumuntong hininga ako.
"Nagkabatuhan lang kanina at natamaan lang ako."
Nagsalubong ang kilay ni Miyuki na para bang gusto niyang tumutol sa sinabi ko dahil hindi naman talaga yun ang totoong nangyari kanina. Ang totoo ay ako talaga ang binabato...
"Nagkabatuhan o ikaw ang binabato? Magsabi ka nga sa akin ng totoo!"
Hindi ako umimik kaya muling sumulyap si Kara kay Miyuki.
"Yuki, ano ba talagang nangyari kanina?"
Napakagat sa ibabang labi niya si Miyuki bago sinagot ang tanong na iyon sa kanya ni Kara.
"Nakita ko kanina na pinagbabato siya ng ilang mga studyante. May mga babaeng nakisali pero mas maraming lalaki at sila yata ang nanguna sa pambabato."
Napakuyom ang palad ko. Of course! Sino pa bang gagawa nun sa akin kundi ang mga lalaki! Galit sila sa akin dahil sa ginawa ko sa kanila.
"Namukhaan mo ba yung ibang nambabato? Naroon ba si Hera Saavedra?" Umiling si Miyuki.
"Wala doon si Hera pero nakita kong nakisali si James doon. Siya yata iyong nakatama sa kanya sa noo..."
Tumikom ang bibig ko sa iritasiyong naramdaman sa lalaking iyon. Ganun ba siya ka-bitter para gawin sa akin ito?
"That jerk! Bitter lang siya! Humanda talaga siya. I-report natin ito sa—"
Bago pa matapos ni Kara ang sasabihin niya ay tumayo na ako.
"Where are you going?"
"Sa James na yun," malamig na sabi ko bago sila tuluyang talikuran. Mabilis akong naglakad palabas ng cafeteria upang hanapin ang gagong yun. Hindi ko palalampasin itong ginawa niya. Hindi porke babae ako ay may karapatan na siyang gawin ito sa akin. Humanda siya.
Naramdaman ko ang pagsunod ng dalawa sa likod ko kaya agad ko silang binalingan upang pigilan. Hindi na nila kailangang madamay pa dito.
"Huwag niyo kong sundan."
"Bakit, ano bang binabalak mo? Susugurin mo yung lalaking yun? As if naman kaya mo yun!"
"Kaya ko siya!" gigil na sabi ko bago muling nagpatuloy sa paglalakad.
Hinanap ko ang classroom nila pero hindi ko siya naabutan doon kaya dumiretsiyo ako sa likod ng school kung saan sila madalas tumambay ng mga kaibigan niya repeater. At hindi nga ako nagkamali. Naabutan ko siya doon kasama ang mga gago rin niyang kaibigan. May ngisi sa labing tumayo si James sa kinauupuan niya pagkakita sa akin.
"What are you doing here, Cally? Nagbago na ba ang isip mo? Gusto mo na akong balikan?"
"In your dreams!" matapang na sabi ko. Agad kong naramdaman ang paglapit nina Kara at Miyuki sa akin pero hindi ko na sila nilingon pa.
Naglaho ang ngisi sa mga labi ni James at agad na napalitan ng galit ang kanyang ekspresiyon.
"Ang tapang mo rin sumugod dito ah! Anong gusto mong mangyari, ha?"
"Hoy, bobo! Alam naming ikaw ang nambato kay Cally kanina! Tanginang 'to hindi maka-move on. Masiyadong bitter!" gigil na gigil na sabi ni Kara na hindi na yata natiis makapagsalita ng masama.
Ayaw ko man idamay si Kara dito pero alam kong wala na rin akong magagawa kung gusto niya talagang makialam. Matagal ko ng kaibigan yan at kabisado ko na yan.
Nagtawanan ang mga kasamang lalaki ni James. Mga bwisit.
"Kung may galit ka sa akin bakit hindi mo ko kausapin ng harapan? Are you scared, James? Takot ka ba na baka konting hawak ko lang sa'yo ay mauto na kaagad kita?" nangingising sabi ko na mas lalong nagpagalit sa kaharap ko. Nagtawanan pa lalo ang mga kasama niya.
"Ang lakas din ng loob mong hamunin ako, Cally. Babae ka lang!"
Umiling-iling ako.
"No, James. Lalaki ka lang... Babae ako," mabagal ngunit may diing sabi ko sabay hatak sa kwelyo ng poli niya upang palapitin siya ng husto sa akin.
Kahit nandidiri ay inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Konting distansiya lang ay maglalapat na ang mga labi namin. Sinadya ko yun.
"Namiss mo ba ang mga halik ko kaya nagpapapansin ka nanaman?" Malambing at mahinahon ang boses ko habang sinasabi iyon sa kanya. Halos magdikit na ang mga labi namin.
Nakita kong bahagyang umawang ang labi niya sa sinabi ko na dahilan para mas lalo akong mapangisi. Mapang-akit ko siyang hinawakan sa dibdib habang naghihiyawan na ang mga kaibigan niya sa napapanuod.
"Do you still want me, James?"
Pinaglandas ko ang kamay kong nasa dibdib niya pababa sa kanyang tiyan at pababa pa lalo. Tama lang upang hindi ko mahawakan ang umbok sa pagitan ng kanyang mga hita.
"Do you want me to touch you, James?" May naglalarong ngisi sa mga labi ko. Kitang-kita sa kaharap ko ang pagkauhaw at pagkasabik sa kung ano. Onting tulak pa ay alam kong agad na siyang bibigay. Pathetic! Ganyan! Ganyan kahina ang mga lalaki. Konting hawak at malalanding salita lang ay agad na bibigay.
"I'll do what you want. Kahit ano James... Sabihin mo lang..." mas mapang-akit ko pang sabi na halos pabulong na. Nakita ko na napapalunok na siya habang titig na titig sa akin ng may madilim na mga mata.
"Say you want me and I'll give you whatever you want..." Dinilaan niya ang ibabang labi niya. Halatang nahihirapan na siyang magpigil. H'wag mo nang subukan, James. Hindi marunong magpigil ang mga mahihinang lalaking tulad mo... Kung inaakala niyong mas malakas kayo kaysa sa aming mga babae pwes patutunayan kong mali kayo!
"Say it baby..."
"I-I want you, C-Cally..."
Inilapit ko pa lalo ang mukha ko sa kanya, tamang-tama lang para hindi magdikit ng tuluyan ang mga labi namin. 'Tsaka ko siya malakas na sinampal. Sa gulat ay hindi kaagad siya nakapagreak kaya muli ko siyang sinampal sa kabilang side. Gusto ko pa nga sanang tadyakan yung itlog niya kaya lang nahila na ako ni Kara paalis doon.
Hinihingal na huminto kami sa pagtakbo ng makalayo kami sa grupo nila James. Alam ni Kara na posibleng gumanti yung gago kaya hinila na niya agad ako paalis doon. Baka pagtulungan pa ako ng mga ugok na yun. Wala akong pakialam. Gawin nila kung anong gusto nilang gawin sa akin. Sino bang mapapasama at masisira ang buhay kapag ginalaw nila ako? Siguradong patatalsikin sila sa school na ito pag nangyari yun at wala ng tatanggap sa kanila dahil sa kaso nila. Pwede ko pa silang kasuhan at ipakulong. Baka magkapera pa nga ako dahil sa kanila kaya hindi talaga ako natatakot.
"Ang galing mo dun, sis!" Itinaas ni Kara ang kamay niya sa ere. Naiiling ngunit natatawang nakipag-apir ako sa kanya. Nakitawa na rin si Miyuki na kahit halatang kinakabahan kanina ay natuwa din naman sa kinalabasan ng pagsugot ko.
"Ang tapang mo, Cally!"
"O alam mo na? Kapag may nambully sa'yo, Yuki. Alam mo na kung kanino lalapit." Kinindatan pa ni Kara si Miyuki na ngayon ay napapatango lang. Sira talaga.
"Dapat lang naman sa kanya yun para matauhan siya sa ilusiyon niyang mas mahina ang babae kaysa sa mga lalaking tulad niya. As if! Konting hawak at halik nga lang sa kanila ng babae, tiklop na agad sila. Kaya anong mas malakas ang lalaki kaysa sa babae? Kalokohan yun."
"Sana ganyan din ako katapang..." si Miyuki.
"Bakit may nang-aaway ba sa'yo? Lalaki?"
"W-Wala naman..." Umiling-iling siya.
"Pag may nang-away sa'yo sabihin mo lang sa amin at ipagtatanggol ka namin. Di ba, Cally?"
Tumango ako at ngumiti. Oo naman. Sino-sino pa bang magtutulungan kundi kami-kami ring mga babae.