007

2244 Words
Kabanata 7 C A L L Y Nang bumaba ako mula sa tricycle ay grabe na ang tinginan ng mga schoolmates ko sa akin na para bang napakalaking bagay sa kanila na makita akong sumakay doon. Ngunit mas lalong dumami ang mga matang nanunuod sa akin nang makapasok ako sa campus. Hindi na ako nagtataka kung bakit ganito. Alam ko naman na napanuod na nila yung live selling namin kagabi ni Kara at paniguradong alam na rin nilang wala na kaming pera. Mabuti na lang talaga at sanay na akong laging may issue dito sa school kaya kahit ganito sila sa akin ngayon ay hindi na ako naaapektuhan pa. Mas malala pa nga sila kung tumingin sa akin noon kapag nababalitaan nilang nakikipaghiwalay ako sa mga lalaking kinababaliwan nila pagkatapos kong paikutin ang mga ito. Kaya hindi na bago sa akin ang mga ganitong tinginan nila sa akin. Sanay na sanay na ako at hindi nila ako madadaan sa mga tingin nilang ganito. Dumiretsiyo ako sa classroom namin ng hindi iniinda ang mga matang nanunuod sa bawat galaw ko. Naroon na si Kara at ang ilang mga kaklase namin ng dumating ako. Hindi ako napansin ni Kara dahil busy siya sa pakikipag-asaran kay Xian. Habang ang ibang mga kaklase ko naman na naroon ay agad na napalingon sa direksiyon ko kasama na roon si Hades na tahimik at seryosong pinapanuod ang galaw ko. Naupo ako sa tabi niya at sumandal sa backrest ng upuan. Hindi pinapansin ang mga matang patuloy na nanunuod sa akin. Nagulat ako nang may ilapag na notebook si Hades sa harapan ko. Sandali kong tinignan iyon bago ko siya sinulyapan nang mag nagtatanong na ekspresiyon. "What's that?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay. "That's my notes," simpleng sinabi niya. Kumunot ang noo ko sa iritasiyon. "Hindi ko kailangan niyan," malamig kong sabi. "I'm just trying to help, Calliope..." "I don't need your help. Hindi ko kailangan ng tulong lalo na nang isang lalaking tulad mo at huwag na huwag mo 'kong kaaawaan dahil hindi ko kailangan ng awa mo," mahina ngunit mariin kong sabi. Hindi naman na siya nangulit pa pagkatapos nun hanggang sa magsimula na ang klase. Mabuti na lang at hindi naman kami pina-activity ngayong araw dahil wala naman talaga akong maisasagot doon. Nang mag-lunch ay agad kaming bumaba ni Kara para magtungo sa cafeteria. Nagulat na lang kami pareho nang habang kumakain kami ay may lumapit sa aming isang babae. Nakasalamin ito at mukhang mahiyain. Kagat kagat nito ang kanyang labi habang bitbit ang kanyang tray ng pagkain. "Pwede ba akong maki-share ng table?" anang babaeng nakasalamin at mukhang mahiyain. Nang igala ko ang paningin ko ay doon ko lang napagtanto na wala na palang bakanteng upuan maliban na lang sa inuupuan namin. Kaya agad akong ngumiti sa babae at tumango. "Sure." Mangha itong tumingin sa akin na para bang isang milagro para sa kanya na hinayaan ko siyang maupo sa tabi ko. Akala kasi ng lahat suplada ako kahit ang totoo sa mga lalaki lang naman ako ganun. "Bago ka lang dito?" agad na pang-iintriga ni Kara sa babae. Umiling ito at yumuko. "D-Dito na ako mula highschool." Napatango kami pareho ni Kara. "Ako nga pala si Kara at siya naman si Cally. Ikaw anong pangalan mo?" Namilog ang mga mata ng babae na para bang hindi siya makapaniwala na gustong makipagkilala ng kaibigan ko sa kanya. Lumunok siya bago sinagot ang tanong ni Kara. "I-I'm Miyuki..." "Ang cute ng name mo kasing cute mo," natutuwang sabi ni Kara na ikinapula ng mukha ni Miyuki. "Can we just call you Yuki?" palakaibigang tanong ni Kara. Nakangiting tumango ang babae. "Wala ka ba laging kasabay mag-lunch?" Malungkot na tumango ang babae. "Kung ganun sabay ka na lang lagi sa amin. Ano bang course mo?" Si Kara talaga. Parang reporter sa dami ng tanong. Napailing na lang ako at nangingiti. "Architecture..." Manghang umawang ang bibig ni Kara. "Future architect ka pala! Ang galing naman." "Kayo? Masscom?" Tumango si Kara. "Yes! Future reporter kung papalarin pwede ring artista!" tatawa-tawang sabi ni Kara. Nakisabay sa tawa niya si Miyuki. "Pwede naman yun. Pareho kayong maganda..." "Maganda ka rin naman." Bahagyang nanlaki ang singkit na mga mata ni Miyuki. Ang cute niyang tignan. "Ako? Hindi siguro kumpara sa inyo..." Umiling ako. "Maganda ka," mariing sabi ko habang nakangiti. Namula ang magkabilang pisnge ni Miyuki pero agad din namang napangiti. Ang cute niya talaga. Hindi nakakasawa pagmasdan yung mukha niya. Simple lang siya pero hindi mo maipagkakaila na maganda talaga siya. Kulang nga lang talaga sa confidence. Natapos ang lunch break kaya agad na kaming bumalik ni Kara sa sunod naming klase. Nagulat pa nga kami nang maabutan namin si Hera na naroon. Anong ginagawa ng bwisit na 'to dito? Nakaupo siya sa desk ko habang nakaharap kay Hades. Napairap ako. Napakalandi talaga. Desperate b***h. Agad akong lumapit doon kaya agad siyang napalingon sa akin pati na rin ang kausap niyang si Hades. "Hi, Cally! Binibisita ko lang si Hades..." Whatever b***h. "Hindi ko gustong sirain ang moment niyo pero kung gusto niyong maglandian pwede rin namang sa labas na lang kayo. Ayoko kasi ng may naghaharutan sa harapan ko." "Ouch! Gusto ko lang naman sanang kausapin ka tungkol sa mga bags mo. Bibilhin ko na sana yung iba para hindi mo na kailangang huminto," bait-baitang sabi ng gaga. Umirap ako. "Sinong nagsabi sa'yo na titigil ako kapag hindi nabili ang mga bags ko?" "Hindi ba wala na kayong pera?" Gigil na binalingan ko si Hades. Siya siguro ang nagsabi ng mga yun sa babaeng ito. "You told her that?" gigil na tanong ko para kay Hades. Agad naman itong umiling pero bago pa siya makasagot ay inunahan na siya ni Hera. "Ang sabi niya kunin ko na daw lahat ng bags mo at siya na lang daw ang magbabayad. Ang sweet niya ano?" Hindi makapaniwalang tinignan ko si Hades. Ano bang problema niya? Concern ba siya o gusto niya lang akong mas lalong pahiyain. Naalala ko nanaman yung sinabi niya kanina na gusto niya lang makatulong. Kung gusto niya palang tumulong bakit hindi na lang siya ang diretsiyahang bumili ng mga bag ko at ibigay na lang niya iyon sa kung sinumang gusto niyang pagbigyan. Hindi yung ganito at pinapahiya niya pa ako sa babaeng ito. "I want to help..." sa paos na boses na sabi ni Hades. Mas lalo lamang akong nairita sa kanya. "I said I don't need your help!" pasigaw na sabi ko kaya agad na naagaw ko ang atensiyon ng mga kaklase naming naroon. "Now, get out!" Muling sigaw ko para naman kay Hera na nagulat rin sa pagsigaw ko sa pinakamamahal niya. "What?" Iritadong sabi ni Hera. "Bingi ka ba? I said get out!" "Ikaw na nga yung tinutulungan ikaw pa itong maarte," irap niya bago tumayo mula sa pagkakaupo sa desk namin. "Hindi ko nga sabi kailangan ng tulong niyo!" "Fine, whatever!" Nagpaalam na siya kay Hades at umalis na rin naman agad ng room namin. Padabog akong naupo sa upuan ko habang matalim na tinitignan si Hades. Hindi naman na siya nagsalita pa o sinubukang makipag-usap sa akin pagkatapos nun hanggang sa tuluyang matapos ang klase. Nauna na akong umuwi kay Kara dahil kailangan ko pang pumasok sa part-time job ko. Siya naman ay may kung ano pang bibilhin sa mall. Pagkarating ko sa coffee shop ay agad akong nagpalit ng damit. Mababait naman ang mga kasamahan ko doon. Tinutulungan nila ako sa mga bagay na hindi ko pa alam gawin. Hindi nga lang ako pala-imik kapag lalaki ang kumakausap o nagtuturo sa akin ng mga dapat gawin. Kahit iritado ako sa mga lalaki kailangan ko pa ring makisama sa kanila kung gusto kong manatili dito. "Sa Wertheimer University ka rin ba nag-aaral?" tanong ng isa sa mga kasamahan kong babae nang magkaroon ako ng break. Kung hindi ako nagkakamali, Ashley ang pangalan niya. "Oo. Ikaw rin ba?" nakangiting balik ko ng tanong sa kanya. Tumango siya. "Anong year mo na?" tanong ko sa kanya pero agad siyang umiling. "Grade 11 pa lang ako. Ikaw? College ka na?" Agad akong tumango. "First year, masscom." "May balak kang maging reporter or actress?" Umiling ako dahil hindi naman talaga iyon ang gusto ko. Gusto kong maging modelo. Si Mommy lang talaga ang nagtulak sa akin na mag-masscom dahil gusto niya raw akong maging sikat na TV host o kaya artista. Iyon kasi ang pangarap niya noon na hindi niya natupad. Pero sa totoo lang hindi yun ang gusto ko para sa sarili ko. Gusto kong maging sikat na modelo o kaya naman ay maging fashion designer balang-araw. "Napilitan ka lang sa course mo? Parang yung kakilala ko. Napilitan lang din siyang mag-masscom dahil nandun yung babaeng gusto niya. Ang sweet 'no?" Ngumiti ako at tumango. Sweet nga... pero malay natin kung sa una lang 'yun ganun. Parepareho lang naman kasi 'yang mga lalaking 'yan. Sa una lang magagaling. Papatunayan sa'yong mahal ka pero sa huli iiwan at sasaktan ka rin. Sabay kaming napalingon ni Ashley nang may pumasok. Agad kong namukhaan kung sino ang pumasok na iyon. Napataas ang kilay ko. Ito yung kapatid ni Hades na ang sabi ni Kara ay napakababaero daw. Magkamukha nga silang dalawa pero mas mature lang tignan si Hades kaysa sa isang ito na mahahalata mo pa ring may pagkatotoy pa. Seriously? Sa edad niyang yan nakakapang-uto na siya ng babae? Hindi sinasadyang napairap ako. Agad namang lumapit si Ashley kay Micco. Mukhang magkakilala pa yata ang dalawa. "Ang aga mo. Mamaya pa ang out ko," ani Ashley sa kapatid ni Hades pero mukhang naagaw ko ang atensiyon nito. Nakatitig lamang ito sa direksiyon ko na para bang nagtataka kung bakit ako narito at kung bakit ako nakasuot ng uniporme nila dito. Kilala ba ako nito? Siguro? Halos lahat naman ng lalaki sa school kilala ako dahil sa mga issue ko sa mga kapwa nila lalaki. Nagtaas ako ng kilay nang makitang ngumisi pa ito sa akin. Anong problema ng tutoy na ito sa akin? "Ikaw pala 'yan Ms. San Diego!" Lumapit pa talaga ang loko sa akin na para bang close kami. Kairita! "Huh? Magkakilala kayo?" agad na tanong ni Ashley. "Hindi," walang ganang sabi ko pero mas lalo lang lumawak ang ngisi ni Micco. "Huh?" Litong bulalas ni Ashley. "Tapos na ang break ko. Dun na ako ulit, Ashley," paalam ko sabay balik sa pwesto ko sa counter. Sinundan lang ako ng tingin ni Micco na may naglalarong ngiti sa mga labi. Nakakairita! Para siyang kuya niya. Nakakasira ng araw! Nakita kong nag-usap sila ni Ashley habang nakangisi at nakatingin pa rin sa akin ang Micco na yun. Inirapan ko siya. Wala na akong pakialam kung customer pa siya basta nabubwisit ako sa pagmumukha niya. Sa sumunod na araw ay mas marami na yatang nakakaalam ng nangyari sa kompanya namin. Malamang ipinagkalat na iyon ng Hera Saavedra na yun! Sino pa ba? Mas marami tuloy ang mga matang nanunuod sa akin ngayon. Napailing na lang ako. Mga walang magawa sa buhay ang mga taong ito. Ano bang nakakatuwa sa pangingialam ng buhay ng ibang tao? Wala ba silang mga problema sa buhay at ako itong pinagtutuunan nila ng pansin. "Yan na siya..." Napalingon ako sa grupo ng mga babaeng nagbubulungan habang nakatingin sa direksiyon ko. Napangisi ako. Isa pa itong mga 'to. Hindi ko alam kung anong problema nila sa akin at kung bakit ganito sila. Wala naman akong maalalang pinagmalditahan ko sila. "Yan kasi. Akala mo kung sino. Nakarma tuloy..." bulong-bulong nung isang babae na halata namang pinaparinig sa akin. "Malandi kasi..." Napairap ako sa nagsabi nun. Isa kasi sa mga crush niya ang pinaasa ko kaya siguro ang sama ng loob sa akin. Bahala sila d'yan! Wala akong pakialam kung anong sabihin nila sa akin. Huwag lang nila akong gagalawin dahil ibang usapan na yun. "Ano miss man-hater? Ang bilis ba ng karma?" Si Kevin. Isa sa mga nauto ko dati at pinaasa sa kama. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa maramdaman kong may nangbabato sa akin ng kung ano mula sa likod. Bago ko pa iyon malingon ay may malaking bato nang tumama sa noo ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo dahil doon. Nanlalabo ang mga mata ko at alam kong anumang oras ay babagsak ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagkahilo. Ngunit kahit ganun na ang nararamdaman ay pinilit ko pa ring maglakad ng diretsiyo para matakasan ang mga nambabato sa akin. Wala na akong masiyadong makita dahil sa panlalabo ng mga mata ko kaya naisipan kong huminto muna sandali. Pinalipas ko ang hilong nararamdaman bago muling nagpatuloy sa paglalakad, sapu-sapu ang noong natamaan. Imbes na sa klase magtungo ay dumiretsiyo ako sa CR ng pambabae upang matignan ang noo ko. Mabuti na lang at walang tao ngayon doon. Napasinghap ako nang makitang duguan ang noo ko. Hindi naman malalim ang sugat pero nagdurugo iyon. Kinuha ko ang panyo ko at agad na pinunasan ang dugo sa aking noo. Hindi ko naiwasang mapasinghap sa hapdi na dulot nun. Hindi ko akalain na hahantong sa ganito ang lahat... Seriously? Ganun ba kalaki ang galit nila sa akin para gawin ito? Gusto kong maiyak pero agad kong pinigilan ang sarili ko. Hindi ako dapat umiiyak ng dahil lang dito. Nang dahil lang sa mga walang kwentang tao... Sarili ko lang ang kakampi ko kaya hindi ako dapat maging mahina. Maliit na sugat lang 'yan, Cally... Hindi mo dapat iniiyakan 'yan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD