Kabanata 12
H A D E S
Inubos ko ang alak na nasa baso bago tinawagan si Coco. Nakapagdesisyon na ako. Ito lang ang paraan na naiisip ko para mamatay ang issue tungkol kay Calliope. Hindi ko na kayang tiisin ang ginagawa nila sa kanya. Sumosobra na sila at kailangang matapos na ito. Hindi gumana yung plano namin ni Xian. May nakakapanakit pa rin pala sa kanya at pinag-uusapan pa rin siya ng iba. Sa totoo lang ako ang nagkumbinsi kay Xian na makisabay tuwing lunch kina Cally. Iyon ang unang pumasok sa isip ko na paraan para maprorektahan siya kahit papano. Nakisama lang din sina Peter at Zuki pero hindi nila alam ang totoong rason kung bakit kami palaging sumasabay sa lunch ng magkaibigan. Ideya ko yun at akala ko naman ay gumagana na pero mukhang hindi pa pala. Pinag-uusapan pa rin siya sa school lalo na ngayon dahil sa kumakalat na video ng pananakit sa kanya.
Pinatalsik na sa school yung mga babaeng nanakit sa kanya kasama na rin si Peter na nangbato sa kanya noong isang beses. Walang kuha ng pambabato pero si Miyuki ang nagpatunay noon. Nakita niya pala ang nangyaring pambabato kaya siya ang nagreport nun sa dean. Hindi pumasok si Cally sa sumunod na araw kaya kay Kara na lang ako nakibalita tungkol sa kanya. Sobrang nag-alala ako nung iwanan ko siya sa tabing kalsada pero wala akong choice eh. Yun ang gusto niya. Ayaw niya nga akong makita kaya bakit ko pa ipagpipilitan ang gusto ko? Kaya kahit mahirap para sa akin na iwanan siya nung mga oras na yun, ginawa ko pa rin. Ayokong mas palalain pa ang sitwasiyon o baka dahil naduwag na rin akong makarinig muli ng masasakit na salita galing sa kanya
I wouldn't deny that I was really hurt by what she told me that day. Kung itulak niya ako palayo para bang diring-diri siya sa akin.
"What?" bungad ni Coco nang sagutin ang tawag ko. Halatang iritado sa pagtawag ko ng ganitong oras.
"Coco, I need your help."
"What do you want from me brother?" he asked.
"Tell everyone I'm gay. Siguraduhin mong lahat makakaalam," I said firmly.
"What? Are you f*****g kidding me?" tanong niya na para bang hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin.
Inasahan ko na ito. Kahit naman ako ay hirap paniwalaan na gagawin ko talaga ito para sa isang babae. f**k! Nababaliw na yata ako pero ayoko nang mag-isip pa. Gagawin ko 'to para kay Calliope at hindi na magbabago ang isip ko.
"Do I sounds like I'm kidding?"
"So you're serious? Bro, are you crazy? Wait! Is this because of her? Gagawin mo talaga yung sinabi ko noon? Nasisiraan ka na yata, Kuya! Umayos ka nga! Bakit gusto mong gawin ito ngayon? Desperado ka na ba?" Nahihimigan ko ang iritasiyon sa boses niya. Halatang tutol siya sa gusto kong mangyari pero nakapagdesisyon na ako at hindi na magbabago ang isip ko.
"Yes! Desperado na ako! Ano? Gagawin mo ba o hindi?"
"Do I have a choice?"
"No," mariing sabi ko.
"f**k! Dahil ba ito sa issue niya ngayon? Gusto mong makalimutan agad ng mga tao yung tungkol sa video niya kaya gusto mong gumawa ng panibagong issue? Magpapanggap kang bakla para lang matapos ang issue tungkol sa kanya at mapansin ka na niya sa wakas? f**k! Nababaliw ka na nga talaga! Gusto mo pa yatang matakwil ni dad kapag umabot sa kanya itong kalokohan na ito. Kuya naman! Babae lang 'yan. Oo, maganda si Ms. San Diego pero marami pang mas maganda d'yan!"
"Shut up, Micco! Gawin mo na lang ang sinasabi ko!"
"Tangina naman! Ako pa talaga? Baka malaman ito ni dad, Kuya!"
"Gagawin mo ba o hindi?"
"Tangina talaga! Bakit kasi ako?"
Pumikit ako ng mariin at muling inulit ang tanong.
"Gagawin mo o hindi?"
"Bwisit! Gagawin na nga! Sigurado ka na ba dito? Hindi ka nga marunong ngumiti manlang tapos magpapanggap ka pang bakla? Paano mo gagawin yun? Tingin mo may maniniwala sa'yong bakla ka kung parati kang walang emosiyon?"
I know. Pero bahala na. Hindi yun ang mahalagang isipin sa mga oras na ito. Kailangan kong gawin 'to para matahimik na ang mga tao sa pag-uusap tungkol kay Calliope. Hindi siya karapat-dapat na tratuhin ng ganun. Kung anuman ang mga maling nagawa niya for sure may rason siya sa mga iyon.
"Ako nang bahala dun."
Napahilot ako sa sintido ko. Sa totoo lang wala talaga akong ideya kung anong gagawin ko. Kung paano ako aarteng... f**k!
"Anong gagawin mo? Magpa-practice ka kung paano maging bakla? Bro, baka naman maging totoo kang bakla niyan!"
"Tumigil ka nga Coco! Gawin mo na lang ang pinapagawa ko sa'yo. Ako na ang bahala."
"Tangina kinikilabutan ako kapag naiisip ko na mag-aasal bakla ka. Gagi, hindi mo bagay! Mabuti na lang at wala ka pang nagiging girlfriend kaya madali ring palabasin na bakla ka nga talaga. Kaya lang yung kilos mo 'tsaka facial expression mo. Doon tayo magkakaproblema. Baka makahalata agad sila."
"Ako na sabing bahala d'yan!"
"Seryoso ka na talaga?"
I sighed. Ang kulit din ng isang ito. Kung nasa harapan ko lang siya kanina ko pa siya nabatukan dahil paulit-ulit siya.
"Hindi ka ba nakainom? Gagawin mo talaga ito para sa babaeng yun? Lakas ng tama mo, bro! Lakas!"
"Gawin mo na lang. Siguraduhin mong lahat makakaalam."
"Oo na. Akong bahala. Bwisit naman o."
Binaba ko na ang tawag at napasandal sa backrest ng inuupuan kong couch. Hinilot ko ang sentido ko. Tangna! Gagawin ko ba talaga ito? Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong natawa sa mga pinagagagawa ko. Pagkatapos niya akong ipagtulakan na para bang diring-diri siya sa akin ay ito ako at gumagawa pa rin ng paraan para maprorektahan siya. Stupid! Maybe Coco is right. Ang lakas nga siguro ng tama ko sa babaeng yun at nagkakaganito ako.
"Gago may gusto ka kay Cally?" gulat na tanong sa akin ni Peter nang sabihin sa kanya ni Coco ang plano ko. Tumawa si Zuki kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Magkakagusto ka na lang dun pa sa wala kang pag-asa! Bobo mo!" Si Zuki na halatang manghang-mangha.
"H'wag mong sabihing nung highschool pa 'yan? Tangna, ang tibay mo!" Si Xian na kaklase ko rin simula highschool.
"Desperado pota! Magpapanggap na bading para magpapansin? Seryoso ka ba?" Umiling-iling si Zuki.
"Coco, kapatid mo ba talaga ito? Ang hina sa babae, pota!" dagdag pang-aasar pa ni Zuki.
"Turuan mo kasi," nakangising sabi ni Coco.
"Langhiya! Gusto ko din si Cally pero hindi ko naman kayang magpanggap na bakla. Ang kornin nun!"
Napatingin ako kay Peter nang sabihin niya yun. Tinitigan ko siya ng mariin. Nagtaas siya ng kamay na para bang sumusuko.
"O, relax! Hindi naman ako makikipag-agawan sa'yo."
"Lakas bumakod, hindi naman marunong pumorma," natatawang sabi ni Xian.
"Paano alam niya kung anong kahahantungan niya pag pumorma siya," tawa ni Coco.
Tuwang-tuwa pa talaga sila. Hinayaan ko na lang sila dahil sa totoo lang kahit ako ay nawiwirduhan sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naisipan ko itong gawin.
"Hindi ko ma-imagine na bakla 'tong si gago. Tangina!" Humalakhak si Peter.
Bumuntong hininga ako at hinayaan na lang silang tuksuhin ako. Alam ko naman din talagang mangyayari 'to.
"Gago, hindi ako magpapakabaliw sa babae ng ganyan," naiiling na sabi ni Zuki. Tinignan ko siya at ngumisi.
"Talaga?" nanghahamon na sabi ko.
"Talagang-talaga! Bakit ako magpapakabaliw sa isa kung marami naman d'yan! Katangahan yun."
"Pag-ikaw nakahanap ng katapat tignan nalang natin yabang mo," si Peter kay Zuki na tinawanan lang nito.
"Walang ganyanan! Baka magkatotoo yan!"
"Eh di tapos ang maliligayang araw mo."
"Gago!"
Napa-iling na lang ako sa kinahantungan ng pag-uusap namin. Hindi talaga maayos kausap ang mga gagong 'to.
C A L L Y
Apat na araw akong hindi pumasok at kung hindi pa ako dinalaw ni Kara sa pinagtatrabahuhan ko upang kumbinsihing pumasok na ay baka hindi na talaga ako pumasok. Sa dami ng nangyari sa akin sa school na yun parang gusto ko na lang lumipat ng school at makapagsimulang muli. Total masiyadong mahal ang tuition doon at hindi naman na kami mayaman. May pera pa naman kami at marami pa akong bag at sapatos na pwedeng maibenta, siguro naman kakasiya ang mga iyon hanggang sa makapagtapos ako ng kolehiyo. Pero kung ganito naman ang nangyayari parang tama lang siguro na lumipat na lang ako ng school para makatipid na rin. Kaya lang siyempre tutol doon si Kara. Gusto niya talagang magkasama kami hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo. Gusto ko rin naman yun kaya lang ang hirap-hirap na kasi. Sa huli napilit niya parin akong pumasok.
Sindya kong agahan ang pasok ko para hindi pa ganun kadami ang studyante. Mapayapa naman akong nakarating sa classroom namin nang walang gumagambala sa akin. Nakakapanibago dahil nakasanayan ko na rin na kada papasok ay pinagtitinginan ako ng mga tao. O kaya naman pinag-uusapan pero kanina para lang akong hangin sa kanila habang naglalakad. May pinag-uusapan ang mga studyante pero parang hindi naman iyon tungkol sa akin. Kung tungkol iyon sa akin eh di sana pinagtinginan na ako doon pero mukhang may bago nanaman silang pinag-uusapan. Sino naman kaya yun? May bagong issue ba kaya nakalimutan na nila ang tungkol sa akin? Hindi ko na lang iyon masiyadong pinagtuunan iyon ng pansin. At least hindi na nila ako ginugulo.
Pagdating ko sa classroom ay agad na sinalubong ako ni Kara. Nabanggit nga niya sa akin na aagahan niya ang pasok para makapag-usap pa kami ng sandali bago magsimula ang klase. Naroon na ang ibang mga kaklase namin pero kokonti pa lang kami. Nabibilang lang sa daliri ang dami ng tao sa classroom. Sumunod sa akin si Kara hanggang sa makaupo ako sa upuan ko. Siya naman ang naupo sa upuan ni Hades.
"May nangharang nanaman ba sa'yo habang papunta dito?" agad na tanong ni Kara, bakas ang pag-aalala. Umiling ako agad at ngumiti.
"Wala naman."
"Mabuti naman."
"Pero may bago nanaman yata silang pinag-uusapan..." kunot noong sabi ko.
"Baka si Hades!" agad na hula ni Kara. Mas lalong kumunot ang noo ko doon.
"Bakit naman nila pag-uusapan si... Hades?"
Naalala ko ang ginawang pagtataboy kay Hades noong isang araw. Mamaya magkikita ulit kaming dalawa after ng nangyari. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya pakikisamahan kapag nagkaroon ng activity at kami nanaman ang partner.
"Hindi ka ba nagbubukas ng social media mo?"
"Busy ako sa trabaho ko, Kara. Akala mo ba may panahon pa ako para d'yan at gusto ko na rin munang umiwas sa mga ganyan dahil sa nangyari," paliwanag ko.
"Kung sa bagay..."
"Ano bang mayroon kay H-Hades?" Damn it! Nanginig pa ako sa pagbanggit ng pangalan niya.
"Nag-out na siya!"
My forehead creased.
"Nag-out? Ano?" nalilitong sabi ko.
"Nag-out! Umamin na siya."
"Umamin na ano?"
"Bakla siya."
"What?" Hindi ko na napigilan ang pag-awang ng bibig ko sa sobrang gulat sa sinabi ni Kara. Namilog ang mga mata ko at hindi makapaniwalang tinignan siyang mabuti. Sinisigurado kung seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya. Mukhang seryoso naman pero bakit parang hindi pa rin ako kumbinsido. Si Hades? Bakla? Imposible naman talaga yun di ba? Paano mangyayari yun?
May gusto siya sa akin di ba? O baka mali lang ako? Baka hindi naman talaga niya ako gusto at naaawa lang. Pero bakla ba talaga siya? Paano mangyayari yun? Hindi ko ma-imagine na bakla ang isang Hades Santiago. Ang labo. Oo, wala pang napapabalita na naging girlfriend niya pero hindi talaga halatang bakla siya. Baka naman hindi talaga totoong bakla siya. Baka may naninira lang pero sino naman ang magbabalak na siraan si Hades?
"Ang hirap paniwalaan 'no? Sumugod nga dito si Hera!"
"Sumugod?"
"Oo! Tinanong niya si Hades ng diretsiyahan kung totoong bakla ito."
"At anong sinagot niya?"
"Umamin siya! Totoo daw na bakla talaga siya!"
Napatakip ako sa bibig ko. Hindi talaga makapaniwala sa mga naririnig.
"Sigurado ka ba? Umamin siya sa harapan niyong lahat?"
Tumango si Kara.
"Oo! Rinig na rinig ko ang pag-amin niya na bakla siya. Nagalit nga sa kanya si Xian kasi magkaibigan daw sila pero hindi niya manlang nasabi dito ang totoo. Tapos balita ko nag-away rin sila ng kapatid niyang si Micco. Basta! Ang daming nangyari nung wala ka. Kaya rin siguro mabilis na natabunan yung issue tungkol sa'yo. Grabe 'no? Kahit ako hindi rin makapaniwala. Sino ba kasing mag-aakalang bakla si Hades? Sa sobrang suplado nun hindi mo talaga iisiping bakla."
Hindi na ako nakapagsalita pa. Sobrang nakakagulat talaga ang lahat. Sinabihan ko pa naman siya noong isang araw na lubayan ako dahil hindi ko siya magugustuhan kahit kailan. Tapos hindi naman pala niya ako gusto dahil bakla naman pala siya. s**t! Bigla tuloy akong na-guilty sa pagtaboy sa kanya nung isang araw.