19

927 Words
Carlos POV Nagto-toothbrush ako sa CR nang mapatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Bigla kong naalala ang panaginip ko. Napahawak ako sa bibig ko. May gusto ba ako sa multong 'yon? Nanlaki agad ang mga mata ko. Dali-dali kong tinapos ang paninipilyo at nagbukas ng pinto, pero si Elena na pala ang bumungad sa akin. "Good morning!" bati niya, masigla. Nanlaki ang mga mata ko. Bumaba ang tingin ko sa labi niya. Hindi! Mabilis akong umiling at naglakad palayo. "Carlos, umayos ka!" bulong ko sa sarili. Pero nagulat ako nang sumulpot siya sa harap ko. "May problema ba?" tanong niya. Tumalikod ako para hindi ko siya tingnan. "Hoy! Ok ka lang?" tanong niya, sabay tapik sa braso ko. "H-ha? O-oo naman," sagot ko, hindi ko alam kung bakit nanginig ang boses ko. "Segurado ka?" "Ay putik!" sigaw ko nang may sumulpot ulit sa harap ko. "Sinong putik?" taas kilay niyang tanong. "Wala. Alis nga… maliligo na ako," dahilan ko, saka naglakad palayo. "Hoy! Saan ka pupunta? Andito yung CR oh!" Ani niya, at na-realize kong papunta pala ako sa pintuan papalabas. "Sabi ko nga!" sagot ko, saka dali-daling pumasok sa CR, nilock ang pinto, at napasandal. Ano ba'tong nangyayari sa akin? Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang sarili kong repleksyon sa salamin. Namumula ang mukha ko. Teka… nagblush ba ako? Tang*na! "Hindi! Hindi! Umayos ka!" sigaw ko sa sarili. "Asawa ko!" Nataranta ako nang tawagin niya ako. "May tumatawag sa cellphone mo!" dugtong niya. "O-oo! Andyan na!" sagot ko, kaagad lumabas, umiwas ang tingin kay Elena. Kinuha ko ang cellphone, si Luis pala. "Luis, bakit?" paunang tanong ko. "Pumunta ka na dito. Bilisan mo," sabi niya, halatang may mahalagang sasabihin. "Sige. Papunta na," sagot ko, saka pinatay ang tawag. Kinaumagahan, kinabahan ako sa urgency niya. Binilisan ko ang pagligo at pagbihis. "Aalis ka na?" tanong ni Elena, nakatingin sa akin habang kinuha ko ang susi ng motor. "Oo, aalis na. Bye," lumapit ako at hinalikan ang pisngi niya. Pareho kaming nagulat. What the?! Nabato siya sa kinatatayuan niya sa gulat. "A-ah… pasensya na! Bye!" sigaw ko, nagmamadali palabas ng apartment ko. s**t! Anong pumapasok sa isip ko at ginagawa ko yun? Tangna! Bumalik sa realidad nang may text sa cellphone ko. Unknown number, may picture ng bungo ng tao. Putik. Ano 'to? Nagpalinga-linga ako sa paligid, wala naman tao. Itinago ko ang cellphone at nagmadaling bumaba. Mabilis akong nakarating sa headquarters at sinalubong agad ni Jenna. Hinigit niya ako sa room kung saan namin pinaplano ang lahat. Pagpasok ko, nakita ko kaagad ang sarili kong litrato naka-flash sa screen. Nagtaka ako. "Bakit andyan yang litrato ko?" tanong ko, saka umupo at inilagay ang bag sa gilid. "Hindi ikaw 'yon," sabi ni Jam. Kumunot ang noo ko, saka napatawa. "Talaga ba? O sino 'yon? Kambal ko?" Natatawa akong tanong, pero seryoso ang mga mukha nila. "Sabihin mo nga sa amin… nagsinungaling ka ba nung sinabi mong dalawa lang kayong magkapatid?" seryosong tanong ni Jam. "Dalawa lang naman talaga kami ng kapatid ko," sagot ko, naguguluhan. "Segurado ka?" tanong niya, tinitingnan akong tatlo. "Ano bang problema nyo?" malapit na akong mainis sa pinagtatanong nila. "Weird," sabi ni Jenna, nakatingin sa akin. "Anong weird?" tanong ko. Lumingon siya sa naka-flash na picture ko. "Bakit kamukhang-kamukha mo siya?" "Teka… ano bang pinagsasabi nyo? Eh diba ako naman talaga 'yon?" tanong ko, saka itinuturo ang screen. "Hindi. Inimbestigahan namin ang bunsong anak ni Dr. Smith," sabi ni Luis. Natigilan ako. Si Elena? "Nalaman naming nagka-engkwentro ang mga pulis sa araw mismo ng kasal ni Kim Elena, bunsong anak ni Dr. Smith. May kasintahan rin siyang pulis. Nang makita namin ang picture ng pulis, nagulat kami, kamukha mo ito. Ang lalakeng nasa screen ay si SPO3 Leo San Agustin, dating kasintahan ni Kim Elena Madrigal," paliwanag ni Luis, mahaba at seryoso. Napatayo ako, wala sa sarili, at lumapit sa screen. SPO3 Leo San Agustin? Kamukha ko siya. Anong nangyayari? "Nalaman namin na matagal na siyang nag-resign matapos ang kasal. Kailangan natin siyang hanapin, baka may alam siya sa pamilya Madrigal," dagdag ni Luis. "Nasaan na siya ngayon?" tanong ko. "Yun nga eh… walang nakakaalam kung nasaan siya o buhay pa siya," sagot ni Jenna. Bumalik ang tingin ko sa picture sa screen. Marami akong tanong. Bakit kami magkamukha? Bakit pakiramdam ko, ayoko na siyang bumalik? Kinahapunan, nakakuha kami ng iilang video at litrato nina Leo at Elena. Pakiramdam ko, ako ang kasama niya sa mga litratong iyon. "Saan nyo to nakuha?" tanong ko. "Sa i********: account ni Mr. Agustin. Buti nalang hindi pa niya dinidelete," sagot ni Jam. Pinanood ko ang ilang video, sobrang sweet nila. Hindi ko namalayan, nakuyom ko na ang kamao ko ng sobrang higpit. Naiinis ako at ayaw ko sa nakikita ko. Pakiramdam ko, sasabog ako sa galit at selos. At hindi ko na napigilan, mabilis akong lumabas. Napahinga ako ng malalim. Tinanggal ko ang ilang batonis ng pulo ko para makahinga. Hindi naman ako nagseselos, diba? "Ha! Ako nagseselos? Bakit naman ako magseselos? Walang nagseselos!" sigaw ko sa sarili. "Sinong nagseselos?" "Putang*na!" Napamura ako nang sumulpot si Elena sa harap ko. "Minumura mo ba ako?" taas kilay niyang tanong. "Hindi! Umalis ka na nga!" inis akong naglakad palayo. "Bakit ba ang init na naman ng ulo mo?" tanong niya habang nakasunod. Inis na hinarap ko siya, nakatingin lang ang inosenteng mga mata niya sa akin. Lalo akong naiinis. "Pwede bang umalis ka sa utak ko?! Ah! Baliw na yata ako," sigaw ko sa sarili, saka bumalik sa loob. "Anyare do'n?" narinig ko pang bulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD