Chapter 1
MASAMA ang tingin ni Kim sa "buwisita" ni Kamahalan, dahil, pero, subalit kailangang maging mabuti, mabait at magandang Senyora siya ng Imperyo ng Kaliwanagan. Ipaghahanda niya ng nagmamaanghang na Sisig, pampulutan.
Buwisita e, kailangang maging hospitable. Umikot ng hundred times ang eyeballs niya.
"Senyora!" untag ni Jeanna, the gin-gineer. Nakaplaster ang nang-aasar na ngiti. "Nakakatakot naman 'yang hawak mo." tukoy nito sa malaki at malapad na kutsilyong nasa kamay niya. "Mariang Taga, lang?"
Ngumisi lang siya at sinamaan niya ito ng tingin. Saka tinadtad ang pisngi ng baboy. Iniisip niya kung paanong napasali ang Modelong Alien sa toma, lalong tumagiktik ang pagtadtad.
Yanig pati chopping board.
Nadaan sa boobs, nadaan sa legs, 'di na 'ko pinansin. Sa loob-loob niya.
"Kimchi, kalamayin mo ang loob mo." sabay tawa ni Jeanna, pinakialaman ang bawang. "Napitpit na pala itey."
Bumuga siya sa hangin. Tadtad, tadtad.
Mula sa kusina, tanaw kasi nila ang happenings sa backyard. Nakaset-up na ang mga upuan at ang mesa. Sa isang tabi niyon ay si Prince, na nag-iihaw ng pork barbecue, si Enrico kasama ang Modelong Alien, blonde kasi kaya alien. Luwa pa ang dede. Naghaharutan.
Napatingin siya sa kaniyang hinaharap. Nailing na lang siya. Putspang dede 'yan.
"Ano kayang cup size niya?" ani Jeanna, kinapkap din nito ang sarili, saka lumingon sa kan'ya. "Hayuff bessy, ligayang tunay si Ric d'yan. Sa'yo ba, Kimchi?"
Tarakan niya kaya 'to ng kutsilyo? Wala ngang dede! Paulit-ulit?
Pinanlakihan niya ito ng mata. "Ba't kailangang nakapulupot ang Alien na 'yan? Dati ba siyang sawa?" aniya. Nakayakap sa side ni Enrico ang alien, sweet smiles pa ang lintik. Humigpit ang kapit niya sa kutsilyo. Tadtad, tadtad. "At ito namang si Enrico, feel na feel pa!"
Tinawanan lalo siya ni Jeanna. "Relax, 'yung pig baka ma-over chopped." Kinalkal nito ang luya sa basket. "Let me help you, Senyora." Kumuha rin ito ng kutsilyo. Binalatan si luya. "Nakakatakot ka pala magjeling jeling."
Inirapan niya si Jeanna.
"Chop mo ng maliliit 'yan, Gin-gineer." kinuha naman niya ang sibuyas, chop din ng maliliit. "Saang lupalop naman galing 'yang Alien?" ininguso niya ang alien na nakayapos pa rin kay Ric. Lalong napabilis ang pagtadtad niya sa pobreng sibuyas. "Peke ang blonde hair niya." Buwisit. Kagigil. "Fake na harot."
Sinunod niya ang sili. Naglagay muna siya ng vegetable oil sa kamay, saka inisa-isang hiwain at tanggalan ng buto ang sili. Green nga lang, nasaan ang pula?
"Sa Pluto, si Devina Arcanghel, nakatrabaho daw ni Ric mo. Kasamahan daw 'yan ni Direk e, chinika ko si Grasya. Isa pa 'yon, lakas tama na rin." sagot nito. "Gan'yan pala 'yan." napatangu-tango pa si Jeanna habang tinatanggal niya ng buto ni siling green. "Mantika lang pala ang katapat ng sili. Tagal ko nang problema 'yan kapag naghihiwa ako ng sili."
"Oo, bago mo hiwain, pahid ka muna ng vegetable oil para 'di kumapit ang anghang niya. Mahapdi at mainit sa balat, e." napatingin na naman siya sa gawi ni Ric. Kausap naman na nito si Prince. "Alam mo bang 'di kami nagpapasok ng Alien dito lalo kapag blonde?"
"Ng model na babae ba?" Ngiti ngiti lang si Jeanna. "Ba't ako nakapasok?"
"Oo, minamalas kasi si Sungit." at tinadtad niya na rin ang sili. "Hindi kita pinapasok ikaw ang pumasok, de makakaangal ba 'ko no'n? Rekta sa kuwarto ni Kamahalan. Surprise! Ang lupit mo."
"Hindi naman siya minalas nung tinabihan niya 'ko matulog." nakangising katwiran nito, sabagay wala namang kamalasang nangyari sa kamahalan. Nga lang, napunta naman sa kan'ya ang jinx nito. "Ano pang hihiwain, Senyora?"
"Wala na, iluluto ko na 'yan. Balik ka na ro'n." taboy niya. "Baka si Prince mo naman ang dikitan, talakan mo nang lumayas."
"Ikaw na lang, bawal akong mag-ingay kaya."
Tsk. Sasarapan na lang niya ang Sisig niya. Saka niya ipo-post sa f*******:. Kilig panty na naman ang mga followers niya. Tumaas ang gilid ng labi niya, mag-iisip siya ng caption. Sisig na may maanghang na asta, nailing na lang siya. Sinadya niyang iyon ang ilutong pulutan, paborito kasi ni Ric. Baka patulan ang pagsinta niyang inalaagaan niya ng four years. Pagsintang 'di nanlamig, habang tumatagal lalong nag-iinit, kaya heto siya hibang na hibang pa rin parang sixteen.
Yep, sixteen siya no'n ng tamaan siya ng hagupit ni Kupido. Noong una, 'di naniniwala si Enrico sa kan'ya, baka crush lang. Saka bagets pa sila noon. E, ang crush nag-eevolve. Lumipas ang college days niya, si Enrico pa rin ang gusto niya. Nag-inistalk siya lahat. Ang whereabouts ng binata, pati mga naging ka-fling nito ay kinulam niya sa isip niya. Maghiwalay lang. Muntanga na siya pero 'di siya tumigil. Kalkal dito, hanap doon. Lalo nitong naging sikat na modelo si Enrico at ngayon, artista na rin. De mas lalong dumami ang karibal niya, dumami ang inusal niyang ritwal at dasal, pero 'di pa rin siya nagpatinag. Tinamaan ng pag-ibig e, mapipigil ba 'yon?
Hindi. Edi ang saya!
Sinenyasan siya ni Jeanna na lingunin ang "buwisita" at ang eksena, nakaakbay si Enrico, her loves. All smiles, kinurot ang pisngi ng Alien. Nagtawanan pa!
Nagngingitngit sa selos ang kaibuturan niya.
Pakalbo kitang alien ka sa mga followers ko sa sss!
At may nagreact, may ngumiyaw. Agad na napako ang tingin ni Kim sa back door, sa doormat. Si Bruce, ang pusang galang inampon ni Prince na ngayon e, housemate na rin nila.
Ginirian siya ni Bruce.
"Get out!" bulyaw niya. "Alis! Baka isama kita dito sa niluluto ko!" Nakakalokang pusa. Highblood lagi sa kan'ya. The feeling is mutual naman kaya quits lang sila. "Gusto mong maging Pusang Sisig?"
At ang salbaheng pusa ay ginirian siya. Uli.
"May araw ka rin sa 'kin, Bruce," ngitngit niya. Hinarap niya ang mga sangkap sa mesa. "Kapag sumama ang lasa ng sisig ko, hindi ka magdidinner kang pusa ka!"
"Senyora!" awat ni Prince mula sa labas. "Highblood ka na naman, 'yung pulutan."
"Oo na! Wait lang." kumuha siya ng chopsticks, inikot sa tuktok ng ulo niya ang kan'yang buhok at sinuksok ang chopsticks, pa-ekis. Baka malagyan ng buhok, nakakahiya 'yon.
"Kulang lang kayo sa anghang."