SINONG kaaway ni Kim?" nangingiti na natatawa si Enrico, Ric Martel na ngayon. Kahit papaano ay thrilled siyang makita ang dalaga in person after few years. Though, updated naman siya sa happenings kay Kim dahil kay Prince.
"Si Bruce," sagot ni Prince. "My cat, hayaan mo na lagi silang gan'yan."
Natawa siya ng tuluyan. Ibang klase talaga ang loyal lover niya, pati pusa hindi pinapalampas.
"Why do you call her Senyora, ba?" maarteng tanong ni Devina, kasamahan niyang modelo sa isang agency. "But she doesn't act like one, naman."
Bakit nga ba?
"She likes Marimar," wika ni Prince, binabaligtad na nito ang iniihaw na barbeque. "Pero mas gusto niya si Senyora, 'yung kontrabida and the rest is history."
"I see," tumango-tango siya. "'Buti hindi siya mapang-api."
"Akala mo lang 'yon."
"Yeah," segunda agad ni Devina. "I think she's mad at me, baka bigla na lang niya 'kong saktan." Umakting na parang takot na takot si Devina at nagsumiksik sa kan'ya.
Natigil sa ginagawa si Prince. Nakakunot ang noo. "Gan'yan lang siya pero hindi siya nananakit." malamig na tingin ang pinukol nito kay Devina.
"Hey, man." kambiyo niya. Alanganin ang ngiti niya. "Nagbibiro lang si Devina, right, babe?"
Inirapan lang siya ng babae. Lumayo sa kanila at naupo sa duyan. Napailing na lang siya.
"Dude," tinapik niya sa balikat si Prince. "Kamusta si Kim?" kung humulas na ba ang feelings nito sa kan'ya?
"Tinatanong mo talaga 'yan?" si Jeanna, yumapos kay Prince. "Ikaw kaya ang magtanong sa kan'ya. Don't tell me, naduduwag ka?"
Mapanghamon ang mga tingin ni Jeanna. May nakakaasar pang mga ngiti.
"Hey, princess." saway ni Prince. "Huwag mong pikunin." may ibinulong pa ito kay Jeanna, saka nag-ngitian ang dalawa.
"Para kayong sira." aniya. "Bala napaismid siya. "
"Ikaw kamo, chicken ka. Enrico," si Jeanna. "Kalmahin mo si Senyora, baka sumama ang lasa ng pulutan."
Di nga? Napakamot siya sa batok.
"Anong problema mo kay Senyora?" follow up question ni Jeanna. Nangingiti lang si Prince.
Napamaang siya. Wala naman, sa loob-loob niya. Asar lang naman siya kay Kim dati, maganda naman ito, sexy rin, crush niya nga noon e. Kaso nanghihiyang lang siya. Pasaway kasi ito, maarte pa at utos ng utos. Kaasar 'yon. Siyempre, sinarili na lang niya.
"Si Senyora kasi, malaki ang problema sa hinaharap niya," patuloy ni Jeanna, tumingin sa gawi ni Devina. "Nagdala ka raw ng pekeng blonde."
"Pinaalalahanan kita d'yan," susog naman ni Prince. "Ayaw niya ng mga may babae dito sa Kaharian ko."
"Hindi ba't ikaw ang may ayaw?" balik tanong niya dito.
"Not anymore." anito, nakipagtitigan pa kay Jeanna.
UMANGAT ang puwit ni Enrico nang lumabas si Kim mula sa kitchen, bitbit nito ang pulutan. Napamulagat pa siya nang ito mismo ang nag-aayos ng mga kakainin nila. Pati ang mga beer na inilagay nila sa cooler ito pa ang nag-asikaso. Hindi nag-utos.
That's new. Paanong naging ganoon?
"Ric," pukaw ni Jeanna. "Baka matunaw naman." itinulak nito ang beer sa kan'ya. "Inom ka."
Hinamig niya ang sarili. Lihim na pinagmasdan si Kim. Tumungga. Lunok.
Tinaasan siya ng kilay ni Kim. Her cheeks were flushed, wavy hair - dyed pa yata in shades of red, mukhang hindi nasuklay ng maayos. Truth to be told, parang nag-iba ang itsura nito, masyadong gumanda sa paningin niya. Small, oval face, upturned nose and that lips. Kailan pa naging pouty 'yon?
Nginitian siya. Pumitlag ang puso niya.
"Kim." bati niya. Pati ang singkit nitong mata ay ngumiti sa kan'ya. "Long time no see, kamusta?"
"Ayos lang." tipid sa sagot si Senyora.
Kailangan bang magfollow-up question?
"Nasaan pala 'yong kasama mo?" tanong nito, napansin niyang nakatutok sa kanila ang mga naroon. "Hindi ba makapaghintay?"
"Napagod, nagpahinga na lang siya." sagot niya bigla.
Nakakalokong ngumiti si Kim, parang may gustong ipahiwatig na hindi niya maintindihan. Kinuha niya ang beer at tumungga.
"Ah, okay." anito, saka ito lumipat sa tabi niya. Bigla siyang nanigas sa kan'yang kinauupuan. "Kinakamusta mo ako, tama ba dinig ko?"
Natameme siya.
"Of course, your my friend," aniya.
Umasim ang mukha nito. Disappointed sa sagot niya.
Biglang bawi naman siya, inakbayan niya ito. Hinapit ang leeg. Ramdam niyang natigilan ang dalaga.
"Namiss ko 'to." siniko naman siya. "Pati luto mo."
Kumalas ito sa kan'ya. "Busit ka. Bakit ka nagsama ng Alien dito?" singhal nito.
Nagtawanan ang mga miron.
"'Kaw naman oh, selos agad." biro niya, wrong move. Sumama ang face ni Senyora. "'Wag ka nang magalit, mag-inuman nalang tayo."
Inismiran siya nito. Napailing na lang siya.
ISMID. Praning na kung praning, habang abala ang mga people kanina, sinimplehan ni Kim, si Devina. Tinimplahan niya ito ng kapeng may ginseng, courtesy of Jeanna at siyempre, her magic pampatulog.
De tulog ang alien. Solo niya si Enrico. Ngiting wagi ang Senyora. At bago pa lumalim ang gabi, kailangan na niyang magsabi ng feelings kay Enrico. Once and for all, para matahimik na siya. Well, hindi naman lingid sa kaalaman ng binata ang feelings niya. Masakit lang kasi 'di siya sineseryoso. Hindi na niya kayang tagalan pa, baka makalmot niya ng tuluyan ang alien. Maigi na 'yung malinaw.
And it's her time to shine, sa ilalim ng buwan, kasabay ng paghampas ng alon sa dagat. Magtatapat siya. No turning back.
Kailangan ng lakas ng loob. Si San Miguel. Tumungga siya. All right!
Kaya ko 'to. Pagpapalakas niya sa sarili niya.
"Makulit ka pa rin, Kim." ani Ric. "Hindi ka nagbago."
Ows?
"Oo naman, parang feelings ko sa 'yo. Hindi nagbago. Gano'n pa rin." pigil hininga niya. "Seryosohin mo naman kasi. Para kang tanga e."
Natawa ito. Nagpapatawa ba siya?
"Ikaw talaga, Kim." pinisil nito ang ilong niya. "Ang cute mo."
Pinalis niya ang kamay nito sa ilong niya. "Mahal nga kita, Enrico. Ano ba?"
Natigilan naman si Enrico. Napakurap.
Tila nagkalabugan ang mga lamang loob niya. Bigla siyang kinabahan. All these years hindi ba nito napansin ang feelings niya?
"Sorry, Kimchi. Girlfriend ko si Devina." seryoso si Enrico. Nawala ang kulit sa mga mata nito.
That's it. Tumayo siya at tumakbo papasok sa loob ng bahay. Pigil ang iyak, pigil ang bawat salita. Itinaga pa naman niya sa famous page niya na last na confession na 'to, kapag binasted pa siya.
Goodbye, lovelife.
Hindi pa rin pala talaga kaya. Masakit masampal ng katotohanan, mula na rin mismo kay sinisinta. May girlfriend na. Ano bang tingin nito sa kan'ya? Bata?
Nagkulong siya kuwarto at ngumalngal. Hindi sa pagkapahiya, kundi sa walang sukling pagsinta.
"Buwisit na lalaking 'yon." kinalkal niya ang drawer niya, hinanap ang isang botelya. "Ang lagay ganoon lang?"
Siya si Senyora, hindi uubra sa kanya ang mga ganyan. Matapos niyang um-effort, magbuhos ng feelings, nagbaby ng feelings, 'yon lang? Hindi man lang pinusuan.
At napraning na naman siya. Nang makita ang hinahanap, saka lang siya kumalma. Isa na naman sa mga magic niya. Ang pinakatagu-tago in case na mangyari ang ganito.
Nilaro niya ang maliit na bottle. Sapat na ang ilang patak.
"Girlfriend, ha? Tignan ko lang kung hindi ka pa mahumaling sa 'kin." saka siya tumawa na parang kontrabida. Kontrabida naman talaga siya. "Mapapasa akin ka rin. My loves."
Siyempre. Joke lang 'yon. Itutulog na lang niya muna ang experience at maagang babangon ang kagandahan niya bukas.