Chapter 3

1006 Words
KATAKUT-TAKOT na pambabash ang inabot ng huling status ni Senyora Kimchi kagabi, after niyang ngumalngal, nagdalamhati. Nakita ang gayuma. De, nahulasan, nga lang sangkaterbang bura, tipa, bura at tipa ang ginawa niya. Paki ba nila? Hanggang sa nagpost na nga, nabashing bashing naman, paanong hindi siya mababash? E, isinumpa ba naman niya ang mga paasa, manloloko at mga Boy Basted. De, ngalngal ang mga followers niya. Ang agang hindi sang-ayon sa kagandahan niya ang mga comments! De magpost pa uli siya. "Tikman ninyo ang batas ni Senyora." pindot. Pindot. Lagay ng angry emoticon. Post. After a minute, sandamukal na likes na ang inabot ng status niya. Tumingin siya sa oras. Pasado alas siyete ng umaga, dahil nagkainuman nga kagabi sigurado siyang lupaypay pa ang mga kasama. Makakapagluto pa siya ng agahan na tanghalian, pihadong tatanghaliin ng gising ang sambahayan. Mabilis siyang naligo at nagbihis. Diretso agad ng kusina. Saktong nakabalandra si Jeanna, nagkamali siya, may maaga pa lang nagising. At nakikipaglaro kay Bruce, nilampasan niya ang mga ito. Agad siyang naghagilap ng sangkap. Tinola ang naisip niyang iluto. May sabaw, panghulas ng hang over. At siyempre ang malupit niyang balak. Napangisi siya. "Senyora! Magandang umaga!" bungad ni Jeanna, may bitbit na mga dahon ng malunggay at papaya. Kung paanong nangyari 'yon? Hindi na niya inurirat. Baka gusto lang din magluto. "Natunugan kong magluluto ka. Ikinuha kita ng malunggay at papaya." Tikwas ang kilay niya. Looks like may apprentice na siya. At friendship na sila. "Ibaba mo ang kilay, Senyora." ngiti. "Nasabi ko kagabi na kahindik-hindik ang kolesterol ng mga foods, kaya 'di ba sabi mo, masarap kang magluto ng pinapayahang manok." paliwanag nito. 'Yun naman pala, kahit nabrokenhearted siya, apaw pa rin ang matinong isip niya ng concern. Concerned Citizen kasi siya, okay. Good. Tinulungan na rin siya nitong maghiwa ng mga sangkap. Nakahinga siya ng slight, masyado na talaga siyang pre-occupied ng plano niya kay Enrico. De, ibaba ang kilay. Kinalikot niya ang manok. Nilinis ng maigi. "Gusto kong konyatan si Enrico kagabi, kabusit siya," komento uli ni Jeanna, pinipigtas ang mga bilog na dahon. Sumipsip pa? Gusto lang makiusi sa feelings? Behave, be nice. Control. Ang heart beat. Ang memories from last night. "'Kala ko nga ibibitin na ni My Prince sa punong kamatis e." Umismid siya. Duda siya sa bagay na 'yon. "Sus! Wala 'yon. Sanay na 'kong mabasted." Pero deep inside, kagabi na ang pinakamasakit na basted na inabot niya. Normal lang naman ang usapan kagabi. Normal din ang sagot, pero siya hindi normal. Kinapa niya ang maliit na botelya sa bulsa, lihim na napangisi. "Nasaan nga pala 'yung mga kape mong may bahid ng sama ng loob? Penge nga." Dahil clueless naman si Jeanna sa maitim niyang balak, mula sa mga kapehan e, may hinugot itong dalawang sachet, lukot ang mukha, kapeng may ginseng daw. Taas ang kilay niya, masalimuot ang pinagdaanan ng kape 'yon. Bagay na bagay sa binabalak niya. "Salamat," aniya at nagbrew na rin kape para sa kanilang dalawa. "Kamusta naman si Kamahalan?" "Ayun, bulagta." natatawa pa ito, binabalatan naman ang papaya. "Nag-emote daw si Enrico mo, gusto mong marinig? May nirecord siya." "Wag na, hindi ako interesado." pero joke lang 'yon. Gusto niya talagang malaman. "Sina Direk at Grace?" "Nasa living room si Direk, parang deads lang ang ayos." Sinilip niya ang lalaki. Oo nga, nabaling ang tingin niya kay Arjo, nakahiga naman sa sofa. Umuungol parang naghihingalo pa. Natawa na lang siya. "Si Grace, naliligo yata," pati luya ay hiniwa na ni Jeanna, mukhang papalitan na siya sa trono niya. Maganda 'yon makakafocus na talaga siya sa kan'yang sinisinta. "Alin pa ang hihiwain ko, Kimchi?" "Bawang at sibuyas." binalikan niya ang chicken na isinalang na niya sa kaserola. Sumasagitsit na, naglalabas ng mantika. "E, yung Pekeng Blonde, buhay pa?" "Hindi ka talaga asar kay Devina ano?" Nangingiti si Jeanna, pinakialamanan naman ang coffeemaker, nagsalin sa dalawang mug. "Kapangalan ng BFF ko, si Dhevona." Oh, she remember the girl. Dhevona, type ni Arjo. Pero crush si Enrico niya. Ismid uli. "Devils," ngutngot niya. Naalala niya ang engkuwentro niya sa BFF ni Jeanna, kamuntik na ring lumanding sa hospital dahil nilagyan niya ng papampurga ang foods. Sa asar niya, kasi nga lantaran ang pagpapahayag nito ng paghanga ke Enrico. Kung hibang siya o masama lang ang ugali niya? 'Yun ang malaking tanong. "Kamusta ka naman?" ramdam niya ang full force na concern sa tinig ni Jeanna. "Sabi ko nga kay Prince, dadamayan kita kaso pinigil niya 'ko. Malala ka raw kausap kapag bigo. Bagong basted." napangiwi ito sa huling sinabi. "Anong balak mo?" "De, magtatapat uli." bitaw. Buntong hininga. "Hindi ko siya titigilan hangga't 'di pumapasok sa kukote niya na ako lang puwedeng umangkin sa kanya." Umangkin, matinding wordings. Ganoon ang lakas ng tama niya kay Enrico Martel, pati mga reachable na karibal, tinutumba niya. Ang sama ng ugali niya, hindi ba? Pero alam niya ang limitasyon niya. Well, hindi pa naman siya nakakapatay. Sobra naman 'yun. "Ang alam ko babalik na sa San Jose si Pekeng Blonde, masosolo mo na si Enrico mo." wika ni Jeanna, sabagay ano bang masama kung malaman niya buhay pa si Pekeng Blonde. Tama 'yon. Lumayas na sa paningin niya. Iwas isipin. Lumapad ang ngisi niya. Marami pa siyang magic sa kuwarto niya, if ever. Hinarap niya uli ang chicken, binaligtad, hininaan ang apoy, ginisa. Isinama ang luya at sibuyas. Gisa uli. May mga yabag palapit sa kusina. Nilagyan niya ng tubig ang chicken, tinakpan. "Senyora, batsi muna 'ko." si Jeanna, at nilampasan ang mga bagong gising. Ang Pekeng Blonde at siyempre, si my love, Enrico niya. Fresh from the bath. Tinalikuran niya ang dalawa. Mukhang balak talaga siyang asarin. Kalma. Sobrang kuyabit kasi si Pekeng Blonde, buhusan niya kaya ng kape? Tama. Itinimpla niya ang kapeng may ginseng, dalawa. Isa para sa Pekeng Blonde, isa para kay Enrico. Dinukot sa bulsa ang botelya, pinatakan. Isang patak ng gayuma. Mula sa mahiwang pakuluan ni Aling Coring, ang manggagamot. Mabisa raw kaya bakit 'di niya subukan? Ihinalo ang kape. Presto. Puwede nang i-serve.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD