Chapter 4

1029 Words
"Good morning, Senyora," bati ni Enrico, s**t na malagkit, kahit amoy na ang tinolang chicken, nadadagit pa rin ng nosetrils niya ang amoy ni Enrico. Bagong paligo. Safe guard na green. "Ihahatid ko lang sa kabilang isla si Dev, pakisabi na lang kay Prince." "'Kay," hinarap niya ang dalawa. Binati niya ang sarili sa pagiging cool niya. Inilapag sa tapat ng mga ito ang kape. "Kape muna kayo bago umalis." alok niya. Talagang ipinilit niya ang tasang may magic kay Enrico. "Hindi puwedeng lumayas agad kayo, gusto n'yo bang kumain? Malapit na rin naman maluto ang tinola." "I don't eat tinola," entra ni Pekeng Blonde. Irap, haplos sa braso ni Enrico. Kalma. Paskil ang pinakaplastic na ngiti. "Kape ka na lang, iniusod niya ang isang mug. Masarap 'yan, may ginseng." May ngumiyaw. Si Bruce, she have to feed the cat. At hindi sila in good terms ng cat. "Alaga mo?" si Pekeng Blonde. Tangan ang mug ng kape, humigop. "It's so black. I like the eyes, super green." Sana nilagyan na lang pala niya ng pampa-jebs ang kape nito. "Super pet ni Prince," sagot niya, umakyat si Bruce sa dining table. Binugaw niya, pero makulit. Stay put lang sa table. "Ano ba, Bruce! Baba! I'll get you sardines, baba!" Dahil ikinuha niya ng sardinas ang ulirang pusa, hindi na niya napansin ang galawan ng dalawa. Gamit ang abrilata, nagbukas siya ng sardinas, ngiyaw nang ngiyaw si Bruce. "Kulit mong pusa ka!" isinalin sa sariling bowl ng pusa. Sosyal ang pusa e. "Eat na." E, makulos si Bruce, nag-feeling frog, lumundag palapit sa bowl. 'Di sinasadyang may matabig. "Woah, ibang klase 'yang pet n'yo," wika ni Enrico, may nakatagilid na mug, natapon na kape. "Alis na kami, Kim." E, kaninong kape 'yong lumigwak? Napatingin siya sa isa pang tasa. May kaunting tira. Hala? Kanino kaya 'yon? "Kimchi," pukaw uli ni Enrico. "Ipagtira mo 'ko ng tinola." "Ha?" sinong tasa, este kaninong kape ang tumapon. Ngumiyaw si Bruce, simot ang sardines. "Sige, magluluto pa 'ko ng iba." nak ng putspa, normal na normal ang usap, walang namimilipit na bituka sa kilig. Kaninong kape ba 'yon? Nainom kaya ni Enrico ang kape? At isang kaway, ngiti from Enrico. Napanganga na lang siya sa natatanaw na likod nito. Binalikan niya ang kape. Saka hinarap si Bruce, nakatingin sa kan'ya. Ngumiyaw. "You better shut up, Bruce," banta niya. "Wala kang lunch mamaya." Hinarap naman niya ang tinola. Kumukulo na, pinatay ang apoy. Shit. Mayamaya pa ay nagsusumigaw na si Prince, hanap siya. Nasaan ba si Jeanna? Hindi niya malaman paanong hati ng atensyon ang gagawin niya, ang tawag ni Kamahalan, o ang kape? Nilayasan niya ang nanginginain na pusa. Nanimot ng bowl. Mamaya na niya haharapin ang kape. At sa ilang saglit. Pinagpiyestahan ng dila ni Bruce ang natapong kape. Sarap na sarap ang pusa. Ngiyaw. "HINDI minamadali ang pagkain," reklamo ni Kim habang inililigpit ang mga pinagkainan. "Nginunguya ng mabuti, ninanamnam ang lasa. Pangit ba lasa ng niluto ko?" Nagpapalitan ng tingin ang mga naroroon sa hapag. Kanda iling sina Grace at Jeanna. At may ngumiyaw na naman. Buwisit na pusa. Kanina pa siya buwisit sa whiskers nito. "Sabihin ninyo na kasi, para tayong last supper eh." Ano ba 'yon? Ngilanging itanong niya. "Kim," intro ni Prinsipe, tumikhim. "Is it okay kung dito muna natin papatuluyin sina Drake?" "Ba't ako ang tinatanong mo? Bahay mo 'to. Isla mo 'to," sabay ingos. Nagliwanag ang mukha ni Grace, bumuka ang bibig ay may hirit pang isa. "Me too, Senyora." singit ni Dhevona. Well, wala naman siyang magagawa kung nandito ang babae. Tipo ni Arjo, alangan pigilan niya. "Pati si Ric, bakasyon grande!" kilig na kilig pa si Dhev, masamang tingin ang inani nito sa kan'ya. Makuha lang sa tingin. Sapat na. Biglang ngiti si Dhevona sa kan'ya. Nag-peace sign. Good. "And one more thing," may hihirit pa si Drake. "Will do some photo shoot dito sa bahay, at may ilang eksena na rin akong kukunan. Kung okay lang sa 'yo, Senyora." "Hindi ako ang may-ari, bakit sa 'kin kayo nagpapaalam?" sino ba siya? "E, baka naman kasi may gawin kang out of control." si Arjo. "Kaya iistambay si Ric dito, pampakalma." Inambaan niya ng suntok ang binata. Tinawanan lang siya. "Ano'ng oras darating si Enrico?" 'yon kape kasing may gayuma, titignan niya kung umepekto ba. Tumalab ba ang true love? "Nagtext naman na, Senyora, wag masyadong excited. Baka mabasted." De, mag wait. At ngumiyaw si Bruce. "Ano bang problema nitong pusa mo, Kamahalan.." tinaboy niya si Bruce pero bumuntot pa din, dapat nag-aaway sila e. Weird na pusa. Dikit ng dikit. "Ano ba? Gusto mong maging pusang gala?" PANAY ang ismid at sarcastic comments si Kim, habang bina-browse ang timeline ni Enrico. Panay tagged posts ang laman ng timeline. Panay babae ang nagtatagged. Ismid uli. Nilait pa niya ang itsura ng mga babaitang nandodoon. Kaso kapag napapatingin siya sa dibdib, binibilisan niya ang pag scroll. 'Yun ang masaklap na katotohanan. Kinulang siya sa parteng 'yon. Ismid na lang uli. Inaantay talaga niya si Enrico, paano pasado alas dos na hindi pa bumabalik ng isla. Ano 'yon? Sabi ihahatid lang? 'Di man lang nagtext sa kan'ya. 'Di man lang nag-call. Wala naman siyang number 'di ba? Napadako na naman ang tingin niya sa mga pictures, naka bikini. "Litsi." Saka ini-log out ang socmed account niya. Isinuksok ang phone sa bulsa. Tumunganga sa pasimano, with Bruce on her side. Puwede nang lapatan ng kantang "Maghihintay Ako Sa Iyong Pagbabalik" with pure feelings. Emote. Ngumiyaw. Hinimas niya ang ulo ni Bruce, nanahimik. "Alam mo, kung tumalab talaga 'yun, dapat nandito na siya e," sinilip niya ang dagat. Mula sa kinauupuan niya, tanaw niya ang asul na dagat. "Kumahog na dapat siya e." O, atat lang siya? Tumayo siya at pinagpagpag ang shorts niya, umangil ang pusa. "Ano ba? Magsi-CR ako," paikot-ikot sa harap niya ang pusa. Hindi siya makahakbang. Dinampot niya si Bruce, inilagay niya sa tulugang basket nito. "Sleep, Bruce." Tapik. Tapik. 'Di pa man siya nakakalayo, sunod agad si Bruce. "Kairita ka na," lakad. Lakad hanggang sa makaabot na siya sa banyo. "Wag kang susunod!" pagkapasok, sabay sara ng pinto. Ngiyaw ang pusa. Mag-eemote siyang tunay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD