"ANO BA, BRUCE!" asik ni Kim sa pusang maligalig. "Why so clingy? Don't go near me kasi. Ang weird mong pusa ka." magdamag siyang hindi tinantanan ng pusa. Kulang na lang ay tumabi pa ito sa pagtulog niya. Mabuti pala nakatakas siya. Pinagdabugan niya ng pinto. Sa doormat natulog si Bruce. "You don't like me, then you like me? You weird cat."
Tangan ang kape, naupo siya sa baitang ng hagdan. Nasa paanan naman niya si Bruce, naaaliw ata sa kulay dilaw niyang kuko sa paa. Sa kabaliwan niya kaiisip sa kagagahang ginawa niya kay Enrico. Hindi siya nakatulog nang maayos. Kinulayan niya ng dilaw ang kuko sa paa na para bang doon niya makukuha ang sagot sa mga katanungan niya.
Effective ba ang magic niya?
Kung oo, kailan tatalab? Isang oras ba? Dalawa, tatlo? O overnight?
Desperadang tunay siya. Sa sobrang pagkahibang kay Enrico. Napraning siya, nagstatus - teka check siya ng notification. Walang bago. May nagpa-flood likes lang. At 'yun nga. Nanggayuma.
Napailing siya. Humigop ng kape. Hindi ba dapat nauulol na si Enrico sa kan'ya?
"Ah! Buwisit!" ngumiri si Bruce sa paanan niya. "Oo! Bwisit ka na, dapat bwisit ka sa 'kin e. Hindi tayo bati e!"
Para siyang tanga. Kumakausap ng pusa. Pranining. Dapat si Enrico ang kaulayaw niya e. Dapat baliw na baliw na sa kan'ya ang lalaking 'yon e. Dapat bang inisinalpak niya sa unan niya ang picture ni Enrico at tinulugan? Tinuluan ng laway?
Gross. Pero kung 'yon naman pala ang effective na paraan na kasama ng gayuma?
"Kakabuwisit," bubulong bulong si Kim. "Ano'ng oras na ba? Bulagta pa mga tao."
"Quarter to five," anang boses ng lalaki. Kilala niya ang boses na 'yon. Kinakahumalingan niya ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Si Enrico. Nakangiti sa kan'ya. Anak ng tinapa. Laglag na naman ang panty - este ulirat niya.
"Ang aga mo talagang magising," anito at napahikab pa. "Good morning pala, Senyora." sabay ngiti.
Siya naman natigalgal. After few seconds. Lihim na napatili. Sa isip nga lang.
"Morning din," sinikap niyang magpakanormal. "Kape? Pagtitimpla kita." tumayo siya. Ngumiyaw ang pusa. Ginirian si Enrico. "Naka adik yata si Bruce. Ikaw ang trip awayin."
Napakamot sa batok si Enrico. "Wala naman ako'ng ginagawa sa kan'ya ah." umiwas ito kay Bruce, nakataas kasi ang tainga at buntot nito. "Easy, buddy."
"Sira," aniya. Natawa siya. "Sa komedor tayo." Yakag niya. Medyo pabebe pa ang paglalakad. Kinikilig e. Parang mawiwiwi pa siya. "Bigyan mo na lang ng milk si Bruce mamaya, baka bumait sa 'yo. Di ka na niya girian."
"Naka-shorts ka na naman?" hindi tanong 'yon. Sita. Napalingon si Kim bigla. Nakatanga si Enrico sa shorts niyang kulay lumot.
"May problema ba tayo sa legs ko?"
"Magpantalon ka kaya? Saya na lang 'yong, mahaba." iritable ang tono ni Enrico. "Bakit ba kasi ang hilig mo sa maikling shorts, kung makalmot ka na naman ng pusa?"
Pinalampas niya ang paninita nito sa shorts niya.
"Friend na kami ni Bruce, hindi niya ako kakalmutin."
Kumuha siya ng isang mug. Nagsalin ng kape. Mainit pa talaga, kapeng barako ang iniinom talaga niya lalo kapag umaga. Pampagising ng diwa. Pampakalma.
"Lagyan ko ba ng asukal o milk?"
"Milk na lang." Nakatingin pa rin ito sa shorts niya.
"Ibibitin ka patiwarik ni Prince kapag nalaman niyang pinagnanasaan mo ang legs ko." inilapag niya sa tapat nito ang umuusok na kape. "Bawal ang magnasa dito."
"Ikaw lang ang allowed, ganoon?" may makukulit na ngisi sa labi ni Enrico. "Lugi ata ako 'don."
Napamura siya. Sintomas na ba 'yon? Pagnanasa sa legs niya? So, dapat mag-short siya?
Tinatapan niya ito ng ngisi. "E, kung ako nga lang ang allowed magnasa.." tila ba nagnilandi ang pilik mata niya. "Sa iyo.. may problema ba don? 'Yun naman ang ginagawa ko for the past past years e." naupo siya sa lamesa. Tigalgal si Enrico, kita ang legs niya. Napangisi siya. "Kung tutuusin dapat expired na ang pagnanasa ko sa 'yo e. Kaso maligalig ka. Ayokong pagnasaan ka ng iba."
"Ang bangis mo talaga, iba ka." napapailing na lang ito. Humigop ng kape. "Ako pa ngayon ang maligalig."
"Bakit? Totoo naman ah!"
"Ang bait ko kaya, ikaw 'tong maligalig. Kim."
Inirapan niya ito. "Oo, mabait ka nga. Lalo na sa babae. Sarap mong umbagin e."
"Selosa ka naman masyado," pagsakay pa nito. "Wala ka bang manliligaw?"
"Kung wala ba, liligawan mo 'ko?" hoping na ewan ang tono niya. Umeepekto na ba ang gayuma niya? Baka hocus focus lang 'yon.
"Senyora naman, binibigla mo 'ko. Hinay hinay lang. Darating din 'yan." anito. Nakatitig sa legs niya. Napatingin sa mukha niya. "Legs mo ay nakakasilaw, huwag mo ngang i-display."
"Pinagnanasaan mo lang legs ko. Umamin ka na," mas pinag-igi pa niya ang pagkakadisplay ng legs. Landidit lang. "Shaveless 'yan, natural na walang balahibo."
Naiiling na natatawa na lang si Enrico sa kanya.
"Tukso, layuan mo ako.."
Lalo tuloy siyang nanggigil sa lalaki. Maloloka na siya. May kulang ba sa patak ng gayuma 'yon kape? Naaaligaga na naman siya.
"Nga pala, ikaw ba ang may-ari ng kusina?" kapagkuwan ay tanong nito. Napangalahati na nito ang kape.
Sana pala'y nilagyan niya uli 'yon kahit patak lang. Nasisiraan na naman siya.
"May-ari talaga? Hindi akin ang bahay na 'to." Kinapa niya ang bulsa, sorry. Wala na ang vial ng gayuma. Maghihintay na uli siya ng sintomas. "Bakit ba lagi ninyong ipinapaalam sa 'kin ang lahat ng bagay dito sa bahay?"
"Kasi nga maligalig ka, sabi ni Prince, ikaw ang namamahala sa pagluluto, sagrado para sa 'yo ang kusina."
"Kumain lang ang alam no'n, may ipapaluto ka ba?" At nakaisip na naman siya ng ideya. Matik na talaga, siguradong di na papalya ang balak niya. "Tell me, mamalengke ako mamaya."
"Pakalog." ngumiti ito. "May nakita kasi akong tilapia kahapon. Ayun parang gusto ko kumain."
Sus. Tilapia lang pala. Madali na para sa kan'ya 'yon. "Doon tayo sa palaisdaan ni Kamahalan, magpapahuli na 'ko." Hinagilap niya ang kanyang cell phone. Tinawagan si Mang Kiking, ang tagapangasiwa sa hacienda ng Kamahalan. Nagbilin pa siya ng iba pang bagay at tinapos ang tawag.
"Paano mo nagagawa 'yon?" awang ang bibig ni Enrico sa kan'ya.
"Ang alin?"
"Senyora ka nga."
"Oh. That." Wala namang kamangha mangha doon. "Tilapia lang ipapaluto mo?"
"Sana." anito, nakangiti. Nagkamot ng batok. "May naka-schedule ka bang recipe ngayon?"
Meron nga ba? "Meron, mamamalengke nga ako e. Isasama kita, wala 'kong tagabitbit."
Bright idea, Senyora!
At walang siyang tangging narinig mula sa lalaki. Sige raw, magsa-shower lang ang mokong at lalakad na sila.
"Ah, Kim?"
"Ano? Mahal mo na 'ko?" Nakangising binalingan niya 'to.
Natawa ang hudyo. "Oo sana kaso, naka-shorts ka. Baka puwedeng magpalit ka?" nananantiya ang mga tingin nito. "Kim?"
Inirapan niya ito at tinalikuran. "Bilisan mong mag-shower, mainipin ako. Masama ang pinaghihintay ako."