CHAPTER 46

2096 Words
       NAPAKABILIS ng mga sumunod na nangyari sa buhay ni Rhian. Tila sa isang kisap-mata ay umikot nang maraming beses ang mundo niya at ngayon ay nakasuot na siya ng isang napakaganda at mamahaling wedding gown loob ng simbahan. Gawa ang wedding gown niya ng isang kilala at sikat na bridal couture sa bansa. Isa iyong long and flowing white gown na may balanseng kinang at sophistication. Very classic ang desinyo ngunit kakakitaan pa rin ng kagandahan. Mag-isa siyang naglalakad sa aisle habang hinihintay siya ng kaniyang groom na si Albert sa dulo. Lahat ng taong naroon ay hindi niya kilala dahil puro kamag-anak at kaibigan ni Albert ang invited sa kanilang kasal. Wala kasi siyang kakilala na pwede niyang imbitahin kaya ganoon. Sa paglalakad ni Rhian ay hindi niya nagawang hindi isipin si Kenzo. Ngayon pa lang ay humihingi na siya ng tawad sa kaniyang dating boyfriend. Hindi naman siya susuko kung hindi ito unang sumuko. Nakakalungkot na hanggang ngayon ay nasa kulungan pa rin ito. Kung siya ang tatanungin ay mahal na mahal niya pa rin si Kenzo at walang makakapalit sa puso niya sa lalaking iyon. Kaya lang ay kailangan niyang maging praktikal kaya pinili niyang magpakasal kay Albert. Mas pinili niya ang maginhawang buhay na inaalay nito sa kaniya. Sa tingin niya ay iyon ang tamang desisyon. Isa pa, ito rin naman ang gusto ni Kenzo—ang ipagpatuloy niya ang kaniyang buhay nang wala na ito. Sa wakas ay narating na ni Rhian ang kinaroroonan ni Albert at hindi niya nalamayan na tigam na siya sa luha dahil sa iniisip niya si Kenzo. “You’re crying...” bulong ni Albert nang ilahad nito ang isang kamay na agad niyang tinanggap. “T-tears of joy,” sambit ni Rhian. Alangan na sabihin niya na umiiyak siya dahil sa ex-boyfriend niya. Si Kenzo kasi talaga ang nakikita niyang papakasalan niya at makakasama hanggang sa sila ay nabubuhay. Walang ibang lalaki siyang pangarap na pakasalan kundi ito lamang pero hindi umayon ang tadhana sa kanilang dalawa. Inilihis nito ang plano nila noon pa. Tinangay na ng hangin sa dako pa roon ang mga pangako at pangarap nila ni Kenzo sa isa’t isa. Magkasamang humarap sina Rhian at Albert sa pari. Hindi nagtagal ay sinimulan na ang seremonyas ng kanilang pag-iisang dibdib...   “YOU should be here, Abigail! Nangako ka sa akin kaya ano `yong post mo sa i********: na nasa Siargao ka?” Lalapitan sana ni Rhian sa Albert pero bigla siyang napahinto. Nasa reception na sila ng gabing iyon sa isang sikat na hotel. Bigla kasing nawala si Albert sa tabi niya kaya hinanap niya ito at natagpuan niya ito sa exit ng hotel habang may kausap sa cellphone na nalaman niyang ang nag-iisa nitong anak na si Abigail. Hinintay muna niyang matapos ang pakikipag-usap ni Albert sa anak nito bago niya ito nilapitan. “May mga bisita ka na aalis na. Gusto nila na personal na magpaalam sa iyo,” ani Rhian sa kaniyang asawa. Umiling-iling si Albert. “Si Abigail... Talagang wala siyang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit ng ulo. She promised that she’ll be here in our wedding pero nandoon siya ngayon sa Siargao.” Nagpipigil ng galit na wika nito. Kahit hindi pa nakikilala ni Rhian nang personal si Abigail ay alam niya na tutol ito sa pagpapakasal ni Albert sa kaniya. Ilang beses itong kinakausap ni Albert sa phone na dumalo ito sa kasal nila pero hindi man lang ito nagkainteres hanggang sa nangako na nga ito na pupunta pero hindi naman nito tinupad. Kaya alam niya ang pinanggagalingan ng galit ni Albert ngayon. “H-hindi pa siguro siya handang makilala ako. Ayaw niya sa akin, `di ba?” Pilit na ngumiti si Rhian. “Wala siyang pagpipilian pa kundi tanggapin na ikaw na ang asawa ko ngayon at hindi ang manlolokong niyang mommy! Hanggang ngayon ay brat pa rin siya. Masyado kasi siyang in-spoiled ng mommy niya kaya ganoon ang naging ugali. Sobrang tigas ng ulo at puso!” Masuyong hinaplos ni Rhian sa likod si Albert. “Ang kailangan niyo lang ay isang heart to heart na pag-uusap.” “Malabong mangyari iyan kung palagi siyang wala sa bahay. Mas gusto pa niyang kasama ang nanay niyang ipinagpalit kami sa lalaki niya at sa pera.” “Saka na natin iyan pag-usapan. Wedding night natin kaya dapat ay masaya tayong dalawa. Tara na sa loob?” anyaya ni Rhian. Kailangan na niyang ilihis ang usapan at bago tuluyang masira ang espesyal na gabing iyon sa kanilang dalawa ni Albert. “Mabuti na lang at nandito ka na. Palagi mong akong pinapakalma, Rhian...” Huminga muna nang malalim si Albert bago ito sumama sa kaniya.   ISANG araw lang ang naging pahinga nina Rhian at Albert saka sila lumipad papunta sa Bali, Indonesia para sa kanilang dalawang linggo na honeymoon. Labis ang kaba ni Rhian dahil hindi na siya inosente para hindi malaman kung ano bang ginagawa ng mga bagong kasal sa honeymoon. Wala na siyang magagawa kundi gawin ang bagay na iyon kahit pa sinabi niya na hindi niya ibibigay ang kaniyang p********e at pagkabirhen sa lalaking hindi niya mahal. Kay Kenzo nga dapat iyon nakalaan, e... Tumigil ka na nga ng kaka-Kenzo mo, Rhian! Mag-move on ka na. Si Albert na ang asawa mo kaya siya na lang ang pagtuunan mo ng pansin. Okay?! Singhal niya sa sarili habang nakaupo sa eroplano. Katabi niya sa business class seat ang asawa. Pagkalapag ng eroplano sa airport sa Indonesia ay dumiretso na silang dalawa sa kanilang tutuluyan at iyon ay sa Anantara Uluwatu Bali Resort. Para iyong isang paraiso na may malawak na dagat sa harapan ng hotel na kanilang tinutuluyan. Ang lalaki ng swimming pools at ang mismong kwarto nila ay parang bahay na sa sobrang laki at gara. Dati ay sa magazines at internet lang siya nakakakita ng ganoong lugar ngunit ngayon ay naroon na siya. Parang panaginip lang talaga ang lahat! “Nagustuhan mo ba?” tanong ni Albert sa kaniya habang nasa veranda siya at nakatingin sa dagat ng umagang iyon. Nakangiti at masayang lumingon si Rhian. “Oo! Sobrang ganda pala rito! Grabe!” bulalas niya. “Salamat kasi dinala mo ako rito, Albert. Sobrang saya ko!” “Anything for my wife! Saka ngayong asawa mo na ako ay mag-expect ka nang palagi tayong magta-travel. Dadalhin kita sa magagandang lugar na hindi mo pa nararating.” Kinabig siya ni Albert sa beywang kaya nagdikit ang kanilang katawan. “Gusto ko rin makapunta sana sa Thailand at South Korea. Sa Pilipinas naman ay sa Boracay at Palawan. Wala kasi akong pera para sa mga engrandeng bakasyon.” “Pero iba na ngayon. Lahat ay pwede mo nang puntahan basta sabihin mo lang sa akin.” “Talaga? Salamat, Albert! Excited na akong makasama kang mag-travel!” Tila labas sa ilong na sabi niya. Hindi niya pa rin maiwasang isipin na sana ay si Kenzo ang kasama niya ngayon at sa mga susunod pa niyang papunta sa iba’t ibang lugar. Medyo nailang si Rhian sa pagkakalapit niya kay Albert. Halos isang dipa na lamang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Mas lalong humihigpit ang pagkakahapit nito kaya nararamdaman na niya ang nasa pagitan ng mga hita nito sa bandang tiyan niya. “I want you now, Rhian...” anas ni Albert habang namumungay ang mata. “A-albert, pagod kasi ako sa biyahe natin. Pwede bang magpahinga muna ako?” Pag-iwas niya na may kasamang pag-alis ng kamay ng lalaki sa kaniya. Parang hindi niya kaya na matagal sila na sobrang magkalapit. “Sure. No worries... Sorry kung hindi ako makapaghintay. And besides, we have two weeks here kaya marami tayong oras para sa bagay na iyon.” Isang pilyong ngiti ang nakapaskil sa mukha ni Albert. Isang nangingiming ngiti ang isinagot ni Rhian at nagpaalam siya na gagamit muna ng CR bago siya magpahinga. Pagkapasok sa malaki at engrandeng banyo ng kanilang kwarto ay agad niyang ini-lock ang pinto. Napasandal siya roon sabay hawak sa dibdib dahil sa malakas niyong pagkabog. Bumuga siya ng hangin habang nanghihina. Akala niya kasi ay may mangyayari na sa kanila ni Albert. Hindi naman sa nandidiri siya na sumiping kay Albert kundi dahil hindi niya akalain na gagawin niya ang bagay na iyon sa lalaking hindi niya mahal. Muntik ka na, Rhian. Muntik na! sigaw ng utak niya.   “BOSS! Wala ba akong dalaw ngayon?” tanong ni Kenzo sa pulis na dumaan sa harapan ng kulungan na kaniyang kinaroroonan. Nakahawak ang mga kamay niya sa rehas. Huminto ang pulis at sumagot. “Wala. Edi, sana tinawag na kita. Bakit? Hinihintay mo bang dalawin ka no’ng syota mong maganda?” tanong nito. “Oo, boss. Hindi ba talaga siya pumupunta na rito?” “Hindi pa. Kapag may dalaw ka ay tatawagin na lang kita,” anito sabay alis. Malungkot na napayuko si Kenzo at bumalik sa kaniyang masikip at maliit na higaan. Umupo siya roon habang sinisisi ang sarili kung bakit hindi pa rin dumadalaw si Rhian simula noong sabihin niya na maghiwalay na silang dalawa. Nakakapagsisi na sinabi niya iyon kay Rhian. Masyado kasi siyang nagpadala sa kaniyang emosyon dahil sa mga hirap na naranasan niya dito sa loob. “`Wag ka nang umasa sa syota mo! Wala na iyon. Nakahanap na `yon ng iba! Walang babaeng magpapakapagod sa atin na dalawin tayo dito sa loob!” Natatawang sigaw ng preso na nasa itaas ng higaan niya. Anim na double deck bed kasi ang naroon. “Gago ka, Sonny! Huwag mo ngang biruin ng ganiyan si Kenzo!” saway ni Tonyo sa lalaki at nilapitan siya. Umupo ito sa tabi niya. “E, ikaw naman kasi. Kasalanan mo kung bakit hindi ka na dinadalaw ni Rhian. Ipagtabuyan mo ba naman. Siyempre, nasaktan iyon.” “Kaya nga nagsisisi na ako. Mahigit isang buwan na niya akong hindi dinadalaw. Hindi ko na matawagan iyong number niya. Nag-aalala na ako sa kaniya kasi mag-isa lang siya. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya, pare!” “Ang negatibo naman ng utak mo, pare!” “Ang hirap mag-isip nang maayos, pare! Babae si Rhian at masyado siyang mahina ayon sa pagkakakilala ko. P-paano kung mapahamak siya? O may bumastos sa kaniya? Hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya! Pare, ano kaya kung tumakas na lang ako rito?” Binatukan siya ni Tonyo. “Gago! Iyan ang huwag mong gagawin. Kapag tumakas ka ay para ka pa ring nakakulong. Habangbuhay kang magtatago at matatakot!” “E, si Rhian kasi... Nag-aalala ako sa kaniya. P-paano kung hindi na niya ako dalawin, pare? Baka mabaliw ako rito!” “Nagtatampo lang iyon. Hayaan mo muna siyang magpalamig. Mahal ka ni Rhian kaya hindi ka matitiis no’n. Makikita mo at magugulat ka na halos araw-araw ka na niyang ulit pinupuntahan rito!” Sa sinabing iyon ng kaibigan ay may sumungaw na kaunting pag-asa kay Kenzo. “T-talaga? Siguro nga ay nagtatampo lang siya. Ganoon kasi iyon... Kahit siya ang may kasalanan ay siya pa talaga ang nagtatampo at ako pa ang kailangang sumuyo. Hay, nakakamiss iyong mga ganoong moment namin ni Rhian!” Napangiti siya nang maalala ang bahaging iyon ng nakaraan nila ni Rhian. “Kaya huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano! Teka, hindi mo na tiniyaga sa sebo de macho iyang peklat mo sa mukha, `no. Tingnan mo, nagpeklat na talaga!” Napahawak siya sa kaliwang pisngi. “Oo nga, e. Nakalimutan ko nang lagyan no’n sa kakaisip kay Rhian. Pero pogi pa rin naman ako kahit may peklat, `di ba?” biro niya. “Pogi pero mas pogi pa rin ako!” “`Sus! E, mas matagal ka rito pero ako na bago lang ang napag-initan ng kabilang grupo kasi ang gwapo ko raw. Natatakot yata sila na magkagusto sa akin mga asawa at girlfriend nila!” Natatawa niyang biro. “Oo na! Ikaw na ang pinaka pogi rito sa selda! Suko na ako sa pagiging mahangin mo, pare!” Naiiling na pagpayag ni Tonyo na may kasamang pagtawa. Nang umalis si Tonyo sa tabi ni Kenzo ay nakangiti na siya. Kahit paano ay meron pang nananatiling pag-asa sa puso niya na isang araw ay magugulat na lamang siya na dinadalaw na ulit siya ni Rhian. Saka pinanghahawakan niya ang pangako nito na hindi ito titigil hanggang hindi siya nakakalaya sa pagkakakulong. Sana ay matapos na ang pagtatampo mo, Rhian. Miss na miss na kita. Promise, hindi na kita aawayin. Sana ay dalawin mo na ulit ako rito... Umaasa niyang turan sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD