CHAPTER 47

2003 Words
       “KENZO? Ikaw ba iyan?” Nakakunot ang noo na tanong ni Rhian sa lalaking nakatalikod. Nasa isang madilim siyang kwarto pero ganoon pa man ay nakakapagtaka na nakikita niya pa rin ang lalaking iyon na ang bulto ng katawan ay kagaya ng kay Kenzo. Marahang pumihit paharap ang lalaki at tumalon ang puso niya sa kaligayahan nang makita ang mukha ng lalaki. Si Kenzo nga iyon! Pero kung siya ay masaya si Kenzo naman ay galit ang nakarehistro sa mukha. Nag-aapoy ang mata nito sa sobrang galit. “K-kenzo... Patawarin mo ako kung hindi na kita pinuntahan sa kulungan. Pero nandito na ulit ako. Hinding-hindi na kita iiwanan!” Naluluha niyang sabi sa lalaki. “Hinding-hindi kita mapapatawad! Sinungaling ka!” pasigaw nitong sagot. Naglakad palapit si Kenzo nang may panlilisik ang mata. Impit na napasigaw si Rhian nang sakalin siya nito gamit ang dalawang kamay. “K-kenzo! H-hindi ako m-makahinga!” Nahihirapan niyang samo. Sa higpit ng pagkakasakal ni Kenzo ay hindi niya magawang alisin ang mga kamay nito sa kaniyang leeg. “Wala kang isang salita! Ang dapat sa iyo ay patayin, Rhian! Nangako ka sa akin pero bakit bigla mo akong binitiwan?! Masyado kang nasilaw sa kayamanan! Papatayin kita! Papatayin kita, Rhiaaan!!!” Napopoot na sigaw ni Kenzo. Mas lalong humigpit ang pagkakasakal nito at unti-unti na siyang nakakaramdam ng panghihina. Kapag hindi siya pinakawalan ni Kenzo ay tuluyan na siyang babawian ng buhay! “K-kenzo... T-tama na...” “Papatayin kita! Wala kang kwenta! Hindi mo tinupad ang lahat ng pangako mo sa akin, Rhian!” Damang-dama niya ang galit ni Kenzo. Habang unti-unti na siyang binabawian ng hininga ay napaluha siya. Ipinikit niya ang mga mata at tinanggap ang mapait na kapalaran sa kamay ng lalaking kaniyang minamahal. SUMISIGAW na nagising si Rhian mula sa isang masamang panaginip na iyon. Parang may mga kamay na nakasakal sa leeg niya kaya nagwawalang pinaghahampas niya ang sariling leeg. Hanggang sa may humawak at pumigil sa kamay niya. “Rhian! Anong nangyayari?!” Narinig niya ang boses ni Albert. Huminto siya sa pagwawala at nang mapagtantong panaginip ang lahat ay mahigpit niyang niyakap si Albert na para bang bigla siyang nakakita ng tagapagligtas. Medyo madilim na ang kwarto nila at nalaman niyang gabi. Nakikita niya kasi ang labas nang dahil sa malaking glass door papunta sa veranda. Napahaba pala ang pagkakatulog niya at hindi na niya nagawang kumain ng tanghalian at hapunan. “Ano ba ang napanaginipan mo at takot na takot ka?” Mahinahong tanong ulit ni Albert. “M-may gusto raw pumatay sa akin. P-parang totoo kasi...” sagot niya. Nanginginig ang buo niyang katawan. Parang totoo kasi iyong galit at pagsakal ni Kenzo sa kaniya. Hindi kaya ipinakita sa panaginip niya ang totoong nararamdaman ni Kenzo sa kaniya ngayon? Ngunit bakit magagalit sa kaniya si Kenzo gayong ito ang unang nagtaboy sa kaniya? Kung anu-ano kasi ang iniisip niya kaya siguro siya nanaginip ng ganoon. Dapat ay tigilan na niya ang pag-iisip ng negatibo at maging masaya na lang sa panibago niyang buhay kasama si Albert. “Shhh... You have nothing to worry. I am here. It is just a dream... Nandito ako para protektahan ka. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa iyo.” Pag-alo ni Albert habang walang tigil ang masuyong paghaplos nito sa kaniyang likuran. Bahagyang inilayo nito ang sarili para tingnan siya sa mukha. Walang babala na hinalikan siya ni Albert sa labi. Noong una ay gusto niyang itulak ito palayo ngunit naisip niya na asawa na siya ni Albert at normal sa mag-asawa ang paghahalikan. Napipilitan man ay ipinikit na lang ni Rhian ang mga mata at ginantihan ang paghalik ng kaniyang asawa. Inisip niya na si Kenzo ang kahalikan niya para kahit paano ay mabawasan ang pagkailang niya. Maingat siyang inihiga ni Albert sa kama habang abala ang mga kamay nito sa paghuhubad ng suot nitong shorts. Nang tanging brief na lang ang suot ni Albert at siya naman ang hinubaran nito. Nahihiya pa niyang hihilahin sana ang kumot para takpan ang hubad niyang katawan pero inagaw ni Albert ang kumot at itinapon sa ibaba ng kama. “Hindi mo kailangang takpan ang katawan mo. Napakaganda mo, Rhian!” Puno ng pagnanasa nitong pinagmasdan ang kaniyang dibdib hanggang sa pagkabab*e. Hinayaan na ni Rhian si Albert sa gusto nitong gawin. Wala na siyang magagawa kundi ang masanay na hindi ito ang magiging una at huling beses silang magsisiping. Pikit-matang ibibigay na niya ang lahat-lahat kay Albert dahil mag-asawa na silang dalawa... Maya maya ay isinubsob na ni Albert ang mukha nito sa dibdib niya at inumpisahan na nitong paligayahin siya sa paraan na alam nito.   TULALA at wala sa sariling nakatingin si Rhian sa mantsa ng dugo sa bedsheet. Halos kakatapos lang siyang angkinin ni Albert na nasa tabi niya. May luhang naglalandas sa magkabila niyang pisngi. “I don’t know that you’re a virgin... Ako pala ang nakauna sa iyo. You just made me the luckiest guy on Earth. Maraming salamat. Hindi talaga ako nagkamali na mahalin ka. Malinis kang babae, Rhian.” May pagka-proud sa tono ng pagsasalita ni Albert. Hindi alam ni Rhian ang sasabihin niya kaya nanatili siyang tahimik. Ang akala yata ni Albert ay umiiyak siya dahil sa sobrang saya. Lingid sa kaalaman nito ay dahil iyon sa pagsisisi na dito niya inalay ang kaniyang pagkabirhen. Kasalanan mo iyan. Ginusto mong maging mayaman, `di ba? Pwes, tanggapin mo nang marami ang magiging kapalit niyan! Aniya sa sarili.   IYON na yata ang pinaka mabagal na dalawang linggo sa buong buhay ni Rhian. Hindi niya magawang mag-enjoy sa magagandang lugar na pinuntahan nila ni Albert sa Bali, Indonesia dahil sa masama ang loob niya. Hindi pa rin niya matanggap na sa lalaking hindi niya mahal naibigay ang kaniyang pagkabirhen. Naging pampalubag-loob na lang niya na baka dumating ang araw na matututunan niyang mahalin si Albert. Matapos ang dalawang linggo ay bumalik na sa Pilipinas ang bagong kasal. Sa bahay ay sinalubong sila ng mga kasambahay at driver. Kung noon ay isa siya sa mga ito ngayon ay pagsisilbihan na siya ng mga ito kagaya ni Albert. “Welcome home po, Ma’am Rhian at Sir Albert!” Magkakasabay na bati ng mga ito pagpasok nila sa salas. “Maraming salamat. Kunin niyo na ang mga gamit namin sa sasakyan. Mamaya niyo na iakyat sa kwarto at magpapahinga muna kami ng aking asawa.” May pagkailang siyang naramdaman nang tawagin siya ni Albert na asawa nito. May nangyari na’t lahat sa kanilang dalawa pero hindi pa rin siya sanay na tinatawag siya nito nang ganoon. Ganito nga siguro kapag napilitan ka lang na magpakasal sa isang tao. Nauna na si Rhian na umakyat kay Albert sa kanilang kwarto. Napag-usapan na nila sa Indonesia na magkasama na sila sa iisang kwarto kaya dumiretso siya sa kwarto ni Albert. Nasa walk-in closet na rin doon ang mga gamit at damit niya. Kumuha siya ng damit at habang nagbibihis ay biglang pumasok si Rhian. Mabilis niyang itinakip ang isusuot na damit sa katawan dahil tanging panty at bra pa lang ang kaniyang saplot. “Itinatago mo pa iyan, e, nakita ko na lahat ng iyan!” Natatawang turan ni Albert. “Pasensiya ka na. H-hindi pa rin kasi ako sanay. Naninibago pa rin ako.” “Don’t worry kasi naiintindihan ko. Masasanay ka rin. Ang ganda mo lang kasi lalo kapag nahihiya ka at namumula ang mukha.” Nagbihis na rin ito ng pambahay. Siya naman ay binilisan ang pagbibihis at walang imik na lumabas ng walk-in closet. Sinundan siya ng asawa sa kama at tinabihan siya nito sa pagkakahiga roon. “Bakit parang ang lungkot mo? Nabitin ka ba sa bakasyon natin?” usisa ni Albert. Umiling siya. “Naiisip ko kasi kung ano na ang gagawin ko ngayong asawa mo na ako,” aniya. Kahit ang totoo ay iniisip niya si Kenzo. Maraming buwan na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nabibisita. Wow! Talagang may kapal ka pa ng mukhang magpakita kay Kenzo matapos mong magpakasal sa ibang lalaki? Sigaw ng isang parte ng utak ni Rhian. Ang tanong ay kaya pa ba niyang makaharap si Kenzo? Siguro ay hindi na. Kailangan na niyang tanggapin na hanggang doon na lang ang kwento nilang dalawa. Si Albert na ang asawa niya at dapat ay lahat ng atensiyon niya ay nasa lalaki. Kung tungkol kay Kenzo, siguro ay tutulungan na lang niya itong makalaya sa kulungan. Kapag nagawa niya siguro iyon ay mababawasan ang bigat na dinadala niya sa dibdib. “Ngayong asawa na kita ay wala kang dapat gawin kundi gawin ang lahat ng gusto mo. Mag-shopping ka, bumili ka ng lahat ng gusto mo. Learn to drive at ibibili kita ng pinaka mahal na sasakyan na gusto mo. Kagaya ng sinabi ko sa iyo, you will be my queen, Rhian, at lahat ng gusto mo ay ibibigay ko sa iyo,” sagot ni Albert sa huli niyang sinabi. Noong sila pa ni Kenzo at nangangarap siya ng marangyang buhay ay ang saya-saya na niya. Ngayong natupad na ang pangarap na iyon ay hindi niya magawang maging masaya. Oo, mabibili niya ang lahat ng gusto niya pero may kulang. Napakalaki ng kulang sa pagkatao dahil nawala si Kenzo sa buhay. Totoo nga iyong kasabihan na hindi nabibili ng pera ang tunay na kasiyahan. Kahit gaano karami ang pera mo kapag hindi mo kasama ang taong mahal mo ay malungkot ka pa rin. “Hindi kaya mainip ako kung ganoon ang palagi kong gagawin? Mas okay siguro kung magtatrabaho ako para kahit paano ay meron akong pagkakaabalahan. Mag-apply kaya ako sa isa sa mga company mo?” “No, Rhian. Hindi mo kailangang magtrabaho. Mas gugustuhin ko pa na dito ka lang sa bahay at hihintayin ang pag-uwi ko. Gusto ko na ikaw mismo ang mag-aasikaso sa akin. Just be my wife. Okay?” “Okay.” Isang matipid na ngiti ang isinagot ni Rhian. Ayaw na niyang makipagtalo kay Albert dahil ang gusto nito ang palaging dapat masusunod. “Pahinga na muna tayo? May gusto ka bang ipaluto mamaya for dinner?” “Gusto ko ng adobong baboy. Namiss ko ang Pinoy foods, e,” ani Rhian. “Okay. Matulog ka na muna rito at bababa lang ako. Sasabihin ko kina yaya na gusto mo ng adobong baboy.” Hinalikan siya ni Albert sa labi bago ito lumabas ng kwarto. Nang mapag-isa ay ibinalot ni Rhian ang sarili at ipinikit ang mata.   MAKALIPAS ang isang taon... “You’re sperm production is very low and unhealthy, Albert. Isa iyan sa factor kung bakit until now ay hindi pa rin nabubuntis ang asawa mo.” Napatiim-bagang si Albert sa sinabi ng kaibigang doktor na lalaki matapos lumabas ang result ng test na ginawa nito sa kaniyang sperm. Very confidential ang pagkunsulta niya rito dahil ayaw niyang may ibang makakaalam. Nagtataka kasi siya kung bakit mahigit isang taon na silang mag-asawa ni Rhian ay hindi pa rin ito nabubuntis. Kaya nagdesisyon na siyang magpatingin at doon niya nalaman na siya ang may problema. Gusto pa sana niyang magkaroon kahit isang anak pero mukhang malabo na iyong mangyari pa. “Is there something we can do para maging normal ang sperm ko?” seryoso niyang tanong. “I can give you medications pero in your case ay mukhang malabo na bumalik sa normal ang sperm mo, Albert. You’re old now. May ilang factors pa na idi-discuss ko sa iyo mamaya.” Tumango-tango si Albert at pinakinggan ang iba pang sinabi ng kaibigang doktor. Halos hindi na niya naiintindihan ang mga sinasabi nito dahil tila nawala siya sa sarili sa kaniyang nalaman tungkol sa kakayahan niya na magkaroon ulit ng anak. Ano na lang ang mararamdaman ni Rhian kapag nalaman nito na hindi niya ito mabibigyan ng anak? Siguro ay mas magandang ilihim na lang niya ang bagay na iyon sa kaniyang asawa. Saka na niya rito sasabihin ang lahat kapag nagtaka o nag-usisa na ito kung bakit hindi ito nabubuntis...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD