MAS lalong naging laman ng isipan ni Rhian si Kenzo simula nang muli silang magkitang dalawa. Muli niyang naiisip ang mga “what if” na matagal na niyang itinatanong sa sarili. Paano kaya kung siya na lang ang nakulong? Paano kaya kung hindi siya nagpakasal kay Albert? Paano kung hindi niya ganoon kadaling tinalikuran si Kenzo? Ngayon ay mas dama niya ang labis na panghihinayang sa mga naging desisyon niya sa nakaraan. “Albert, nandito pa rin `yong boyfriend ni Abigail. Dito rin siya natulog kagabi at magkasama sila sa kwarto. Wala ka bang gagawin? Baka mabuntis si Abigail nang wala sa oras!” Hindi na napigilan ni Rhian ang maghimutok kay Albert habang magkasabay silang bumababa sa hagdan para mag-almusal. Gusto na niyang umalis si Kenzo sa bahay nila dahil hindi na siya k

