“ANG sabi ko, ulitin mo ang sinabi mo! Right in front of my face!” Pinanlakihan ni Abigail ng mata ang kasambahay na si Aida. Sinaklit pa nito ang braso ni Aida at mariin iyon pinisil. Labis na naawa si Rhian sa ginawang p*******t ni Abigail kay Aida kaya iniwan muna niya ang niluluto upang pumagitna sa dalawa. “Ano, Aida?! Ang kapal ng mukha mong pagsalitaan nang hindi maganda ang mommy ko? Gusto mo bang paalisin kita rito?!” “Abigail!” Maawtoridad na sigaw ni Rhian. Napalingon ito sa kaniya. “What?! Sinisigawan mo ba ako?!” Naniningkit ang matang tanong nito. “Bitiwan mo si Aida. Nasasaktan na siya!” “She deserves this!” Napansin niya na mas napangiwi si Aida. Mukhang mas lalong diniinan ni Abigail ang pagkakapisil sa braso ng kawawang kasambahay. “Tama na! Bitiwan

