HALOS araw-araw ay nasa bahay na ng mga Aragon si Kenzo at hindi iyon nagugustuhan ni Rhian. Hindi siya kumportable kapag naroon si Kenzo tapos makikita niya na kasama nito si Abigail. Para siyang araw-araw nagpipinetensiya at ipinapako sa krus. Hindi siya makagalaw nang maayos kaya madalas ay nakakulong siya sa kwarto. Minsan ay mas pinipili niyang maghapon na nasa labas at uuwi na lang kapag nasa bahay na si Albert. Wala siyang ideya kung sinasadya ba iyon ng dating nobyo o sadyang ganoon lang ito ka-clingy at gustong araw-araw na nakakasama si Abigail. Sabagay, ganoon naman talaga ito kahit noong sila pa. Kapag nagmahal ito ay bigay-todo at parang tuko na kakapit sa iyo. “You looked very stressed...” Nagulat si Rhian sa biglang pagsulpot ni Albert sa likuran niya habang mag-is

