CHAPTER 50

1825 Words

              NAGPAALAM si Kenzo na maninigarilyo pagkatapos ng hapunan kaya kinailangan nitong magpunta sa labas ng bahay. Sina Albert at Abigail naman ay nagpunta sa itaas para mag-usap. Agad na sinamantala ni Rhian ang pagkakataong iyon upang sundan ang dating nobyo at kausapin. Nasa may harapan ito ng bahay. Naninigarilyo habang hawal ang cellphone. Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi pa siya nito nakikita. Malalaki ang hakbang na nilapitan ni Rhian si Kenzo at tinapik ito sa balikat. Ang akala yata nito ay si Abigail siya kaya nakangiti pa ito nang humarap ngunit agad na sumeryoso nang malaman na siya pala. “Rhian...” anito sa mababang tono. Hindi na niya makita ang dating paraan nito kapag tinitingnan siya. Iyon bang kahit hindi ito magsalita ay alam niyang nagsusumigaw sa mata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD