CHAPTER 49

1951 Words
     MAAGANG nagigising si Rhian tuwing umaga. Naging routine na niya sa araw-araw ang pag-gy-gym ng isang oras bago siya dumulog sa hapag kainan. May sariling gym kasi ang bahay ni Albert na nasa third floor. Regular siyang nag-eehersisyo upang mapanatili ang magandang hubog ng kaniyang katawan. Kailangan niyang agahan para sakto sa paggising ni Albert at magkakasabay pa sila sa almusal. Matapos magpapawis nang husto sa gym ay nagpahupa lang siya ng pagod at saka bumaba na sa dining area. Naroon na sina Albert at Abigail. Kumakain na ang dalawa. “Good morning, Albert. Good morning, Abigail...” Medyo nag-alangan pa siya na batiin si Abigail. “There’s nothing good in the morning, my dear stepmother!” Nakangiti ngunit mataray na sagot ni Abigail. “Abi, huwag kang magsimula,” saway ni Albert. “Okay lang, Albert. Kakain na rin ako.” Tumabi siya sa kaniyang asawa at nagsimula nang kumain. Hindi siya makapag-concentrate sa pagkain dahil pakiramdam niya ay pinapanood siya ni Abigail. Sobra ang ilang niya. “Abigail, sumama ka sa akin ngayon sa office natin sa Makati. Ituturo ko sa iyo ang mga dapat mong malaman sa pagpapatakbo ng ating mga kumpanya,” pagbasag ni Albert sa katahimikan. “Ayoko, dad. Dito lang ako sa bahay.” “You have to work.” “Nah! I don’t like. Iyan ngang second wife mo ay hindi nagtatrabaho tapos ako ang pagtatrabahuhin ninyo? No. Ayoko. I’m staying here hindi para magtrabaho. You can’t make me say yes, dad.” Matigas na sagot ni Abigail. Nakita ni Rhian ang pagkuyom ng mga kamay ni Albert kaya hinawakan niya iyon at nginitian nang tumingin sa kaniya. Kahit paano ay lumambot ang mukha ni Albert sa kaniyang ginawa. Matapos mag-almusal ay umalis na si Albert at hindi na nito pinilit si Abigail na sumama. Siguro ay iyon ang paraan ng asawa niya para mailayo si Abigail sa kaniya habang wala ito pero hindi ito nagtagumapy. At ngayong wala na si Albert ay medyo kinakabahan siya. Siya na lang ang iiwas kay Abigail upang maiwasan ang pagkakaroon ng gulo. Ugali na ni Rhian na tumulong sa mga gawaing bahay at siya na ang nagprisintang maghugas ng mga pinagkainan nila. Patapos na siya sa ginagawa nang biglang lumapit si Abigail at naglagay ng isang baso sa lababo. Uminom yata ito. “Pahabol na lang, ha!” Nakakainsulto ang paraan ng pagkakangiti nito. Walang imik na kinuha ni Rhian ang baso at sinabon. “Alam mo, iyan ang bagay sa iyo. Maghugas ng mga pinggan at baso. Hindi ka bagay sa luxurious things, Rhian. I saw your walk-in closet. How ironic na mas marami ka pa yatang branded bags ang shoes sa akin. In just a span of one year ay meron ka na agad ng ganoon karami? You’re good at digging golds... I guess!” Tinamaan nang husto si Rhian sa sinabi nito dahil alam niya sa sarili na meron iyong katotohanan. Pinakasalan naman niya talaga ang ama nito nang dahil sa pera. Ngunit noong una lang iyon at ngayon ay nagsisisi na siya. Kung maibabalik lang sana niya ang panahon ay magtitiis na lamang siya hanggang sa mapalaya niya si Kenzo at magkakasama sila. Masaya pa rin naman sila kahit na wala silang maraming pera at malaking bahay. Ngayon niya napatunayan na hindi nabibili ng kahit gaanong kalaking halaga ng pera ang tunay na kaligayahan ng isang tao. Marahil ay ito na ang karma niya sa nagawa niyang pagtalikod kay Kenzo. Baka isinumpa na siya ng langit na kahit mayaman siya ay hindi siya magiging masaya at araw-araw siyang uusigin ng kaniyang konsensiya. “Bakit hindi ka nagsasalita? Are you guilty?” untag ni Abigail. Walang emosyon niya itong tiningnan. “Wala akong dapat sabihin o ipaliwanag sa iyo. Alam ko na hindi mo ako gusto para sa daddy mo—” “Well, I’m glad alam mo!” “Kaya kung ayaw mo sa akin, mabuti pang mag-iwasan na lang tayo. Okay ba?” “Walang kahit na sino ang pwedeng magdikta sa gusto kong gawin lalo na ikaw, my dear stepmother!” Matalim ang mata nitong tumalikod at naglakad palabas ng kusina. Napailing na lang si Rhian sa pagiging maldita ni Abigail. Dapat ay sanayin na niya ang sarili sa ganoon dahil mukhang wala na talaga itong balak na umalis hanggang hindi siya nito napapatalsik sa pamamahay ni Albert. Pero tama si Albert, asawa na siya nito at kahit paano ay meron na siyang karapatan sa bahay na ito.   KINABUKASAN ng gabi ay nagtaka si Rhian nang pagbaba nila ni Albert sa dining area ay napakaraming nakahain na masasarap na pagkain. Parang may inaasahan silang bisita kahit sa pagkakatanda niya ay wala naman. Mula sa kitchen ay lumabas si Abigail. May dala itong roasted chicken na ipinatong nito sa mahabang dining table. “What’s the occasion?” usisa ni Albert sa anak. “Late welcome dinner for me. And I have a visitor. He’s on his way!” “He? Lalaki ang bisita mo?” “My boyfriend. Tamang-tama kasi today isa our sixth month together. You’ll meet him later, dad. And you too, my dear stepmother!” Kapag tinatawag siya ni Abigail na “my dear stepmother” ay may kahalo palaging pang-iinsulto na para bang napakaliit ng tingin nito sa kaniya. “Hindi mo sinabi sa akin na may boyfriend ka na ulit, Abigail...” May himig ng pagtatampong wika ni Albert. “And you didn’t also told me about your second wife, dad. We’re even!” Biglang tumunog ang cellphone ni Abigail at isang tawag ang sinagot nito. Nagmamadali itong umalis at lumabas ng bahay. Magkatabi silang umupo ni Albert. Nakatalikod sila sa gawi ng papasok sa dining area. Maya maya ay may narinig na silang pag-ugong ng sasakyan sa labas. Hindi nagtagal ay naulinigan na nila ang yabag ng sapatos ni Abigail. May kausap itong lalaki habang papalapit sa kanila. “Dad, stepmother... Here’s my boyfriend!” Malakas na turan ni Abigail. Naunang tumayo si Albert para harapin si Abigail at ang kasama nito. Inaayos pa kasi niya ang kubyertos sa harapan niya. “Good evening, sir! Nice meeting you!” Sandaling natigilan si Rhian sa boses ng lalaking narinig niya sa kaniyang likuran. Pamilyar iyon. Bigla ngang bumilis ang pagtibok ng puso niya dahil doon. Marahan siyang tumayo at pagharap niya ay para siyang nakakita ng multo. Nanlaki ang mata niya nang malaman na si Kenzo ang lalaking kasama ni Abigail! K-kenzo! Tili ng utak ni Rhian. Tila huminto ang mundo niya pagkakita kay Kenzo. Noong una ay hindi pa siya makapaniwala at baka namamalik-mata lamang siya. Ngunit hindi. Si Kenzo talaga ang lalaking iyon. Mas gumwapo ito ngayon. May kaunting balbas at bigote na kaya naging matured tingnan. Maayos na ang gupit ng buhok nito. Clean cut. Tapos ang kutis nito ay nag-improved din. Bahagya itong pumuti. “Nice to meet you, ma’am. My name is Kenzo—Abigail’s boyfriend.” Napakurap si Rhian nang makita ang paglahad ng kamay ni Kenzo sa kaniya. Naluluha niya itong tiningnan na puno ng pagtatanong. Paanong ito ang nobyo ni Abigail? Rhian, umayos ka! Hindi pwedeng malaman ni Albert at Abigail kung sino si Kenzo sa buhay mo! Paalala ng isang bahagi ng kaniyang utak. Pinilit niyang magpaka-kaswal sa harapan ni Kenzo kahit sa loob niya ay gusto na niya itong yakapin nang mahigpit. Inabot niya ang kamay ng dating nobyo at sa paglapat ng kanilang mga palad ay bumalik sa alaala niya ang lahat ng mga pinagdaanan nilang dalawa. Lahat ng masasayang memorya nila ay paulit-ulit niyang nakikita habang nakatitig sa gwapong mukha ni Kenzo. “Well, now that Kenzo is here... Let’s eat na!” ani Abigail. Hindi maalis-alis ang pagkakatitig niya kay Kenzo kahit sa umupo na ito sa tabi ni Abigail. Kung silang dalawa lang siguro ang naroon ay kanina pa siya naiyak. Napakasaya ng puso niya ngayong nalaman niya na mukhang okay naman pala ito. Base sa bihis nito ngayon ay masasabi niya na naging mabait ang kapalaran kay Kenzo matapos nitong makalabas sa kulungan. “So, Kenzo, anong trabaho mo?” tanong ni Albert habang kumakain na sila. Ngumiti muna si Kenzo bago nagsalita. “I am a luxury car dealer, sir.” “Hmm. That’s good. Do you have your own house?” “No, sir. Pero meron akong two-bedroom condo unit dito sa Laguna at doon ako nakatira sa kasalukuyan.” “How about your parents?” “Wala na po sila. Namatay po ang nanay ko habang ang tatay ko ay hindi ko na alam kung nasaan. I am all alone now.” Bakit hindi ka man lang tumitingin sa akin, Kenzo? Hindi mo ba ako na-miss? Malungkot na tanong ni Rhian sa sarili. Kung umasta kasi ito ay parang ngayon lang sila nagkita at nagkakilala. “Dad, pwede bang later na ang pag-interview mo kay Kenzo? Hindi na niya ma-enjoy ang food, e!” singit ni Abigail. “It’s okay, babe,” ani rito ni Kenzo. Parang kinurot ang puso niya nang hinawakan pa nito ang isang kamay ni Abigail. “By the way, I have a monthsary gift for you!” “Oh my, God! Are you serious?!” Tumayo si Kenzo. Mula sa mamahalin nitong clutch bag ay inilabas nito ang pahabang itim na kahon. Pagbukas nito ay tumambad kay Abigail ang isang gold necklace na may palawit na gintong araw. Kitang-kita niya ang pagkagulat ni Abigail at ang saya nito. Halos maiyak pa ito nang pumwesto si Kenzo sa likuran nito para isuot sa babae ang regalong kuwintas. “Happy monthsary, babe! I love you!” ani Kenzo. Tumayo na rin si Abigail. “Happy monthsary, too! I love you more!” Isang halik ang pinagsaluhan ng dalawa na parang ang mga ito lang ang tao roon. Mabilis na inilayo ni Rhian ang mata sa dalawa dahil labis siyang nasasaktan. Para siyang pinapatay sa paghahalikan ni Kenzo sa ibang babae. Noon ngang nakipaghalikan ito sa sugar mommy nito kahit walang halong feelings ay nasaktan na siya. Ngayon pa kaya sa isang magandang si Abigail na may posibilidad na mahal nito. Isa pa, parang hindi niya maramdaman na pera ang intensiyon ni Kenzo kung kaya nito ginawang nobya si Abigail. Hindi ito magreregalo ng ganoong klase ng kuwintas kung pera ang habol nito. Nakikita niya rin sa paraan ng pagtingin nito kay Abigail ang paraan ng pagtingin nito sa kaniya noong magkasintahan pa silang dalawa. Ano ba itong nangyayari? Sinadya ba ito ni Kenzo? Kung sinadya nito ang lahat ay para saan? Para saktan siya? Para gumanti? Para ipakita sa kaniya na hindi lang siya ang babaeng kaya nitong mahalin? Napasinghap si Rhian nang muli niyang tingnan si Kenzo ay nakatingin ito sa kaniya. Hindi siya maaaring magkamali sa nakikita niya sa mata ng dating nobyo. Galit. Galit na galit ito na para bang masusunog siya sa naglalagablab nitong poot. Bumalik na sa pagkakaupo sina Abigail at Kenzo. Habang siya ay hindi maiwasang na lihim na magdamdam dahil noong sila pa ni Kenzo ay hindi siya nito nabigyan ng ganoong kamahal na alahas. Parang gusto na tuloy niyang makipagpalit ng pwesto kay Abigail dahil alam niya kung gaano kasarap magmahal si Kenzo. Napakaswerte ni Abigail... Mararanasan na nito kung paano magmahal at mag-alaga ang isang Kenzo Maranan. Samantalang siya ay nagtitiis sa lalaking hindi niya mahal at pinakasalan niya lamang upang makaahon sa kahirapan. Itinuon na lamang ni Rhian ang atensiyon sa pagkain. Mas mabuting huwag na niyang tingnan sina Kenzo at Abigail dahil halos langgamin na ang mga ito sa sobrang ka-sweet-an. Hindi niya iyon kayang tingnan at baka tuluyang humulagpos ang emosyon niya at makagawa pa siya ng bagay na sa huli ay kaniyang pagsisisihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD