CHAPTER 28

1986 Words
       “BWISIT! Isa kang malaking istorbo, Rhian!” Nagagalit na sigaw ni Mathilda matapos niyang i-end ang pakikipag-usap kay Rhian sa kaniyang cellphone. At talagang sa mismong number na niya tumawag ang babaeng iyon nang hindi na makontak si Kenzo. Bakit? Miss na nito agad ang boyfriend na boyfriend din niya? Aba, magkasama na nga ang mga ito sa bahay! Masyado naman yatang clingy ang Rhian na iyon. Mas lalo tuloy siyang naiinis dahil sa katotohanan na mas maraming oras na kasama ni Kenzo si Rhian kesa sa kaniya. Kung hindi pa kailangan ni Kenzo ng pera ay hindi siya nito maaalalang puntahan o kausapin sa phone! Pwes, hindi na iyon mangyayari! Gagawin niya ang lahat para hindi na sila magkakahiwalay pa ni Kenzo kahit isang segundo. Itatago na niya ang lalaki sa pamamahay niya hanggang sa magsawa siya. Ngunit malabo yatang magsawa siya kay Kenzo dahil sa bukod sa pagnanasa ay meron din siyang tunay na pagmamahal para sa lalaki. Ganoon siya magmahal. Kapag nagkagusto siya sa isang lalaki ay talagang hindi na niya ito papakawalan pa maliban kung nagsawa na siya. Pinatay na rin ni Mathilda ang kaniyang cellphone at alam niya na hindi siya titigilan ni Rhian sa pagtawag. Nang masiguro na wala nang istorbo ay muli niyang binalikan si Kenzo. Hahaplusin na sana niya ang dibdib ng lalaki nang mapansin niya na gumagalaw ang ulo nito—sa itaas. Hindi sa ibaba. Umungol ito na parang nahihirapan. “N-nasaan ako? M-mathilda?” Mas lalong tumaas ang init sa katawan ni Mathilda nang siya ang agad na hinanap ni Kenzo sa pagkagising nito. Feeling niya tuloy ay siya ang agad na pumasok sa isip nito nang magkamalay. Akala mo ay isa siyang pusa na umupo sa tiyan ni Kenzo. Nakatuon ang tuhod niya sa magkabila nitong tagiliran. Inalis niya ang piring sa mata ni Kenzo at umawra na akala mo ay isang sexy star. Iniliyad niya ang dibdib habang namumungay ang mata na parang sabog sa droga. “Now you’re awake, Kenzo...” anas ni Mathilda. Kumurap-kurap ito. “Mathilda?” Igagalaw sana ni Kenzo ang mga kamay pero nalaman nito na nakaposas ang mga iyon. “Kumusta ang pakiramdam mo? I am sorry kung kinailangan kong patulugin ka para magawa ko ito sa iyo.” “Pakawalan mo ako, Mathilda. A-ano ito? Bakit kailangan na nakaposas ako?!” “Kailangan kitang iposas kasi tatakas ka, Kenzo. And I won’t let that happen. You’re really mine now at hindi ka na makakalabas ng kwartong ito!” “k********g itong ginagawa mo sa akin! Makukulong ka!” “I know. Kaya nga hindi na kita papakawalan para hindi ka makapagsumbong sa mga pulis. Akala mo hindi ako nag-iisip?” “Sa tingin mo ba ay hindi ako hahanapin ni Rhian—” Malakas na sumigaw si Mathilda na akala mo ay nababaliw. Umakyat ang dugo niya sa ulo nang banggitin ang pangalan ni Rhian. “Stooop!!! Ayokong maririnig ang pangalan ng babaeng iyon sa kwartong ito! Don’t you dare!!!” Nanlisik ang mata niya.   LAKING-GULAT ni Kenzo nang sa pagbabalik ng ulirat niya ay nakaposas na ang dalawa niyang kamay sa kama ni Mathilda. Ang mas nakakagulat ay nasa ibabaw niya si Mathilda at parang isang matandang p**n star. Talagang pinagplanuhan nito ang lahat nang malaman nito na hindi niya pinsan si Rhian. Sinasabi na nga ba niya na nakakahalata na si Mathilda. Mali pala na isinama niya si Rhian noon sa party. Mukhang malakas makaramdam si Mathilda. Masyado niya kasi itong minaliit na wala itong mahahalata sa kanila ni Rhian. Ngayong alam na nito ang lahat ay katapusan na rin ng maliligayang araw niya. Hindi na niya ito magagawang perahan. “Ang kapal din talaga ng pagmumukha mo na lokohin ako, Kenzo! Pinsan? Girlfriend mo pala ang babaeng iyon! Akala mo siguro ay hindi ko malalaman, `no? Magaling ako, Kenzo. Walang bagay na hindi ko nalalaman!” Parang nawawala na sa sarili si Mathilda. Nanlalaki palagi ang mga mata at malakas magsalita na akala mo ay nakikipag-away. “M-magagalit ka kasi kapag sinabi ko sa iyo na may girlfriend na ako—” Isang malakas na sampal na halos bumingi ang dumapo sa pisngi ni Kenzo. “Tarantado! Anong klaseng katwiran iyan?! Anong gusto mong gawin ko kapag nalaman ko?! Magcelebrate! Manloloko ka talaga! Sinayang mo ang lahat ng perang ibinigay ko sa iyo!” “Lahat ng ibinigay mo ay may kapalit. Oras ko, Mathilda!” Biglang lumambot ang mukha ni Mathilda. “Well, okay lang naman, e. Tonight, maniningil ako ng pautang sa iyo. Susulitin ko kada-sentimo na ibinigay ko sa iyo. Babayaran mo iyon sa pamamagitan ng iyong katas!” Isang makapanindig-balahibong tawa ang kumawala sa lalamunan ni Mathilda na akala mo ay isa itong kampon ni Satanas. Baliw na ang babaeng ito. Kailangan kong makatakas! Baka patayin pa ako nito! Kinakabahang turan ni Kenzo sa sarili. Wala pa sa isip niya ang mamatay. Marami pa siyang pangarap sa buhay. Saka sila ni Rhian, marami rin silang pangarap para sa kanilang dalawa. Magpapakasal pa sila at magkakaroon ng maraming anak. Yayaman pa sila na magkasama. Magta-travel at hindi na poproblemahin ang pera at panggastos sa araw-araw. Magkasama pa silang tatanda. Pasimple niyang sinubukan na igalaw ang kamay mula sa pagkakaposas. Mukhang matibay ang posas at hindi niya basta-basta magagawang makawala. “Mathilda, h-hindi mo ito kailangang gawin. P-pwede kong iwanan si Rhian—este ang girlfriend ko para sa iyo.” Ang pagsisinungaling at panlilinlang ang una niyang naisip na paraan. “Talaga, Kenzo? Gagawin mo iyon?” Parang nakalutang sa mga ulap na tanong ni Mathilda. “Oo naman! Walang kwenta ang babaeng iyon. Puro gastos at mukhang pera! M-may utang kasi ako sa kaniya kaya hindi ko mahiwalayan. Kaya pakawalan mo na ako. Mas magiging mainit ang ating p********k kung hindi ako nakaposas. Sige na, alisin mo na ito sa kamay ko. Medyo masakit na rin kasi, e...” “Oh my... Ayokong nasasaktan ang love ko!” “K-kaya nga pakawalan mo na ako. Huwag kang mag-alala dahil kapag inalis mo itong mga posas ay ako mismo ang roromansa sa iyo hanggang sa tumirik ang mata mo sa sarap!” Napapalakpak sa kilig si Mathilda. “Really?! I want that, Kenzo! Gagawin mo iyon sa akin?” Namamangha nitong tanong. Lihim siyang napangiti at nagdiwang. Ang dali talaga nitong utuin ni Mathilda. Kaunting bola lang ay napapatiklop niya agad. Aba, sa ilang buwan niya itong nakakasama ay huli na niya ang kiliti nito. Alam niya kung paano ito mapapaamo. “Gagawin ko talaga iyon, Mathilda! Pero mahihirapan ako kung nakaposas ako. Hindi ko mahahaplos ang napakaganda mong katawan...” Kunwari ay malungkot si Kenzo. “Sayang. Kung hindi mo sana ako ipinosas, tapos na sana tayong dalawa. Nadala na sana kita sa langit!” Napahagikhik si Mathilda at wala pa man siyang ginagawa at tumirik na ang mga mata nito. Gumapang ang kamay nito sa dibdib niya. Kinilabutan siya habang tumataas ang mga kamay ni Mathilda papunta sa kaniyang leeg. Napunta iyon sa kaniyang mukha. Umusog paunahan si Mathilda hanggang sa nasa tapat na ng mukha niya ang nasa pagitan ng dalawa nitong hita. Gusto ni Kenzo na iiwas ang mukha ngunit nangangamba siya na baka magalit si Mathilda kaya kahit nasusuka ay hindi niya iginalaw ang ulo. Ang akala niya ay may gagawin na si Mathilda. Iyon pala ay kukunin nito ang isang susi sa may ulunan niya na nakasiksik sa malalaking ukit ng headboard. Hindi niya ipinahalata na natuwa siya nang kunin nito ang susi. “Gusto mong pakawalan kita?” Yumukod si Mathilda. Itinapat nito ang mukha sa mukha niya. Tumango si Kenzo. “Para mapaligaya na kita! Bilisan mo na, Mathilda. Kanina pa ako nanggigigil sa iyo, e!” “Okay!” Mabilis na inalis ni Mathilda ang pagkakaposas ng kaniyang kanang kamay. Nang ang posas sa kaliwa ang tatanggalin nito ay bigla itong huminto at ngumisi. “B-bakit?” “Akala mo siguro ay mauuto mo ako, `no? Hindi ako tanga para pakawalan ka! Alam kong tatakas ka kapag inalis ko ang posas mo!” Muling kinuha ni Mathilda ang kamay niya na pinakawalan nito para muling iposas. Hindi! Hindi niya dapat hayaan na muling maiposas ni Mathilda ang isa niyang kamay. Pagkakataon na niya ito upang makatakas! Buong lakas na hi-neadbutt niya si Mathilda. Napaigik ito at napaupo sa tiyan ni Kenzo. Nang makita niya na hilong-hilo ang matanda ay agad niyang kinuha ang susi sa kamay nito at nagmamadaling inalis ang pagkakaposas ng isa niyang kamay. “Aray ko! Hayop ka, Kenzo!” tili ni Mathilda. Sinamsam niya agad ang mga damit sa sahig at isinuot iyon. Hindi na niya tinitingnan si Mathilda kaya nagulat siya nang mahigpit siya nitong hawakan sa hita. Yumakap ito roon na akala mo ay isang unggoy na lumalambitin si sanga ng isang puno. “Hindi ka pwedeng umalis! Akin ka lang, Kenzo! Dito ka lang sa akin!” Tuluyan nang nagwala si Mathilda. Talagang gagawin nito ang lahat para hindi siya makaalis. Tanggap na ni Kenzo. Hanggang dito na lang sila ni Mathilda. Tapos na ang mga araw na nagagawa niyang humingi ng pera sa matandang babae. Gwapo at charming naman siya, e. Siguro ay mabilis siyang makakakuha ulit ng panibagong sugar mommy. Sisiguruhin niya na lang muna na hindi kagaya nitong si Mathilda na medyo baliw. Matapang na humarap si Kenzo kay Mathilda at tiningnan niya ito nang matiim. Kita niya sa mata ng matanda ang labis na pagmamahal nito para sa kaniya na nauwi na sa obsesiyon. Alam niya na may kasalanan siya kung bakit nagkaganoon si Mathilda. Masyado niya itong pinaasa na mahal niya rin ito. Pinaniwala niya ito sa isang pantasya na dapat ay mananatiling pantasya lamang. “Mathilda, gumising ka na. Hindi kita mahal at hindi kita minahal! Si Rhian—siya ang totoong mahal ko. Ginawa ko ang lahat ng panloloko ko sa iyo para sa kaniya. Gusto ko siyang mabigyan ng maginhawang buhay!” Walang gatol niyang bulalas. Marahil ay mas nararapat na masampal ng katotohanan si Mathilda. Umiling-iling ito. “A-ayokong mawala ka sa buhay ko! Mahal na mahal kita, Kenzo! P-payag na ako kahit may Rhian ka basta huwag mo akong iiwanan! Mamamatay ako, Kenzo! Mamamatay ako!” “Bitawan mo na ako! Ano ba?” Ipiniksi niya ang binti pero ayaw talagang bitawan iyon ni Mathilda. “Ayoko! Dito ka lang sa akin!” Nang mapagtanto niyang walang balak na bumitiw si Mathilda ay saka siya nag-isip ng paraan upang tuluyang makawala sa kamay nito. Yumukod siya at pilit na inalis ang pagkakayakap nito sa kaniyang binti. Hinila niya si Mathilda papunta sa kama at itinulak ito. Napatili si Mathilda nang bumagsak ito sa malambot na kama. “K-kenzo? Anong gagawin mo sa akin?” Nang-aakit nitong tanong habang pakurap-kurap ang mata. Walang imik na pumatong si Kenzo kay Mathilda. Hinawakan niya ang isa nitong kamay habang titig na titig ito sa mukha niya. Ang hindi nito alam ay ikinakabit niya sa kamay nito ang posas at nagulat na lang ito nang umalis siya sa kama ay nakaposan na ang kaliwa nitong kamay. “Kenzo!” Nanlilisik ang mata ni Mathilda. Tumayo siya ng may isang dipa ang layo sa kama. “Diyan ka muna. Hindi ako makakaalis kung hindi ko iyan gagawin. `Eto ang susi...” Inilaglag niya ang susi sa paanan. “Ang layo niyan! Paano ko `yan maaabot?!” “Hindi ko isasarado ang pinto. Magsisigaw ka hanggang sa marinig ka ng mga kasambahay mo. Mathilda, tapos na tayo simula sa araw na ito. Huwag mo na akong gagambalain. Maraming salamat sa lahat ng naibigay mo pero ginamit lang kita. Sana ay mapatawad mo ako. At huwag na huwag mong gagalawin si Rhian. Makikita mo kung gaano ako kademonyo kapag siya ang sinaktan mo!” Seryosong turan ni Kenzo bago niya tinalikuran si Mathilda at naglakad palabas ng silid na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD