“NASAAN na kaya ang mokong na iyon?” May pag-aalalang tanong ni Rhian habang nakatayo sa pintuan ng bahay. Nakatingin siya sa labas at umaasang anumang sandali ay makikita na niya ang nobyong si Kenzo na paparating at nakangiti.
Kalat na ang dilim sa kapaligiran at ilang minuto na lang ay sasapit na ang ika-walo ng gabi pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Kenzo mula sa pakikipagkita nito kay Mathilda.
Nakakapagtaka na wala pa ito ng ganitong oras dahil meron silang plano na sa labas magdi-dinner.
Excited pa siya kanina dahil ngayon lang ulit sila makakalabas na magkasama tapos mukhang hindi pa matutuloy. Ala-siyete ng gabi ay nagsimula na siyang mag-asikaso. Naligo na siya, nagbihis at nagpaganda. Gusto na rin niyang maiabot sa nobyo ang mga bagong damit na nabili niya sa department store.
At kahit natatakot at nakapag-desisyon siya na sabihin na kay Kenzo ang katotohanan. Sasabihin na niya rito ang nangyari sa malaking bahagi ng savings nila sa banko.
Kanina kasi sa pag-uusap nila ni Mariposa ay may nasabi ang kaibigan niya na nagpakumbinse sa kaniya para magsabi na kay Kenzo...
“Bakla, salamat sa pagpapautang mo sa akin, ha! Malaking bagay na ito lalo na ngayong wala akong work. You know, hindi pa ako makakabalik sa squatter’s area. E, nandoon ang business ko!” pakli ni Mariposa.
“Keri lang. Give ko na iyan sa iyo. `Wag mo nang babayaran at susuntukin ko `yang Adam’s apple mo!” pabirong saad ni Rhian na may kasamang tawa.
Napahaplos si Mariposa sa leeg. “Ikaw iyong inutangan na kapag babayaran ay mananakit, `no?”
“Gaga! Sa iyo lang!”
“Pero balik tayo kay Kenzo... Naisip ko kasi na mabait na tao si Kenzo at alam natin how much he loves you so much. As in, so muuuch! Hindi mo ba naisip na maiintindihan ka niya kapag inamin mo ang nangyari sa pera ninyo? Ikaw nga na maldita ay naintindihan ako, `di ba? Ano pa kaya iyong super bait na kagaya ni Kenzo? Come to think of it, Rhian...”
Ang mga salitang iyon ni Mariposa ang naging dahilan para muli siyang makapag-isip-isip. Kahit pala puro biro lang madalas ang kaibigan niyang bakla ay may nasasabi rin itong makabuluhan at merong kwenta.
Tama si Mariposa. Dapat ay magtiwala siya kay Kenzo na mauunawaan siya nito. Oo, malaki ang chance na magalit ito sa kaniya pero iyon ay normal na reaksyon lamang. Ano bang ini-expect niya? Ang matuwa pa si Kenzo sa kinahinatnan ng pera nila?
Kahit man siya ay magagalit kung siya ang papalit sa katayuan ni Kenzo. At dahil sa siya ang may kasalanan kung bakit iyon nangyari ay kailangan niyang tanggapin ang anumang magiging reaksiyon ng kaniyang nobyo. Tanggapin niya ang galit nito at masasakita na salita. Pero alam din niya na sa kabila ng magiging galit nito ay mauunawaan din siya nito dahil hindi niya ginusto ang nangyari. Sadyang sa maling tao niya naipagkatiwala ang pera.
Pero bago niya iyon isipin ay mas dapat niyang isipin kung bakit wala pa rin si Kenzo. Hindi kaya kasama pa nito si Mathilda at hindi ito makahanap ng paraan para makauwi?
Tine-text niya lang kasi si Kenzo at hindi niya tinatawagan. Isa iyon sa rules nila na kapag kasama ng isa ang sugar mommy o sugar daddy ay huwag tatawag. Baka kasi magduda kung panay ang tawag nila sa isa’t isa kapag kasama ang kanilang “biktima”.
“Sana naman mag-update ka kahit paano, Kenzo...” bulong ni Rhian.
Kapag alas-otso na at wala pa ring paramdam si Kenzo ay saka siya niya gagawin ang paraan na kanina pa tumatakbo sa isip niya...
AKALA mo ay isang sexy star si Mathilda sa paglabas niya sa kaniyang walk-in closet. Pasexy pero puno ng pag-iingat ang paglalakad niya habang papalapit sa kama kung saan nakahiga ang wala pa ring ulirat na si Kenzo. Dapat ay mag-ingat siya sa paghakbang dahil mataas ang takong ng suot niyang sapatos. Baka magkamali siya ng hakbang ay matumba siya o kaya ay biglang sumakit ang balakang niya sa taas ng takong. Kahit pa nagte-take na siya ng food supplement para sa buto ay ingat pa rin dapat.
Isang itim na brief na masikip ang tanging suot ni Kenzo at siya ang mismong nagpalit niyon habang wala itong malay. May piring itong neck tie. Talagang hindi niya ginalaw ang p*********i nito dahil gusto niya ay ngayon niya iyon gagalawin. Para may excitement. Nakaposas ang dalawang kamay nito sa magkabilang dulo ng headboard at medyo nakabukaka kaya kitang-kita niya ang makinis at maputi nitong singit. Nakakabaliw ang balbon nito sa binti. Weakness pa naman niya sa lalaki ang mabalbon.
Akala mo ay isang masarap na putahe si Kenzo na nakahain sa kaniyang harapan tapos siya ang bisita na mag-isang kakain niyon.
Siyempre, hindi lang ang sarili ang inihanda ni Mathilda. Sinet-up din niya ang kwarto para mas maging maganda ang mood habang nagtatalik sila ni Kenzo.
Medyo dim ang ilaw at may galaxy lights na nagbibigay ng magandang vibes sa kabuuan ng silid. Para bang habang tinatahak niya ang r******************n ay marami siyang nakikitang mga bituin. Tapos may mapang-akit at sexy na instrumental music na pumapailanlang kaya sexy-sexy-han ang feel niya sa sarili. May pulang ilaw sa ilalim ng kama kaya akala mo ay nakalutang iyon sa apoy.
Kuhang-kuha ng kwarto niya ang mood na gusto niyang ma-achieve kaya halos sumabog na siya sa sobrang init!
Huminto si Mathilda sa may paanan ni Kenzo. Puno ng pagnanasa ang mata niya habang pinapasadahan ng tingin ang lalaking nasa kama. “Ang tagal mo akong sinabik, Kenzo... Ang tagal mo akong inuhaw! Kaya ngayong gabi ay magpapakasawa ako sa iyo at wala kang magagawa kundi ang magpaubaya sa akin. Ngayon mo matitikman ang galing ko sa paggiling!” Ramdam niya ang pagragasa ng pagnanasa sa bawat hibla ng kaniyang laman.
Bago ang lahat ay may inilabas munang may kalakihang maleta si Mathilda mula sa malaking closet. Namamangha niya iyong binuksan. Akala mo ay isang kayaman ang laman niyon sa paraan ng panlalaki ng kaniyang mga mata. Laman niyon ang iba’t ibang klase ng s*x toys na koleksiyon niya. Mataas kasi talaga ang libido niya sa katawan kahit pa may edad na siya.
Nangongolekta siya ng mga ganoon dahil ginagamit niya “in case of emergency” o kapag wala siyang mahanap na lalaking maaari niyang bayaran.
Hindi na sana niya kailangang bumili ng kung anu-anong gadgets kung pinagbibigyan lang siya ni Kenzo noon.
Inilapag ni Mathilda ang nakabukas na maleta sa ibabaw ng kama. Malaki ang kaniyang kama kaya kahit naroon ang maleta ay malaki pa rin ang espasyo para sa kanila ni Kenzo.
Nag-stretching muna siya. Inunat niya ang mga braso at binti. Ipinaling sa kaliwa’t kanan ang leeg. Nang sa tingin niya ay handa na siya ay saka siya sumampa sa ibabaw ng kama. Gumapang siya na akala mo ay isang pusang naghahanap ng tinik sa bubungan ng bahay.
Hindi niya inaalis ang mata kay Kenzo. “Akin ka lang, Kenzo! Walang makakaagaw sa iyo sa akin!” asik niya.
Akmang hahalikan niya sa labi si Kenzo nang mawala siya sa konsentrasyon sa paulit-ulit na pag-ilaw ng screen ng cellphone ni Kenzo sa bedside table. Nasisilaw siya roon at nakakawala ng mood.
Naiiritang inihinto ni Mathilda ang ginagawa upang abutin ang cellphone. Gamit ang fingerprint sa thumb ni Kenzo ay na-unlock niya iyon. Puro text pala ni Rhian ang dumarating kaya panay ang ilaw niyon. Kahit sa ganitong pagkakataon ay istorbo pa rin ang role nito!
RHIAN: Nasaan ka na? Bihis na ako. Excited na ako sa dinner date natin.
Aba at may plano pa palang mag-date ang dalawa. Sorry na lang kay Rhian dahil hindi iyon mangyayari. Siya ang magdi-dinner date at ang putaheng lalantakan niya ay si Kenzo!
RHIAN: Kasama mo pa rin ba ang matandang Mathilda? Bilisan mo at gutom na ako. I love you!
Matanda?! Nakakainsulto! Humanda talaga ang Rhian na iyon sa kaniya. Maghintay lang ito at isusunod na niya itong pahirapan.
RHIAN: Magtext ka naman kung ano na ang nangyayari sa iyo. Nag-aalala na ako sa iyo, e. Tutuloy pa ba tayo sa dinner date?
Tumaas ang isang kilay ni Mathilda. Mabuti nga iyan kay Rhian. Hahayaan niya itong mamatay sa pag-aalala. Iyong hindi ito makakatulog magdamag!
Masyado nang malaki ang oras na nawawala sa kaniya nang dahil sa pagbibigay niya ng pansin sa text messages ni Rhian. Mas mabuti na i-off na niya ang cellphone ni Kenzo para wala na talagang istorbo.
Nang papatayin na niya ang cellphone ay nagulat siya nang biglang magrehistro sa screen na tumatawag si Rhian. Mabilis niyang ni-reject ang tawag at pinatay ang cellphone.
“There! Iyan ang dapat sa iyo!” Mataray pa niyang turan sabay tapon ng cellphone sa sahig. Wala siyang pakialam kahit masira pa iyon.
NAPAKUNOT-NOO si Rhian nang i-reject ang tawag niya kay Kenzo. Nang subukan niya iyong tawagan ulit ay nakapatay na ang cellphone. Mas lumakas tuloy ang hinala niya na kasama pa rin nito si Mathilda. Pero lagpas na ang alas-otso ng gabi kaya nag-aalala na siya. Kilala niya si Kenzo na gagawa ng paraan para masabihan siya kung ano ang nangyayari rito kahit pa kasama nito ang Mathilda na iyon.
Nakakaramdam na rin siya na may hindi magandang nangyayari. Kailangan na niyang gawin ang kanina pa niya naiisip at iyon ay ang tawagan si Mathilda mismo.
Bahala na kung maghinala ang matandang iyon basta masiguro niya na ayos si Kenzo at wala ito sa kahit na anong uri ng panganib.
Hinanap niya ang numero ni Mathilda sa call records at nang makita ay walang pagdadalawang-isip na tinawagan iyon.
Sumagot ka, matanda... turan ng utak ni Rhian habang puro ring ang naririnig.
Matagal bago sumagot si Mathilda kaya para siyang jumackpot sa lotto nang nag-connect na ang linya niya kay Mathilda.
“Hello. Who’s this?” ang garalgal na boses ni Mathilda ang narinig niya. Para bang nahihirapan ito sa pagsasalita.
“Mathilda, ako ito—si Rhian.”
“I am sorry... Ahh... Hindi ko kasi... Ohh... na-save ang number mo... Oh, yes...”
Anong nangyayari kay Mathilda? Bakit sa bawat salita nito ay umuungol ito na parang nagdedeliryo? Hindi kaya...
Ipinilig niya ang ulo upang maalis ang imaheng naglalaro roon bago pa iyon tuluyang mabuo. Sobrang imposible ng naiisip niya kaya hindi siya dapat maparanoid.
“Okay lang po. May itatanong lang sana ako...”
“Yes? Ano `yon? Ohh.... ahhh...”
“Si Kenzo po sana? Kasama mo pa ba siya?” Wala nang paliguy-ligoy niyang tanong.
“Yes! He’s with me until now... and... ohhh... we’re doing something... Oh, Kenzo! Oops! I am sorry. Mamaya ka na lang tumawag, Rhian. May ginagawa lang kami ni Kenzo. Okay?”
“Baka pwedeng makausap ko kahit sandali si Kenzo—”
“Rhian, hindi ka ba marunong makaintindi? May ginagawa nga kami, `di ba?”
“Mathilda—” Biglang naputol ang tawag kaya hindi na niya nagawang masabi ang gusto niyang sabihin. Tinawagan niya ulit si Mathilda pero nakapatay na rin ang cellphone nito.
Kinakabahan na napatulala si Rhian. Hindi na siya bata para hindi malaman ang dahilan kung bakit parang asong nauulol sa pag-ungol si Mathilda. May ginagawa ito at si Kenzo.
Nanikip ang dibdib niya. Ang akala ba niya ay hindi iyon gagawin ni Kenzo kay Mathilda? Ang sabi pa nga nito ay nandidiri ito sa matandang babaeng iyon at kung hindi dahil sa pera nito ay hindi nito papakisamahan si Mathilda.
Parang gusto niyang umatungal ng pag-iyak dahil nai-imagine niya sina Mathilda at Kenzo na walang saplot habang nasa malambot na kama. Naglilingkisan ang dalawa na akala mo ay malalaking ahas. Tapos nai-imagine din niya iyong reaksiyon ni Mathilda habang umuungol!
Malakas na napasigaw si Rhian. Bakit hindi nagawang tuparin ni Kenzo ang sinabi nito na walang mangyayari sa pagitan nito at ni Mathilda?!
Pero bakit parang may mali. Dapat ba siyang maniwala sa sinabi ni Mathilda kahit pa hindi nakita ng mga mata niya ang totoong nangyayari sa kabilang linya?