CASPIAN POV Pagkaalis ni Doc Ken, nanigurado muna ako na hindi na siya nakatanaw bago ako tumayo mula sa wheelchair ko. Bahagya pa ring sumasakit ang mga binti ko, ngunit kinakaya ko na. Agad kong tinawag si Jacob, ang aking pinagkakatiwalaang security head at kanang-kamay. "Bakit po, Sir?" tanong nito sa kabilang linya, halata ang pagiging alerto. "Jacob, may iniwan ditong gamot si Ken. Kumuha ka ng plastic at ibalot mo 'to nang mabuti bago itapon sa lugar na hindi makikita. Siguraduhing hindi mahahawakan ng kahit sino. Ibabalot mo nang mabuti, ha?" utos ko, binibigyang-diin ang pag-iingat. Hindi ko alam kung anong kemikal ang nilalaman ng mga gamot na 'yon, kaya mas mabuti nang maging maingat. "Opo, Sir. Agad ko pong gagawin," sagot ni Jacob. "May iba pa po ba, Sir?" "Imbestigahan m

