MARIS POV "Dad, sobrang yabang na talaga ni Thalia porket nakapag-asawa siya ng mayaman, akala mo kung sino na siya," inis kong sabi pagkaupo ko sa sofa pagdating sa bahay. "Sa 'yo kasi pinakakasal, tinanggihan mo," sagot ni Dad. "Honey," biglang sabi ni Mom, tila nagtatanggol. "Dad, hindi ako magpapakasal doon sa asawa niya na lumpo at matanda na, wala nang pag-asa pa," mariin kong sabi. "Kaya ka naman niya suportahan, honey. Hindi bagay ang anak ko sa asawa ni Thalia, no!" segunda ni Mom. Napangiti na lang ako nang lihim kay Mom. Buti na lang at nakilala ni Mom ang daddy ni Thalia. Hindi na ako magtitiis na tumira sa bahay na kubo na amoy putik. Ngayon, unti-unti ko nang nakukuha kay Thalia ang dapat na sa kanya. "Pero, honey, nasampal mo si Thalia. Hindi kaya magtampo ang anak mo

