THALIA POV Gabi na, pero nakaupo pa rin ako sa silya na kinauupuan ko simula dumating ako. Nasa tabi lang ako ng kabaong niya. Dumarami at umuunti ang bisita. Si Tita naman ay nag-aasikaso sa mga kamag-anak at ilang nakikiramay. Hawak ko ang cellphone ko dahil nagtetext sa akin si Caspian na nangangamusta kung ano nang lagay ko dito. "Hija, kumain ka muna nitong sandwich at gatas. Wala pang laman ang tiyan mo mula kaninang tanghali," sabi ni Tita sa akin. "Wala po akong gana, Tita," sabi ko. "Ay naku,ng bata ka! Hindi ba sinabi ng Mama mo sa'yo na 'wag kang magpapalipas ng gutom? Tingin mo ba matutuwa siya sa ginagawa mo?" Tumingin ako sa kabaong ni Mama at kay Tita. "Magagawa pa ba niyang magalit ngayon, Tita? Kung hindi ako kumain?" Napabuntong hininga siya syaka naupo sa tabi ko

