THALIA POV Lumipas ang tatlong araw, at sa wakas, naipalibing na rin namin si Mama. Hindi ko na ipinagpaliban pa ang paglilibing dahil alam kong gusto na rin niyang magpahinga at matahimik. Kahit gaano ko pa siya kagustong makasama, kailangan kong tanggapin na wala na talaga siya at hindi na siya babalik. "Ayos ka lang ba, hija?" tanong ni Tita nang matapos nang tabunan ang puntod ni Mama. Kami na lang ni Tita ang natitira sa sementeryo; lahat ng iba ay umalis na. Nakatitig ako sa lapida ni Mama, kung saan nakalarawan ang kanyang nakangiting mukha. Hindi ko na muling makikita ang kanyang mga ngiti, ni maririnig ang kanyang mga payo. Ang sakit-sakit, Tita. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap. Ang hirap-hirap tanggapin," sagot ko, habang patuloy na pinipigilan ang mga luhang gustong

