BLAIR Umuwi agad ako ng naihatid ko na sa sakayan si Sophie nun dahil nakalimutan ko ng dalin ito baka kasi nagtext na si Blaze tungkol sa rules niya hindi ko naman pwedeng hayaan na sisigawan niya ako uli bukas kung sakaling magkamali ako at alam ko hindi naman din paraan ang sumagot sa kanya. Pagpasok ko sa bahay diretso ako sa kwarto, alam ko kasing dun ko lang maiiwan ‘yun pero wala pala dun. Naalala ko kumain nga pala kami ni Sophie at habang kumakain kami nailapag ko sa bar table. Agad akong lumabas at pumunta sa kusina, nakita ko si mommy na hawak ang cell phone ko. “May text ng text sa sa ‘yo kanina pa.” Abot niya sa akin ng cell phone ko, agad ko naman din kinuha at tinignan kung sino ‘yun pero unknown number siya pero alam kong si Blaze ‘yun dahil sa topic pero hindi ko sinabi k

