LILITH *Yes sir.* Nakatingin ako sa text ko kay Blaze, hindi siya nag reply sa akin siguro dahil wala naman talagang mairereply sa yes sir. Umasa lang ako na magtetext back siya sa akin para makapag-usap kami. Binulsa ko na ang cellphone habang nakaupo dahil nasa tapat na kami ng building ng Starfield; kaming lima nila Eunice, Danica, Anna at si Katie. Hindi namin alam ba’t hindi sumabay sa amin si Jamie pero sabi niya nauna na raw siya. “Tara na, baka nandun na ang iba.” Sabay-sabay na kaming lumabas sa pangunguna ni Eunice. Lumabas kami sa bus at diretso agad sa loob ng building. Pagpasok namin sa loob ng A.D 2 nakita nami sila Blair at Jamie kaya agad akong lumapit sa kanya para maki-usyoso sana sa pinapakinggan nila kaso dumating agad si Blaze kaya hindi ko na napakinggan. Pinag wa

