BLAIR Matapos ipaliwanag sa akin lahat ni Blaze ang mga pinaggagawa nila sa grupo nila ay pumunta naman kami sa pwesto kung saan nakaupo si Sophie habang naggigitara. Umupo ako sa tabi ni Sophie at nakinig sa kaniyang pag kanta, sa kalagitnaan ng pag kanta niya ay sinabayan ko siya at habang nakatayo at nakaharap sa amin si Blaze. Nakatingin lang ako sa gitara na inii-strum ni Sophie habang si Sophie naman ay napapatingin sa akin at kay Blaze pero binabalik niya rin ang tingin sa kaliwang kamay niya kung saan siya nagcho-chords. “.....Put your head on my shoulder,” sabay naming pagtatapos ng kanta ni Sophie. “You’re better in tandem Sophie, Blair,” ani Blaze habang nakangiti sa amin at bigla na lang napansin ko ang pagturo sa akin ni Sophie gamit ang ulo niya habang hawak ang gitara. N

