ERICK “Anak bilisan mo riyan,” ani papa kaya pinagmadali niya na ako magbihis habang nagkakape siya. “Maaga ako papasok ngayon,” sunod niyang sabi. “Ba’t, anong meron?” nagtataka kong lumabas sa kwarto habang nagkakape siya at nagbabasa ng newspaper. “Ngayon ang audition ng bagong bubuuing grupo kaya bilisan mo na riyan, bawal ako ma-late.” Tumango lang ako at pumasok uli sa kwarto ko. “Okay, hintayin mo ko.” Kumuha na agad ako ng tuwalya at ng damit bago dumiretso sa banyo. Saglit lang naman ako maligo kaya natapos din ako kaagad, habang basa ang buhok ko ay inayos ko na agad ang mga gamit kong dadalhin at inilagay ko na sa bag. “Tapos ka na?” tanong ni papa at tumango lang tsaka kami lumabas ng bahay. Diretso na agad ako sa kotse nung habang ni-lock niya pa ang pinto ng bahay pero

