ERICK Dumiretso kaagad ako sa A.D 1 kung saan kami nagpapractice para sa performance namin sa T.V. Pagkabukas ko ng pinto ng A.D 1 ay wala pang tao pero dahil may mga instrument na nakatambak ay hinantay ko na lang din ang mga ibang kasama ko na dumating. Inilapag ko sa gilid ang bag ko pero kinuha ko muna ang sandwich na binili sa akin ni papa bago ko iwan ang bag ko sa pwesto niya. Napag-isipan kong tumugtog ng piano kaya pumunta ako sa piano. Umupo muna ako sa upuan at kinain ko ang sandwich ko kasabay ng pag-inom ng milk tea na hindi ko pa maubos simula kanina, pero yung kay papa, inubos niya kaagad dahil nagmamadali nga siya at hindi niya ugaling magdala ng pagkain sa trabaho pag oras ng trabaho. Matapos kong maubos ang sandwich at ang milk tea ay inilapag ko muna ang kalat ko sa

