BLAZE H&M ang unang pinuntahan ni mama para mamili ng mga bagong damit habang kami ni Jay ay nakasunod lang sa kanya at kung may magustuhan kami syempre binibili rin namin pero kumpara sa akin, si Jay ang maraming nalibre kay mama. Wala namang problema sa akin ‘yun dahil alam kong nagsakripisyo siya ng pasok para matulungan si mama ngayon. Habang nasa H&M nakita ko ang isang ice cream store kaya lumapit ako kila mama upang magpaalam. “Punta lang ako ng ice cream store.” Napatingin sa akin si mama habang namimili habang si Jay ay seryosong namimili. “Sige, anak pabuhat mo na lang ‘yan kay Mang Beny... Mang Beny?” Tawag niya ka mang Beny sa gilid kaya lumapit ito at pinahawak ko muna ang nilibre sa akin ni mama. “Puntahan ka na lang namin dun?” tanong ni mama pagkaabot ko kay mang Beny at

