BLAZE Gabi na ng matapos kami sa pagsh-shopping, actually sila lang dahil halos 3 damit at 2 shorts lang ang pinabili ko kay mama at doon pa ‘to sa H&M. Si Jay naman ay dala ang PS5 niya habang tinitignan at hawak sa kabilang kamay ang mga bala ng PS5 habang ang iba pang pinabili niya eh nasa likod ng kotse, ganun din ang pinag bibili ni mama. Nasa kotse na kami papauwi sa bahay ng biglang nakita ang wallet niya na nasa lapag dahil inayos ko ang sapatos ko. Kinuha ko ito at aksidente ko itong nabuksan dahil foldable ito. “Ma, si Papa ba ‘to?” tanong ko sa kaniya ng makita ko ang picture ni papa na walang balbas. Hindi kasi siya nagsh-shave dati pa nung bata pa lang ako, hindi ko pa siya nakitang naka-full shave dahil tuwing nagsh-shave siya, maikli lang ang binabawas niya. May mga time

