GEORGE Nasa building ako nang nagtext si Perl sa akin. “Kailangan natin mag usap. Tungkol ito sa kapatid mo.” Kaya agad akong napauwi sa bahay at dumiretso sa kwarto habang naglalaro sa sala sila Jay at Blaze. Sinara ko kaagad ang pinto ng aming kwarto pagkapasok ko pa lang dahil baka marinig nila Jay at Blaze. “Anong ibig sabihin ng tinext mo sa akin?” diretsong tanong ko dahil alam kong hindi tungkol lang ‘yun sa kapatid ko at lumapit naman si Perl galing sa pagkakaupo sa kama tsaka hinawakan ang kamay ko. “Ang anak mong si Blaze mukhang nakita ang kapatid mo dahil nung nabuksan niya wallet ko nakita niya ang picture mo nung bata, nung wala ka pang balbas katulad niyan.” Turo niya sa mukha kong balbas sarado at halos hindi na makita ang totoong pagmumukha ko. Manipis lang naman yung

