BLAIR “Blair, Blair, Blair.” Paulit ulit kong naririnig sa labas ng kwarto ko kasabay ng pagkatok sa pinto. Bumangon ako at napansin na anong oras na pala bakit hindi ako nagising sa alarm ko? Binuksan ko kaagad ang pinto at nakita ko si ate Claire. “Good morning,” nakangiting sabi ko habang gulo-gulo pa ang buhok at singkit na mata. “Anong good morning?” sabi niya. “Male-late na ako, hinintay lang kita magising dahil sabi sa akin ni Mommy gisingin muna kita bago ako umalis at makakain ka,” sunod niyang sabi habang nakatingin ako sa strap ng bag niya dahil tinaas niya ito para maayos. “Nasaan ba si Ate Rose?” tanong ko kay ate tsaka umisang hakbang papabalabas ng kwarto at tumingin sa paligid para hanapin kung nasaan ang katulong naming si ate Rose. “Wala sinamahan si Mama, may pinu

