BLAIR Lumabas na kami ng kwarto ni Sophie para kumain ng luto ni mommy dahil tinawag kami ni ate Rose na luto na raw ang hinanda ni mommy sa aming dalawa ni Sophie. “Ano ‘yang niluto mo Mommy?” tanong ko sa kaniya at inilapag niya na ang pagkain sa lamesa. Nakita naming adobong baboy na may patatas at itlog na kasama. “My number 1 specialty ‘yan.” Proud na proud na sabi ni mama eh halos lahat ng Pilipino eh ‘yan ang niluluto. Hindi ko na lang sinabi dahil ayaw ko naman din masaktan si mommy pero kahit naman sabihin ko pa iyon ay alam niyang biro lang din ‘yun eh. “‘Wag niyo nang titigan, kumain na kayo,” aniya at siya na mismo ang kumuha ng plato at kutsara tsaka niya ito inabot sa amin. “Tita, gustong gusto ko po yung patatas sa adobo,” sabi ni Sophie habang sumasandok ng kanin at m

