BLAIR Natapos ang training hour namin kay Blaze ng hindi kami nito pinapagalitan mukhang nasunod talaga namin ng tama ang rules niya kaya siguro ganun, isa pa, sobra ang pagkabati niya sa akin dahil lang alam ko ang mga bagay na sinasayaw niya eh kaya nga inaya ko siya ng showdown dahil may mapapatunayan ako eh. Pero at least, hindi niya na kami sinisigawan tulad ng first day. Nagpatuloy ang oras namin sa building hanggang sa magtraining kami kay Mr. Erick. Pumasok siya kasama ng kaniyang anak, nagulat ako bakit kasama siya eh ilang days pa naman kaming nagt-training may kung anong step up na ba kaya kailangan ng back up? “Guys meet my son, Erick.” Walang reactiong yuko ni Erick sa amin habang nakatingin naman sa amin ang kaniyang ama na nagpapaliwanag sa gagawin at kung bakit kasama ni

