CHAPTER 6

1018 Words
CLAIRE Isang malakas na boses ang nagparindi sa aking tenga, ang boses ni daddy habang galit ang mga mata. Ni hindi ko alam na may ganoong ugali pala ang aking daddy o sadyang may mali lang talaga kaming nagawa sa kaniya. Gamit ang kanang kamay ko na kusang tumakip sa bunganga ko dahil sa lubos na pagkatakot, ang mata kong naistock sa pagka dilat at ang utak kong nag-iisip kung anong maaaring rason kung bakit naging ganoon si daddy sa amin. Kinakailangan ba talagang gawin iyon ni daddy sa amin?  Kahit pa naranasan ko nang sigawan dati ng mga kaklase ko dati at guro sa iba’t ibang problema ay iba pala talaga pag magulang mo ang sumigaw sa ‘yo ng ganun kalakas, lalong-lalo na kung tatay mo na malaki ang boses. Mahirap sabihin at ipaliwanag ang pakiramdam na nadarama ko ngayon kaya halos hindi ko nakausap ang aking kapatid bago at pagkatapos niya akong ihatid sa aking kwarto.  Kanina pa ako hindi makagalaw sa aking kama habang nakahiga at nakakumot. Hindi ko maisip kung bakit nagawa sa amin ni daddy na sigawan ng ganun dahil lang sa iniwan ko si Blair sa tindahan o dahil nakita niya si Blaze na kasama si Blair?  May mas malala naman kaming nagawa ni Blair na kasalanan noon pero hindi niya kami ganun sinigawan dati. May tinatago ba sa amin sila daddy at mommy? Anong hindi namin alam ni Blair?  Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko habang nakahiga sa aking kama ay isang tawanan ng mga bata ang aking narinig kasama ang malaking tono ng boses ng aking ama. “Claire, alagaan mo ang  little sister mo,” at sumunod ang maliit at matining kong iyak. Nang narinig ko ‘yun sa labas ng aking kwarto dahil sa kaunting bukas ng aking pintuan na may kaunti ring sumisinag na ilaw at paiba-iba ito ng kulay, napabangon ako sa aking kama para silipin kung anong mayroon sa labas.  Nakita ko sa lamesa ang lahat ng tape kung saan itong tape na ito ay itinabi ni daddy dati pa noong bata kami ni Claire. Bagong panganak noon si mama kay Blair at nasa hospital pa kami nung mga araw na ‘yun. Unang gawa ni daddy ng tape na ‘yun dahil naisipan niyang kuhanan ang pagtanda ni Blair simula noong una, dahil hindi niya ito naisip sa akin noong pinanganak ako kaya halos tuwing birthday ni Blair  aymay nakatapat na camera sa kaniya. Pero, pagtungtong ni Blair ng sampung taon ay hindi na niya tinuloy ang pagkukuha ng video kay Claire tuwing birthday. Hindi ko alam kung bakit pero sigurado akong may rason si daddy na hindi niya sa amin sinasabi o baka hindi lang talaga namin tinatanong sa kaniya. Ano kayang irarason niya kung tanungin ko siya isang araw? Sasabihin niya kaya?  Sa kalagitaan ng panonood niya ay nangawit ako kaya natulak ng ulo ko ang pinto pasara. Hindi naman ito naglikha ng kahit na anong klase ng ingay, pero bigla na lang itong nag-ingay pagkabalik nito sa pwesto kung saan iniwang bukas ito ni Blair kanina.  Nalipat ang tingin ko sa pintuan pagkatapos nitong matulak ng kaunti at noong narinig ko nang tumunog ito ay agad na ibinalik ko ang tingin kay daddy at doon ko nakitang nakatingin na siya sa akin habang nagp-play ang tape na pinapanood niya.  Agad akong napaatras at napaupo sa sahig, inisip ko kaagad na bumalik ako sa higaan dahil baka pumunta siya sa akin kaya ginawa ko ‘yun at nagtakip ng kumot sa katawan. Nagpanggap akong tulog ng ilang saglit pero wala namang dumating. Siguro hindi niya ako nakita sa dilim ng kwarto, mabuti naman.  Tinaggal ko ang kumot na nakatakip sa buong katawan ko dahil sa init ng paligid kahit pa nakabukas na ang aircon, ngunit nang tanggalin ko iyon ay sobrang lamig naman, kaya hindi ko alam kung ano ang kailangan kong gawin para makatulog. Gusto ko nang matulog pero hindi ako makatulog, masyado akong maraming iniisip. Nakakabwiset!  Ilang oras pa ang nakalipas wala akong narinig na yapak ng paa sa labas ang tanging narinig ko lang ay ang paulit-ulit na happy birthday naming mag papamilya. Sinubukan ko uling bumangon sa kama ko para tingnan kung ano ang ginagawa ni daddy. Nakatulog na ba siya? Umalis ba siya ng pwesto? O baka nagpuyat siya buong gabi kakanood ng tape? ‘Wag naman sana dahil may trabaho pa siya bukas.  Tumayo na ako at sinilip ko sa pangalawang pagkakataon si daddy sa pintuan at nakita ko siyang patuloy pa rin siyang nanonood kaya tumingin ako sa oras at nakita kong mag-uumaga na pala. Bakit pinapanood niya pa rin ang bawat tape, may trabaho pa siya bukas ah? Pinagmamasdan ko lang si daddy ng ilang oras sa panonood niya ng tape hanggang sa mag-umaga na talaga at narinig kong bumukas na ang pinto sa itaas at pinto sa kwarto ng mga katulong. Nakita ko si mommy at pati na rin ang katulong. “Ma’am magluluto na po ako,” ang sabi ng katulong namin. Mukhang puyat din si mommy dahil bakas iyon sa kaniyang mga mata. “Kailangan mo pa ba talagang mag paalam sa akin?” inis na sabi ni mommu sa katulong namin at biglang napalingon sa bandang pintuan ko si mommy dahil nakabukas ito, kaya dali-dali akong bumalik sa kama ko at nagpanggap uli na tulog kahit pa nasisikatan na ako ng araw dahil sa nakabukas na kurtina.  Narinig kong papalapit ang yapak ni mommy at kasabay ang matining na bukas ng pinto. Dahan-dahan itong bumubukas hanggang sa tumigil ang tunog nito kaya ramdam kong tinitignan ako ni mommy pero hindi ito nagsalita at narinig ko na lang ang pagsara muli ng pinto. Mukhang hindi rin ako napansin ni mommy. Hindi ko na inisip na umalis sa kama ko pagkatapos mangyari ‘yun dahil maaaring sinara lang ni mommy ang pinto pero nasa loob siya ng kwarto ko. Hindi ko na rin sinubukang ibukas ng kaunti ang aking mata para silipin kung nasa kwarto ba si mommy dahil alam kong mahahalata niya ako, magaling kasi siya dun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD