FRANK
“Frank, pwede bang kumalma ka kahit saglit lang?” Saway sa akin ng asawa ko pagkapasok niya ng pinto na padabog kong sinara dahil sa inis ko. Umupo ako sa kama at hinubad ang sapatos para humiga na sana, pero tumabi sa akin ang asawa ko para pakalmahin ako. “Mag-sorry ka bukas na bukas din sa mga anak mo,” sabi niya sa akin pagkahawak niya sa braso ko.
“Ayaw ko munang makipag-usap, Honey,” kalmadong sabi ko sa kaniya dahil maski ako ay naawa sa dalawang anak ko nang makita ko ang kanilang mukha matapos ko silang sigawan.
“Bakit ka ba nagagalit?” Napatingin ako sa mata ng asawa ko matapos niyang itanong sa akin ‘yun na parang hindi niya alam ang alitan naming magkakapatid noon. Sisigaw sana ako pero naisip ko kaagad na gabi na para sumigaw hanggang sa marinig ko sa bibig ng aking asawa ang sinabi niya. “Walang kinalaman ang mga anak mo sa alitan niyo ng kapatid mo noon lalong-lalo na ang anak ni George at tsaka dati pa ‘yun ‘di ba?”
“Dati pa? Hindi niya ba alam kung gaano kalaki ang kasalanan ng ama nun sa akin? Kaya ‘wag na ‘wag mong sasabihin na dati pa iyon, dahil kahit dati pa ‘yun, hindi matatabunan nun ang ginawa ng tatay niya sa akin lalo na sa apelyido namin, natin!” Palakas nang palakas ang tono ng pananalita ko hanggang sa matapos sa malakas na sigaw ang sinabi ko kaya tumahimik si Ashly ng ilang saglit.
Matapos kong sigawan ang asawa ko ay alam ko na agad ang kailangan kong gawin kaya kumuha na agad ako ng unan at kumot para matulog sa baba. Sinuot ko uli ang sapatos na hinubad ko at lumabas na may hawak na kumot at unan. Nakita ko si Blair na tumakbo at nag-slide papunta sa kwarto niya pero hindi ko magawang makalapit sa kaniya matapos ko silang masigawan, pero saktong lumabas din ang katulong namin kaya tinuro ko ang kwarto ni Blair para tulungan si Blair sa kaniyang pagtayo.
Pumasok naman ang katulong at nakita niya ang aking anak na nasa lapag at agad itong tinulugan. Hindi muna ako bumaba dahil baka makita ako nito. Hinintay ko lang ang katulong namin na magsabing okay lang si Blair para makababa na ako.
Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na ang katulong namin at pilit na tinutulak siya ni Blair papalabas kaya nagtago ako ng kaunti dahil baka makita ako nito mula sa itaas. Matapos palabasin ng bunsong anak ko ang katulong namin ay agad niyang sinara ang pinto ng kwarto niya kaya bumaba na ako ng hagdan.
“Ano ang nangyari?” mahinang pagsasalita ko sa katulong para hindi marinig ng mga anak ko na nasa kani-kanilang kwarto na.
“Hindi ko po alam, nakita ko lang pong nasa lapag na siya,” sagot ng katulong namin at tinuro ang pintuan sa kaniyang likuran.
“Hindi ‘yun ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay kung okay lang ba siya pagkatapos niyang masalubsob sa sahig?” paliwanag ko sa katulong dahil mukhang hindi niya naiintindihan ang ibig kong sabihin.
Naintindihan niya naman na kaya nagsalita siya tungkol kay Blair. “Nakita ko po kasing may pasa siya sa braso niya, hindi ko po sure kung sa pagkakabagsak niya ‘yun sa lapag o may humawak sa kaniya nang mahigpit.” Bigla kong naalala ang hindi ko makontrol na hawak ko kay Blair nang makita ko ang anak ng tinatakwil kong kapatid.
“Sige na, pwede ka nang bumalik sa kwarto niyo,” ani ko sa katulong pero nakatingin lang siya sa akin kaya nag aka ako. “Bakit?” tanong ko sa kaniya.
“Kukuha po sana ako ng tubig sa kusina dahil nauuhaw ako kaya po lumabas ako,” sabi niya sa akin habang kumakamot sa ulo.
“Ay, sige na pumunta ka na sa kusina.” Nahiya ako bigla sa katulong namin dahil sa sinabi ko pero dali-dali rin naman siyang pumunta sa kusina pagkatapos kong magsalita, habang ako naman ay pumunta sa sala kung saan ko nasigawan ang dalawa kong anak.
Umupo ako sa sofa at hinubad uli ang sapatos ko, tinabi ko ito sa gilid ng paahan ng sofa at humiga para matulog na sana pero hindi ako makatulog dahil nasa mismong lugar ako kung saan ko sigawan ang mga prinsesa ko.
Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko pansamantala at inilayo ang isip sa mga nangyari kanina, subalit, imbis na malayo ito ay mas pinipili pa rin ng utak ko na isipin ang mga pangyayari kanina. Siguro dahil masyado lang akong nag-aalala sa mga anak ko. “Bakit mo naman kasi ginawa ‘yun, Frank?” inis na sabi ko sa sarili ko.
“Ang ano po, Sir?” nabigla ako nang sumulpot sa gilid ko ang katulong namin na nakatayo habang may hawak na isang pitchel na tubig at isang baso, kaya nagulat ako at agad na napabagon. Muntikan nang matapon ang tubig sa akin dahil walang takip ang pitchel pero maingat naman ang katulong namin kaya hindi ito nangyari.
“Nakakagulat ka naman, alam mo namang madilim eh,” inis na sambit ko.
“Pasensya na po Sir, dinalan ko lang kayo ng tubig baka gusto niyo dahil mukhang dito kayo matutulog,” paliwanag niya habang nakatingin ako sa mata niya dahil, talaga bang dadalan niya ako ng tubig kahit pwede naman akong pumunta sa kusina para kumuha ng sarili ko kasi nasa baba naman na ako o nang-aasar lang ‘to.
“Ilapag mo na lang diyan sa lamesa tapos pwede ka nang bumalik sa kwarto niyo.” Utos ko sa kaniya kaya nilapag niya ang dala niyang pitchel at baso tsaka siya bumalik sa kwarto nila.
“Opo,” aniya bago bumalik sa kwarto nila.
Nadalan naman na rin ako ng tubig, bakit hindi ko pa inumin? Tinakal ko ang tubig sa basong dinala sa akin ng katulong ko at iinumin na sana pero naalala ko na uminom din pala siya kanina base sa sinabi niya. Kaya, tinignan ko muna kung may marka ng labi niya sa b****a ng baso. “Wala naman... safe.” Ang sabi ko kaya diniretso ko ang inom at humiga muli sa sofa tsaka ako nag kumot.
Makalipas ang ilang minuto ay dilat pa rin ang mata ko kaya naisipan kong manood muna ng mga tape. Kinuha ko sa drawer sa baba ng T.V ang mga tape kung saan ito ang mga kuha ng dating camera namin noong bata ang dalawa kong anak. Sampung piraso ang tape na tumatagal ng isang oras kada isang tape ang isa isa kong pinanuod pero sa kalagitnaan ng panonood ko, narinig ko ang matinig na tunog ng pinto na bumubukas sa likod ko kaya napalingon ako sa likod ko at nakita kong bukas ang pinto ng kwarto ni Claire.
“Hmm? Hangin lang.” Nakita kong bukas ‘yun kanina nung bumaba ako at ayaw ko rin namang takutin ang sarili ko kaya inassume ko na lang na hangin talaga ‘yun at nagpatuloy ako sa panonood hanggang sa matapos ko ito, pero tapos na rin pala ang madilim na paligid sa kadahilanang suminag na ang araw sa bintana.