CHAPTER 4

1075 Words
BLAIR Nakatingin sa akin ng masama si daddy habang nakaupo ako sa single sofa na vintage. “Anong meron sa inyo ng lalaking 'yun?” kalmadong tanong sa akin ni daddy habang tinitingnan ko si ate dahil hindi ko alam ang nangyayari kung bakit ba ganun ka-galit si daddy nang makita niya si Blaze.  “Ate?” Tawag ko kay ate na nag ngangawang mata kaya napatingin din si daddy kay ate.  “May alam ka ba rito Claire?” naiinis ng tanong ni Daddy at biglang dumating si mommy na may dalang tubig para kay daddy. “Frank, pwede bang kumalma ka na muna?" pag-aalala ni mommy kay daddy. “Oo nga Daddy, galit na galit ka eh si Blaze choreographer, walang kailangan ika…” putol na sabi ni ate Claire nang biglang sumigaw si daddy at sabay-sabay kaming nagulat dahil sa lakas ng boses nito. “Kahit pa!!!” Napababa ako ng tingin dahil hindi ako sanay na ganun si daddy. Nakita ko si ate Claire sa lamesa na napahawak sa kaniyang bunganga habang nakatingin ng masama si daddy sa kanya. Sa sobrang kintab ng lamesang kahoy ay nakikita ko ang reflection nila sa lamesa matapos ng napakalakas na sigaw ni aaddy at masamang tingin kay ate, nakita kong naawa siya sa itsura ni ate kaya iniwas niya ang tingin kay ate Claire at tumingin sa akin... Kaya, inilishis ko rin kaagad ang tingin ko sa lamesa at nagsimula akong kabahan ng todo. Dahil sa kaba ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko– nanginginig– hindi mapakali ang kamay at hindi maipaliwanag na pakiramdam. “Papalayasin na kaya ako sa bahay?” bulong ko sa aking sarili. Hirap akong ipaliwanag kay daddy na walang kung anong ganap noon kundi mag sasayaw lang, pero nanguna ang kaniyang galit kaya hindi ko na matuloy ang paliwanag ko. Tumahimik ng saglit ang paligid namin dahil sa sigaw ni daddy pero makalipas ang ilang segundong tingin sakin ni daddy ay agad din siyang umalis sa harapan naming magkapatid, kaya inangat ko na ang ulo ko at tumingin kay mommy. Umiling lang si mommy at sumunod na rin kay daddy habang nag-aalala sa aming lahat.  Umakyat si daddy ng hagdan papunta sa kwarto nila at padabog na sinara ang pinto ng kwarto nila, kaya sabay na naman kaming nagulat ni ate Claire. Tumayo ako at sinilip sila daddy kung pumasok na ba talaga sila sa kwarto nila. Nang makita kong wala na sila daddy ay agad akong tumingin kay ate at inalalayan ang emosyon niya dahil bakas sa mukha niya ang gulat sa ginawa sa kaniya ni daddy. “Ate, maupo ka na muna,” sabi ko kay ate habang pinipigilan ko ang luha ko sa mga nangyayari. Umupo si ate at hinimas ko ang likod nito para kumalma kahit papaano si ate.  Hinintay kong kumalma si ate bago ko napagpasiyahang ihatid na siya sa kanyang sariling kwarto. Hindi na kami nakapag-usap dahil hindi naman din nagsalita si ate, at tsaka ayaw ko rin na mag-usap kami na ganoon siya. Tinulungan ko siyang humiga at kumutan ang kanyang sarili bago ako umalis ng kwarto niya tsaka ko pinatay ang sindi ng ilaw roon.  Magkatabi lang ang kwarto namin sa baba habang ang kwarto naman nila mommy at daddy ay nasa itaas. Lumabas ako ng kwarto ni ate at kaunting sinara ang pinto niya dahil sa pag-aalala ko na baka ano ang mangyari pagkatulog ko, pero bago ako pumasok sa kwarto ko isang sigaw na naman ang narinig ko mula sa itaas. “Boses ni Daddy 'yun ah?”  Nacurious ako kung anong pinag-uusapan nila daddy at mommy kaya sinubukan kong umakyat sa hagdan, ngunit, pahawak pa lang ako sa hawakan ng hagdan ay biglang ang pagbukas ng pinto ang narinig ko kaya hindi ko na tinuloy ang paghawak dito at dali-daling tumakbo sa kwarto. Nag-slide ako papunta sa kwarto ko kaya't natalisod ako bago pa ako makapasok sa kwarto. “FFFFFFF,” pilit kong tinago ang aking daing. Hindi ako maka-aray ng maayos dahil akala ko si daddy na iyo, subalit katulong lang pala namin 'yun na lumabas sa kwarto nila. “Maam B, ano pong ginagawa niyo riyan sa lapag?” tanong ng katulong namin at tinulungan akong makatayo habang nakahawak ako sa braso ko na unang bumagsak sa lapag. Inupo ako ng katulong namin sa kama ko at binuksan ang ilaw ng kwarto para mas makita kung ano ang nangyari sa braso ko. “Salamat po,” sambit ko sa katulong namin at umupo sa tabi ko para tignan ang braso ko kung okay lang ba ito. Nakita niya ang pasa sa braso ko pero hindi ito galing sa pagka bagsak ko, galing ito kay daddy na hinigpitan ang pagkahawak sa akin nang makita niya kami ni Blaze.  “Ako na po ang bahala rito. Mauna na po kayo sa kwarto niyo.” Utos ko sa katulong namin para hindi niya na malaman kung saan ko nakuha 'yun. Pinilit ko siyang umalis sa kwarto ko dahil gusto ko na rin namang matulog na para makapag pahinga, kanina pa kasi ako pagod dahil ang daming naganap sa araw ko ngayon. “Sige na po matutulog na ako.” Pilit ko sa kaniya kaya walang nagawa ang katulong namin kundi lumabas na lang ng tuluyan mula sa kwarto ko. Sinarado ko kaagad ang pinto ng kwarto ko at sabay pindot ng lock sa door knob. Huminga ako ng malalim bago ako pumunta sa kama para mahiga. Bago pa man ako mag kumot naisip ko kung ano ang nagawa kong mali kaya ganun na lang magalit si daddy sa akin. “Iniisip niya bang boyfriend ko si Blaze o iniisip niyang sinekreto kong boyfriendin si Blaze... kahit hindi naman?” nagugulat na lang ako sa mga nasasabi ko dahil pwedeng rason 'yun para magalit si daddy kanina.  Lumipas ang oras na iniisip ko kung ano ang nagawa kong mali kanina pero kahit ano ang gawing kong pag-iisip, sa tingin ko ay wala naman akong nagawang mali simula kaninang umaga kaya hindi ko mahulaan kung bakit nagkaganun si daddy sa akin kanina. “Si Ate kilala si Blaze, ganun din ba si Papa kaya galit na galit siya kay Blaze? Arghh, hindi ko sila maintindihan!” Iritang wika ko habang nakahawak sa sariling ulo. Kahit anong paggulo ko sa buhok ko, wala pa rin akong maisip na dahilan ba't ganun… Sino ka ba talaga, Blaze?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD