CHAPTER 3

1017 Words
BLAIR Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang graduation ko, bilang pagtatapos ng aking college life. Patanda na ako ng patanda, wala pa rin akong jowa! "Grabe bebe, ang galing mo! Proud na proud talaga si ate sayo," ani ate Claire habang umiikot na parang timang. Nandito kami sa playground, sa kantong malapit sa bahay namin. Sakto lang 'yung ingay dahil gabi na, wala na masyadong bata ang narito para maglaro. "Hindi ko pa nga alam kung saan na papunta ang landas ng buhay ko, wala pa akong nahahanap na trabaho," nanlulumong sabi ko, "baka naman for hire ka sa bakery mo ate, kunin mo nalang akong waiter ganon," natatawa kong dinugtong. "Hmm, as much as I want to help you bebe, hindi ko pa kailangan ng katulong ko sa work eh. Sapat na sa akin 'yung may customers ako araw araw," sagot niya. Sayang. Umihip ang malamig na simoy ng hangin na nakapagpatangay sa buhok ko. Hindi naman madadamay ang suot ko dahil fitted ito, isang yellow off the shoulder long sleeveless crop top. Inangat ko ang aking paningin at napanganga sa rami ng bituin na nakapaligid sa buwan. "Ate, uwi na tayo. Kailangan ko na makapagtrabaho para makatulong na rin ako kela mommy at daddy," aya ko sa kanya, "ay saglit. Mauna ka na pala ate, may bibilin lang ako sa tindahan sa kabilang kanto." Nag-alinlangan pa si ate kung papayagan niya ba ako o hindi, dahil halos nagdikit na ang mga kilay niya. "Sigurado ka bang kaya mo mag-isa? Bebe ka pa rin sa pamilya natin kahit gaano ka pa katanda kaya hindi kita pwede pabayaan, Blair," nasa tinig ni ate ang pag-aalala. "Ano ka ba, ate? Bente tres anyos na ako! Sige na ate, mauna ka na umuwi baka mas lalo lang magtaka sila mommy kapag wala pang umuwi sa atin," tinutulak tulak ko si ate na akala mo ay tinataboy ko na siya. "Alright, basta umuwi ka agad pagkatapos mong bumili ng kailangan mo ah! Maraming tarantado tuwing gabi, mag ingat bebe." Humakbang na siya paalis at kumakaway habang nakatalikod. Sobrang swerte ko sa pamilya ko, 'yun ang mga katagang naiwan sa isipan ko. Kahit gaano ako kahirap pakisamahan at intindihin, never kong naramdaman ang pangungulila sa pagmamahal ng pamilya. Kaya para sa akin, sapat na siguro sila para sa pang habang buhay ko. Stable job will be all I need for me to feel successful. Napansin ko ang iilang mga batang masayang naglalaro sa may slides. Mukha silang magkakaibigan o magkakapatid siguro, hindi ko sigurado. Nakakamiss din palang maging bata. Ngumiti ako nang maalala ko ang mga panahong sinasamahan kami ni mommy at daddy sa perya kasama si ate, para makapagbonding kami. Nakarating na pala ako sa maliit na tindahan dito sa malapit ng kaunti sa bahay namin at sa playground. "Pabili po," mahinang sabi ko habang kumakatok sa may kahoy ng lamesa nila. Bumili ako ng isang plastic ng sprite at isang pack ng sanitary napkin ko. Isinabit ko sa pulsuhan ko yung plastic kung saan nakapaloob yung napkin, para makasipsip ako ng sprite. Kinalabit ako ng isang lalaki sa gilid ko. "Hello, ate," tawag nito sa akin. "Uhm, hi? Sino ka po?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya, isang nakaka kiliting ngiti. Kahit madilim ay naobserbahan ko ang mukha niyang nakaka-attract. Halos magmukha na siyang singkit dahil sa liit ng kanyang mga mata na bumabagay naman sa matangos niyang ilong at mapulang labi. Nakasuot sa ulo niya yung hood ng jacket niya kaya hindi ko gaanong maaninag at makilala kung sino siya. Tumawa siya ng mahina. "Hindi mo na agad ako nakikilala?" tanong nito pabalik. Pilit kong inalala kung saan ko narinig ang boses niya at nakita ang mukha niya, para bang nakasalamuha ko na siya noon, ngunit hindi ko lang masyado matandaan. "Familiar ka po pero hindi kita makilala, sino ka nga po ba?" Tinanggal niya sa ulo niya ang hood nung jacket at pinirmis ito sa likuran niya. Shocks. "Omg, ikaw po ba 'yan Blaze? Sensya na po, harang po kasi 'yang jacket mo eh," tugon ko nang makilala ang hairstyle niya. "Nabalitaan ko sa ate mong napanood mo ang video namin last time, ano? Galing ko ba sumayaw?" tanong nito, nakaramdam ako ng pagmamayabang sa tono ng pananalita niya. Kung alam ko lang na magkikita tayo ngayon, inaya na sana kita agad ng showdown. "Ah, opo. Galing niyo nga po eh, pati po 'yung mga kumakanta. Saktong sakto po 'yung mga galaw mo po sa beat nung kanta," sabi ko. Ngumisi siya at inayos ang kanyang tindig. Naubos ko na pala 'yung sprite ko, hindi ko man lang naramdaman 'yung soda. "You're the captain ng dance troupe sa University niyo, right?" tanong ni Blaze habang nakahawak sa baba. Tumango ako. "Yes po, bakit? Although, former captain na ako since I graduated already." "Care to have a dance battle tonight?" Sh*t. Tatanggi pa ba ako? Patunayan ko lang sa kanya na hindi lang siya 'yung magaling sumayaw sa mundo. Nilapag ko sa lamesa ang mga binili ko. Hindi na ako nag abala pang mag stretching, sisimulan ko na sanang sumayaw nang biglang may humatak sa likuran ko. "Blair Hepburn! Maghahating gabi na, wala ka pa rin sa bahay," boses ni daddy ang narinig ko. "Blaze? What are you doing here with my sis?" galing sa boses naman ni ate ang sumunod na nagtanong. Pinaharap ako ni papa sa kanya at pinandilatan ako ng mata. "Kanina pa kami nag aalala sa'yo ng mommy mo tapos nandito ka lang pala? Bakit kasama mo 'yang hampas lupa na 'yan?" galit na tanong ni daddy sa akin. Hampas lupa? Si Blaze? Magkakilala sila ni daddy? Sunod sunod na tanong ang pumasok sa isipan ko nang hindi ko alam kung bakit. Kailan lang naman nung nagkakilala kami, kaya wala rin kaming attachment or contact sa isa't isa. "Daddy, kalma po. Hindi ko po siya boyfriend or kung ano pang iniisip niyo. Si Ate po ang may tropa sa kanya," paliwanag ko. Inalis ni Daddy ang tingin niya sa akin at nilipat iyon kay ate Claire. "Mag-usap tayo sa bahay, uwi ngayon na!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD