Chapter 8

2229 Words
Chapter 8 MARAMI nang tao sa mansiyon nang dumating si Daniel. Alas-otso na ng gabi. Sa may hardin ginanap ang party ng daddy niya kagaya ng dati. Lahat nang makasalubong niya ay binabati naman siya at kahit kilala naman niya ay binabanggit pa ng mga ito ang kani-kaniyang mga pangalan. Mukhang marami ang nakakaalam na may amnesia siya. Ang ilan ay may tanong sa kanya tungkol sa kanyang girlfriend. Hindi niya sinagot ang mga ito at nagpanggap na kunwari ay hindi marinig sa lakas ng music. Maingay na rin dahil sa mga nag-uusap na pihadong mga tsismis lang naman. Napuna niya rin na pinagtitinginan siya ng mga may edad nang kababaihan na asawa ng mga empleyado ng kaniyang ama. "I'm so glad you made it!" ngiting-ngiti siyang nilapitan ni Amber. Hinagkan pa siya nito sa pisngi. Alam niyang masaya talaga ang kapatid dahil matagal na ito nakikiusap sa kanya na magpunta sa selebrasyon ng ama. "Nasaan si Arianne?" tanong niya. "Nasa taas, nahihiyang lumabas. Hihintayin ka raw niya. Puntahan mo na." Agad naman niya itong sinunod. Abala ang mga tao sa loob ng mansyon kaya walang kasambahay na nakapuna sa kanya. Aakyat pa lang siya nang hagdan nang matanaw si Arianne sa itaas. Nakasuot ito ng kulay pulang bestida, nakakulay puting stilleto, naka-make up, bahagyang kinulot ang mahabang buhok at hinayaan lang itong nakalugay. Nakangiti ito sa kanya habang bumaba ng hagdan. Hindi alam ni Daniel kung mabagal lang itong maglakad dahil sa high heels ang suot o sadyang imahinasyon lamang niya. Maganda si Arianne. Magaling ang fairygodmother nito. Nang malapit na ito sa kanya ay bigla itong natapilok. Dali-dali naman siyang kumilos para saluhin ito. Narinig niya ang mahinang halaklak nito. "Sorry. Hindi kasi ako sanay." Napatitig siya rito. Napakakinis pala ng mukha nito. Maningning ang mga mata, matangos ang ilong, at sakto lang ang pagkakipot ng mga labi. "I told you ako si Cinderella, eh!" sabi pa ni Arianne. Tumayo na ito ng tuwid at tumanaw sa labas. "Sa totoo lang natatakot akong lumabas kais natanaw ko sa terrace ninyo na ang daming tao, puro mayayaman." Hinawakan niya ito sa kamay at nginitian. Sinadya niyang ibigay ang pinakamatamis niyang ngiti. "Kung ikaw si Cinderella, ako ang Prince Charming mo. Kaya tara na, masyado kang maganda para magtago ka rito." Nag-blush ito. "O-okay, sige. Sabi mo, eh. Salamat." Inalalayan niya itong mabuti dahil tila ba nanginginig ang mga paa sa suot na sapatos. "Nandito ka na pala, Daniel." Muntik nang mapaghigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Arianne nang makita ang ama. Palabas na sila nang makasalubong ito. "Kailangan mong kumalma, Daniel. Kailangan mo itong mapaniwala na wala ka talagang naaalala dahil tiyak na naghihinala ito." Matagal siyang pinagmasdan ni Artemio. Mapanuri ang mga tingin nito at dahil nga hindi niya talaga kaya ang makipagtitigan rito ay umiiwas siya ng tingin. Kung may unang makakatuklas na wala na siyang amnesia ay ito yun. Sabi niya nga ay sana naging detective na lang ito sa pagkakaroon ng ganoon skills. "Uh, Daniel, siya si Mr. Artemio Lopez. His your dad." Nagpapasalamat siyang ginawa iyon ni Arianne para makalusot siya. Kunwari ay nagulat siya. "Oh! Dad! Sorry po. Happy birthday." At niyakap niya ito. "Salamat, anak." Parang may kung anong humaplos sa kanyang puso nang tawagin siya nitong anak. Ngayon niya lang narinig iyon. "Lumabas na kayo, I have an announcement. Gusto kong marinig ninyo ‘yon." "Sige, dad." sagot niya. Nahuli niya ang pagsulyap nito kay Arianne bago nila ito iwan. Tila ba may ibig sabihin iyon. "Close ba kayo ni dad?" "Hindi naman. Pero mabait siya sa akin." "Hindi ka ba niya pinagbintangan na dahil mayaman kami, baka pera lang ang habol mo sa akin?" Diniretsa na niya ito ng tanong. Umiling ito. "Maayos naman ang pakikitungo niya sa akin. Siguro ay nakikita niya na totoo naman ang feelings ko para sa 'yo." "Magaling, Arianne. Ibinulgar mo lang sa akin na may mga napagkasunduan kayo. Oo nga't may utang na loob ako sa 'yo pero kung ginagamit mo 'yon para makakuha ng yaman, bayad na ako. Ilang milyon na ba ang mayroon ka? Isa kang oportunista!" "Okay ka lang ba?" puna ni Arianne. Ngumiti pa rin siya. "Oo naman. Bakit?" "Kanina pa kita inaayang maupo e, hindi ka nasagot." Saka lang niya napansin na naroon na nga sila sa kanilang table. Nasa bandang unahan sila kasama sina Jerome at Amber. "Ang ganda ni Aya!" si Amber. "Yeah. You look amazing." Si Jerome. Hindi na nagulat si Daniel nang mamula ang pisngi ni Arianne. Alam niyang may gusto ito kay Jerome. Bahagya niyang tinakpan ang mukha nang maalala na pinagselosan niya si Jerome. Nainis siya sa sarili kaya uminom na lang ng wine na nasa table. “What?” nagtaka siyang nanag mailapag ang wine glass ay nakatingin sa kanya ang tatlo. “Okay ka lang ba?” si Arianne. “Yeah. Pakiramdam ko lang na kailangan kong uminom, eh. I don’t know. Hindi ba ako nainom?” nagpakainosente siya. Kinuha ni Arianne ang isa niyang kamay at hinawakan iyon. Ngumiti lang ito at nakipag-usap na kay Amber. Hindi ganoon kalambot kamay nito ngunit may init iyon. Aywan niya kung bakit nakadama siya ng pagkalma. Ilang sandali lang ay umakyat na sa stage ang ama. Mag-reretired na kaya ito dahil sa 60 years old na ito ngayon? Si Amber ang tiyak na ipapalit nitong CEO sa company nila. Hindi naman din siya interesado na mamalakad ng kompanya dahil mas gusto niya ang coffee shop na ang kanyang ina ang nagtayo. "I would like to introduce my soon to be daughter in-law." Napakunot siya ng noo. "Daughter in-law?" Bago banggitin ang pangalan ng tinutukoy ay sa kanila humarap si Artemio na halos ikatigil ng pagtibok ng puso niya. "Arianne." sabi nito. Nagpalakpakan ang mga tao. Ang iba pa nga ay nasigaw. Nang tignan niya si Arianne ay mukha naman hindi ito nagulat at masaya pa. She knew it. "Daniel and Arianne are getring married!" anunsiyo ni Artemio na mas lalong nagpa-excite sa mga bisita. Dama ni Daniel ang panginging ng kalamnan at pagdaloy ng dugo sa kanyang mga ugat. Hindi siya papayag na mangyari ang gusto ng mga ito. Kailangan makaisip siya ng paraan para hindi iyon matuloy. Kailangan niya nang kumilos ng mabilis dahil tiyak na aapurahin iyon ng ama.   “DAD, hindi makaturangan nag gusto mo! Pasaway si Daniel, oo, pero hindi tama na magdesisyon ng ganyan. Bakit hindi na lang natin hintayin na bumalik ang memory niya? Siguro naman nadevelop na sila ni Arianne. Gusto ko si Aya para sa kapatid ko pero hindi sa ganitong paraan. Isa pa, nakakahiya kay Aya!” Hindi nakapagpigil sa pagsermon si Amber sa ama nang matapos na ang party. Nasa bar sila ng mansion at nainom ng brandy si Artemio. Tila hindi naman ito apektado sa mga sinabi ng anak. Ni hindi ioto natinag sa pagkakaupo o nag-abalang tignan si Amber. “Dad! Hindi ako papayag na magpakasal sila! Unless mahal nila ang isa’t isa.” “They will learn to love each other eventually.” At uminom ng alak si Artemio. “Bakit, natutuhan mo bang mahalin si mom?” Matatalim ang mga matang tinignan siya nito. “You never loved her, di ba? Dahil mas mahal ninyo ang ex ninyo. Naging miserable kayo pareho. Ni hindi ko nga maalala na nag-dinner tayo na magkakasabay nang hindi kayo nag-away. Ayokong maging miserable si Daniel kagaya mo.” “At ano ang gusto mong gawin ko?! Hayaang bumalik ang kapatid mo sa gold digger niyang ex?!” Umalingawngaw ang boses nito sa silid. “Hayaan ninyo si Daniel. Alam kong mamahalin niya si Arianne. Hindi niya maiisip na girlfriend niya si Arianne kung wala siyang gusto dito. Maghintay tayo. Mas lalala lang kung magmamadali tayo.” Hindi ito sumagot. Sunud-sunod lang ang pag-inom. Naawa si Amber dito pero kailangan nitong matauhan. “Huwag si Daniel ang gantihan mo sa frustration mo sa buhay. Bakit hindi mo hanapin si Martha? Puwede naman na kayong magpakasal at magsama. Walang pipigil sa inyo.” Nanahimik pa rin ito. “Kapag nagbalik na ang memory ni Daniel, mas lalo lang lalalim nag galit niya sa inyo. Mas lalo niyang iisipin na wala kang pakialam sa kanya dahil hindi mo minahal ang mom niya. Kaya sana maghintay na lang muna tayo. Mauna nap o akong matulog sa inyo.” Tatalikod na si Amber nang magsalita si Artemio. “Sinubukan kong ipahanap si Martha.” Natigilan siya. “Gusto ko sana… gusto ko sana siyang makarating dito. That would be the most precious gift I could ever had kung sana nakarating siya.” Naupo si Amber sa tabi ng ama. “Ano ang nangyari?” “Hindi na siya makapunta.” Sa unang pagkakataon ay nakita niyang lumuha ito. Palagi lang kasi itong matapang, seryoso na akala mo ay napakalakas na tao. “Dad,” Hinaplos niya nag likod nito. “She died a few months ago… h-hindi ko man lang siya nakita kahit na sa huling sandali. Tuluyan na niya akong iniwan.” “I’m sorry, dad. I’m so sorry.” Niyakap niya ito at nadala rin ng emosyon ng ama. Ramdam na ramdam niya kung gaano ito kalungkot ngayon. Alam niyang kahit nasa malayo itong lugar ay hinahangad pa rin nitong makasama si Martha. “Pupuntahan ko pa rin siya. Kailangan ko siyang puntahan.” Tumango-tango si Amber. “Sige, dad. Sasamahan kita.” Parang biglang pinagsisihan ni Amber ang mga sinabi kanina sa ama. Hindi naman niya alam na may mabigat itong dinadala. Naisip niyang palipasin muna ang nangyari sa party. Sa ibang araw na lang niya iyon babanggitin ulit dito. Isa rin yun sa mga dahilan kung bakit hindi niya naiisip na mag-asawa. Kailangan niya munang ayusin ang dalawang importanteng lalaki sa buhay niya.   TANGHALI na nagiisng si Daniel pero pakiwari niya ay hindi siya natulog. Marahil ay dahil sa kakaisip sa mga puwede niyang gawin para mapigilan ang pagpapakasal kay Arianne. Pero sa magdamag na lumipas ay walang ideya na pumasok sa utak niya. “Hay naku!” bumangon na siya. Nananakit na rin ang ulo niya. Tahimik sa nang lumabas siya ng silid. Tumuloy siya sa kusina, nakita niyang may nakatakip na pagkain doon at may note na iniwan si Arianne. ‘Eat your breakfast, sweetheart Nag-jogging lang ako.’ Nilukot niya ang papel at itinapon sa basurahan. “Ambisyosa talaga.” Bulong niya. Dumiretso muna siya sa banyo para umihi. Hindi na niya sinara ang pinto dahil mag-isa lang naman siya. Ngunit nagitla siya nang bigla na lamang may humawi sa kurtina ng shower at lumabas ang walang saplot na si Arianne. Sabay silang napatili. Mabilis din naman naitakip ni Arianne sa katawan ang kurtina kaya lamang ay binato siya nito ng basyo ng shampoo. Sa pag-iwas niya ay napaupo siya at saka lang niya naalala na nakababa ang kanyang pajama. Dali-dali niya itong isinuot. “Ang bastos mo!” sigaw nito. “Hindi ko naman alam.” Aniya. “Puwede lumabas ka na? May sarili ka naman banyo sa kuwarto mo, ah?!” “Oo na, ito na,” Paglabas niya ay inilock niya ang pinto bago iyon isara. “Akala ko ba nagjogging siya?” hindi siya makapaniwala. Bumalik na siya sa kusina at sinimulan na lang kumain ng nakahain. Mariin siyang napapikit sa inis sa sarili. Hindi niya alam kung alin ang mas nakakahiya, kung ‘yung nakita niyang nakahubad si Arianne o nakita ni Arianne ang… “Mali talaga na isinama ko siya dito sa bahay. Maling-mali!” aniya na nawalan ng gana sa pagkain. “Sa susunod naman kakatok ka.” Lumabas na si Arianne. Nakabihis na ito. Muntik na siyang mabilaukan kaya napainom siya bigla ng tubig. Kalmado naman ito ngunit pulang-pula ang mukha at nakababa ang tingin. Pagsasabihan niya sana ito na dapat ay maglock ng pinto kaya lang nangyari na. “Sorry. Akala ko kasi nasa labas ka.” “Magre-ready lang ako, mauna na akong pumasok sa shop.” At halos patakbo nitong tinungo ang kuwarto. Lumabas din ito kaagad dala ang bag. “Hindi ka man lang ba magsusuklay?” puna niya. “Naandiyan na si Hizon, magpapahatid na lang ako sa kanya. Sa kotse na lang ako mag-aayos.” Hindi ito makatingin sa kanya. Tumayo siya at hinarang ito. “Daniel,” may pakiusap sa tinig nito. “Hindi ko ‘yon sinasadya. Wala naman akong nakita.” Nilambingan niya ang pagsasalita para hindi na ito mahiya. “Ako kasi mayroon,eh.” Tumawa siya. “Okay lang ‘yon.” “Mauna na ako. Late na rin kasi ako. Magkita na lang tayo sa shop.” Umiiwas talaga ito. Muli siyang humarang sa daraanan nito. “Paalisin mo na ako.” “Ganyan ba ang tamang pagpapaalam sa magiging asawa mo?” Nang hindi pa rin ito tumingin sa kanya ay hinawakan niya ito sa baba at iniangat ang mukha. Napuna niyang naluluha ito. “I’m sorry.” Lumayo na siya. “Mauuna na ako.” At mabilis itong lumakad palabas ng bahay. Gusto niyang batukan ang sarili. Alam niyang wala naman siyang kasalanan pero pakiramdam niya ay siya ang dapat na sisihin. “She’s right. May banyo naman sa kuwarto ko. Bakit ba hindi ako doon nag-cr?” Ngunit napahinto siya nang mag-sink in ang sinabi ni Arianne. May nakita siya. “Nakakahiya!” nasambit niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD