Chapter 4

2386 Words
NAGISING si Arianne nang maramdaman niyang may humalik sa kanyang noo. Napabalikwas pa siya ng bangon at napalayo kay Daniel na nakaupo sa gilid ng kama. Ilang saglit bago niya naalala na naroon siya sa bahay nito at may sarili siyang kuwarto.   "Good morning!" natatawang bati nito. "Nananaginip ka pa yata, ah?"   "A-anong ginagawa mo dito?" Pasimple niyang itinaas hanggang leeg ang kumot na nakabalot sa katawan niya.   "It's five thirty in the morning, bumangon ka na."   "Maaga ba magbubukas ang shop ngayon?" Napabangon naman siya agad kahit na gusto pa niya sanang matulog. Palibhasa ay ngayon na lang ulit siya nakatulog sa  malambot na kama.   "It's your rest day today."   "Wala sa sched ko ang-"   "It's your day off. I'm your boss, remember?"   "Eh bakit kailangan kong bumangon ng maaga?" tanong niya.   "Magjo-jogging tayo."   Siya naman itong natawa ngayon. Kaya niyang magtrabaho maghapon, kahit na alas singko ng umaga magsinula hanggang alas onse ng gabi nang hindi magrereklamo pero ang pagjojogging ay wala sa bokabularyo niya.   "Next time na lang. Sabi mo nga rest day ko kaya magpapahinga ako." Babalik sana siya sa paghiga nang mauna si Daniel sa kanya.   "Okay. Dito na lang tayo maghapon if you want." pilyo ang ngiting sumungaw dito.   Kinabahan siya. Hindi ‘yun magandang idea.   "Wala naman kasi akong pang jogging attire. Puro jeans lang ang mayroon ako." palusot niya    Excited na binuksan nito ang isang parte ng cabinet na nasa silid na iyon. Hindi siya nakapaniwalang ang dami niyang puwedeng pagpiliang damit na naroon at maloka-loka siya sa ilang pares ng mga running shoes na itinuro nitto na nasa kabilang cabinet naman.   Sobrang pagod na kasi siya kagabi kaya isang cabinet lang ang nabuksan niya kung saan may nakita siyang puwedeng pamalit pangtulog. Hindi na niya kinalikot ang mga iyon.   "Hihintayin kita sa labas. Better lock your door, ha." At lumabas na ito.   Nagmadali nga siyang inilock ang pinto sa takot na may gawin itong hindi tama. Matapos niyang makapagpalit ay ipinusod na lang niya ang buhok. Hindi naman nkya kailangan magpaganda para kay Daniel. Hindi na siya nagulat nang paglabas niya ng kuwarto ay naroon lang si Daniel, nakatayo sa tabi ng pinto.   "Are you ready?" nagtanong pa ito.   "Siyempre hindi!" sagot niya.   "Don't worry, kasama mo naman ako. Akong bahala sa 'yo." Kumindat pa ito.   Napangiti siya ngunit agad din sinaway ang sarili dahil parang tinatamaan na siya sa sinasabi nito.   Iyon ang unang beses niyang magjogging. Siguro'y dahil sa nakafocus ang atensiyon niya sa pagtatrabaho at sa ina kaya hindi niya inisip ang sariling kalusugan. Kaya naman hindi pa sila masyadong nakakalayo ay hingal na hingal na siya. Kada limang minuto ay tumitigil siya para magpahinga ngunit tumutuloy pa rin naman.   Hanggang sa parang hindi na niya maihakbang ang mga paa at matisod sa sarili.   "Sweetheart!" taranta siyang nilapitan ni Daniel. Agad siyang inupo.   "Okay...lang... ako..." pagod na pagod siya.   "Hay naku, ang sweetheart ko talaga. Halika, ipapasan na kita."   Pumayag naman siya dahil parang hindi na niya kakayanin ang maglakad pa ng kahit isang hakbang.   "Ang sweet niyo naman!" wika nang dalawang babaeng nakasalubong nila.   Natawa lang siya.   "Alam kong mabigat ako pero bilisan mo na, nagugutom na ako."   "Okay!"   May advantage din ang pagkakaroon ng amnesia ni Daniel. Naisip niya. Pabor na pabor sa kanya. Sasamantalahin na lang muna niya iyon para mabawian niya ito sa mga pagpapahirap sa kanya.   Nag-aya si Daniel mamasyal at hindi na siya kumontra. Kasama pa rin nila si Hizon para magdrive sa kanila. At dahil nga walang maalala ay siya na ang nagdesisyon ng lugar kung saan sila pupunta. Nagpatulong na lang siya kay Jerome kung saan ba madalas noon ang pinsan. Sa Manila sila nagtungo. Mahilig daw pala sa historical place si Daniel. Mabuti na lang ay kahit papaano ay may alam siya sa history kaya naman habang namamasyal ay nagmistula siyang tour guide at na-enjoy naman niya iyon. Kumuha rin sila ng mga pictures dahil sabi nga ni Daniel ay gusto nitong magkaroon ng memory na nakadocument na maaaring balikan kapag nakalimutan niya.   Nang makaramdam ng gutom ay nagyaya na itong kumain sa malapit na resto. Nang naglalakad na sila patungo roon ay napatigil siya at napangiti nang matanaw si Jerome na kumakaway sa kanila.   "Sir Jerome!" halos takbuhin niya ito. "Namamasyal ka rin?"   "Hi. Hindi. Pumunta talaga ako para i-check kayo. Sasabay rin sana akong maglunch. Kumusta? Hindi naman ba pinasakit ni Dens ang ulo mo?" Tanong nito.   "Okay naman. Behave naman siya at napakalayo ng ugali niya noon sa ngayon." Excited pa siyang nagkuwento ngunit pabulong lang dahil baka marinig.   "Basta tawagan mo lang ako kapag nagkaroon ng problema, okay?"   Para siyang batang tumangu-tango dito. Paglingon niya kay Daniel ay napakunot ang noo niya dahil hindi pala ito sumunod sa kanya. Sa halip ay madilim ang mukha nito at kay Jerome nakatingin.   "Uh-oh. Mukhang nagseselos sa akin ang boyfriend mo, ah?" pabirong wika ni Jerome.   Natawa siya. "Hindi 'yan."   Subalit nagpanic siya nang imbis na lumapit sa kanila si Daniel ay lumakad ito pabalik.   "Hala! Bakit?"   "I told you. Seloso si Dens kaya ang mabuti pa, sundan mo na dahil iba ugali niya kapag nagselos. Trust me, I know."   Napakamot siya sa ulo. "Pati ba 'yon kailangan kong pagdaanan? Ano ba 'yan."   Wala na rin naman siyang nagawa kundi sundin ang payo nito. Naabutan niya si Daniel na sumakay na sa kotse. Nakasimangot ito at hindi siya tinitignan kahit na nang pumasok na rin siya sa loob.   "Ano ang problema?" tanong niya. "Akala ko nagugutom ka na? Kumain na tayo."   "Nawalan na ako ng gana. Hizon, umuwi na tayo."   "Akala ko sir pupunta pa kayo sa-" magtatanong pa sana ang bodyguard nang sawayin ni Daniel.   "Kapag sinabi kong uuwi na tayo, uuwi na tayo!" malakas ang tinig ni Daniel. Galit.   "Welcome back." Imbis magworry ay ikinatuwa iyon ni Arianne.   Sumunod na lang si ang kanilang driver.   Hindi naman na sila natraffic kaya nakarating agad sila sa bahay. Ngunit sa buong biyahe ay naging tahimik lang si Daniel. Ni hindi siya dinidikitan kahit magkatabi sila sa backseat. At nang bumaba naman ng sasakyan ay dire-diretso siya itong pumasok sa loob ng bahay.   "Pasensiya ka na." Ito lang ang tanging nasabi niya kay Hizon.   "Wala 'yon, ma'am."   "Aya na lang. Alam mo naman na hindi talaga ako girlfriend ni Daniel, di ba?"   "Pero ang bilin kasi nila Ma'am Amber eh itrato kita na katulad kay Sir Daniel."   "Naku, huwag mong pansinin yun. Basta Aya na lang itawag mo sa akin, ha? Sige, mauna na ako sa 'yo sa loob. Puwede ka na sigurong umuwi kasi hanggang bukas masama ang timpla ni Dens. Pakisara na lang ng gate paglabas mo, ha. Ingat!"   Pumasok na siya sa loob ng bahay. Halos mapakislot siya sa gulat nang maabutan si Daniel sa may sala na nakatayo, nakapamaywang at masama ang tingin sa kanya.   "Ano 'yon, Arianne? Sino ba si Jerome sa 'yo, ha? May gusto ka ba sa kanya?!" umalingawngaw sa buong bahay ang boses nito.   "Daniel pinsan mo si Jerome. Noon pa man, close na kami. Isa pa, magkaibigan kami." mahinahon lang siya..   "May relasyon ba kayo ni Jerome?!" Tila hindi nito narinig ang sinabi niya.   "Magkaibigan nga lang kami. Ano ba?"   "Magkaibigan? Mas excited kang makita siya kaysa sa akin? Mas masaya nung dumating siya kaysa nung magkasama tayo! Kulang na lang magkayakapan kayo ah! May bulungan pa kayong nalalaman na parang wala ako doon!"   Nagpigil si Arianne. Gusto na niyang sabihin dito ang totoo ngunit nag-isip pa rin siya. Kailangan niyang intindihin si Daniel.   "At huwag na huwag mong idadahilan na pinsan ko siya! Ako lang ang dapat mong nginingitian, ako lang ang dapat nagpapasaya sa 'yo dahil ako boyfriend mo!" nabasag ang tinig nito.   Naramdaman niya ang emosyon nito. Totoo bang nagseselos ito?   "Akala mo ba hindi ko napapansin na iniiwasan mo ako? Na sa tuwing hahalikan kita, magdadahilan ka. Sa tuwing yayakapin kita, lumalayo ka. Hindi mo ba nakikita na I'm trying my best, I'm trying so hard to make it up to you! Pinipilit ko naman alalahanin ang lahat... but it seems like it was totally erased. Para akong nasa blackhole araw-araw at wala akong idea kung ano ang nakaraan ko. Ikaw lang ang alam kong mayroon ako, Arianne… ikaw lang!"   Lalapitan sana niya ito kaya lamang ay malalaki ang hakbang nitong tinungo ang sariling silid.   Napanguso siya. Nauunawaan niya ang nararamdaman ni Daniel. Ang kaso lang, bakit kahit wala naman siyang ginawang masama ay nakakadama siya ng guilt?   Malalim siyang napabuntong hininga at sinagot din ang sarili."Girlfriend niya nga kasi ako, di ba? Dapat may feelings. Dapat sensitive ako sa mga ginagawa ko. Dapat... dapat mahal ko siya."   Ano nga ba ang ginagawa ng isang nagmamahal?   Naisip niyang magluto. Marami naman laman ang refrigerator at kumpleto ang mga gamit sa kusina. Alam naman niya kung ano ang paboritong pagkain ni Daniel dahil siya ang madalas utusan nitong mag-init ng dala nitong ulam sa shop.   Adobong manok na may patatas na tuyo ang sabaw. Matapos non ay naghain na siya sa mesa. Alas-dos na rin kaya gutom na rin siya. Kinatok niya si Daniel para ayaing kumain.   Wala siyang narinig na tugon.   Ilang ulit niya itong tinawag, wala pa rin.   'Lambingan mo kasi' parang naririnig niya ang konsensiya na nagsasalita.   "Iba ang ugali niya kapag nagselos." naalala niyang sabi ni Jerome.   Bumwelo muna siya. Huminga ng malalim at inexercise ang bibig at dila. Muli siyang kumatok at sinundan ng malambing na pagsasalita. "Sweetheart? Hindi ka ba nagugutom? Nagluto ako ng favorite mong ado-"   Biglang nagbukas ang pinto. Bumungad ang nakasimangot na si Daniel.   "Wala akong ganang kumain. Kumain ka kung gusto mo."   "Ito namang sweetheart ko masyadong matampuhin. Tara na, nagluto ako para sa 'yo. Sinarapan ko talaga 'yon!"   Hindi ito sumagot at umiwas ng tingin. Ngunit may ngiting nasungaw sa gilid ng labi.   Niyakap niya ito ngunit nakatingala dito. "Sorry na, sweetheart. Wala ka naman dapat ipagselos dahil girlfriend mo na ako, oh! Tsaka naappreciate ko lahat ng effort mo. Sorry kung hindi ko naipapakita sa 'yo. Sa katunayan, nga niyan, masayang-masaya ako kanina na namasyal tayo. First time kaya natin 'yun."   "First time?" nagtaka ito ngunit sa kanya na nakatingin.   "Oo, kasi sobrang busy natin pareho. Lalo ka na. Nagsisimula ka pa lang kasi magmanage ng shop nung maging girlfriend mo ako."   Napatango ito. "Sorry din kung nagselos ako. Natakot lang ako na baka mas gusto mo si Jerome."   "Ang lakas naman ng pakiramdam nito"   "Hindi naman hamak na mas guwapo at mas sexy ka sa kanya." Sabi na lang niya na nagpangiti ng husto kay Daniel.   Hinaplos nito ang buhok niya at habang nakatitig sa mata ay dahan-dahang inilapat ang labi sa kanya. Hindi na siya nakatanggi at sinalubong niya iyon kasabay ng pagpikit ng mga mata.   Mas ramdam niya iyon ngayon. Marahan lang ngunit tila nacharge ang mga boltahe sa katawan na nagpapatayo sa mga balahibo niya. Mabuti na lang at perfect na naman ang timing ni Amber sa pagtawag.   "Wait, sagutin ko lang. Si Ate Amber 'to." aniya.   Nangamusta lang naman si Amber dahil nabanggit ni Jerome ang nangyari. Nag-alala ito sa kanya at hindi sa kapatid. Pinaliwanag naman niya ang nangyari habang kaharap si Daniel. Tawa nang tawa si Amber kaya nagpaalam na siya agad dahil nagtaka ang boyfriend niya.   "Kumain na muna tayo, masama sa 'yo ang nalilipasan ng gutom." bumaba na siya mula sa lamesa.   "Masama rin sa akin ang nabibitin." Pilyong wika nito.   Natawa siya. "Bad Daniel. Bad."   "I'm just kidding." inakbayan siya nito. "Kanina pa nga nakalam ang sikmura ko, eh."   At sabay na silang nagtungo sa kusina na kapwa masaya.     MABIGAT NA MABIGAT ang pakiramdam ni Daniel. Naglalakad siya sa kalye. Tanging liwanag lang ng mga poste ang nagbibigay ilaw sa daan. Walang katao-tao sa paligid.   Narating niya ang isang tulay. Doon siya huminto at Nagsisigaw kasabay ng pagluha nang walang humpay.   Hindi niya kaya ang sakit na nararamdaman. Hindi niya kayang mabuhay na hindi ang babaeng pinakamamahal ang makakasama niya.   Parang may mga sariling isip ang kanyang katawan. Tumuntong siya sa ibabaw ng tulay at hindi na nag-isip. Hinayaan niyang mahulog ang sarili at wala siyang pakialam kung ikamatay niya iyon.   Mas mabuti kung mamamatay siya dahil hindi na niya mararamdaman ang sakit.   May narinig siyang babaeng sumisigaw sa kanya. Huli na para bumalik at tignan kung sino iyon.   Lumagapak siya sa tubig. Mabilis siyang nahihila pababa sa ilalim. Natatanaw niya pa ang liwanag sa itaas. Maya-maya pa ay unti-unting pumipikit ang kanyang mga mata nang biglang may naaninag siyang isang tao.   Balingkinitan ang katawan at mahaba ang buhok.   Babae.   Malabo ang mukha nito kaya hindi niya maaninag kung sino iyon.   Niyakap siya nito mula sa likod at pilit na iniangat ngunit bago pa sila makaahon ay bigla na lang parang may humila sa paa niya pailalim nang napakabilis hanggang sa maramdaman niyang hindi siya makahinga at bigla na lang siyang napabangon.   Naghahabol ang hininga niya at pawis na pawis siya.   Bumukas ang pinto at pumasok ang takot na takot na si Arianne.   "Okay ka lang?" tanong agad nito.   Hindi pa siya nakakasagot ay niyakap na siya nito ng mahigpit.   "N-nanaginip lang ako." Niyakap niya rin ito. "I'm fine."   "Narinig kita sa kabilang kuwarto, nasigaw ka! Akala ko kung anong nangyari. Diyos ko, hindi ko alam gagawin ko." Humihikbi na ito.   Inalo niya ito. "Hey, I'm fine. Nanaginip lang ako."   Kumalas ito. "Sigurado kang okay ka lang? Wala bang masakit sa 'yo? Yung ulo mo? Kailangan ko bang dalhin ka sa ospital? Teka, nasaan ba ang susi mo?"   Tatayo sana ito nang pigilan niya. "I said I'm fine."   "Sure ka ba?"   Nakangiti siyang tumango.   "Sige, matulog ka na lang ulit. Babantayan na nga lang kita para hindi ako ninenerbiyos."   "Dito ka na lang sa tabi ko para hindi na ako makapanaginip ng masama."   Pumayag naman ito kaya nga lamang ay nangako siyang wala siyang gagawing kalokohan.   "Bakit nga ba hindi ka na lang din dito matulog? Dalawa lang naman tayo dito sa bahay magkahiwalay pa tayo ng kuwarto. Magboyfriend naman tayo." naisip niya.   Wala siyang narinig na tugon.   "Sweetheart, wala naman akong gagawing masama. Gusto ko lang kasama ka. Mas komportable kasi ako kung--" napatigil siya at nakiramdam.   Nag-angat siya ng ulo at tinignan si Arianne. Natawa siya nang makitang mas nauna pa itong makatulog sa kanya at naghihilik pa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD