Chapter 12
NAPATINGALA si Arianne nang maramdaman ang pagpatak ng ulan habang nagdidilig ng halaman sa hardin nila Jerome. Napapikit siya at dinama ang bawat patak nito. Nagbabakasakali siyang kahit papaano ay matangay nito ang sakit na nadarama. Apat na araw na ang nakakalipas ngunit habang natagal ay patuloy na nagsi-sink in sa kanya ang lahat ay mas lalo siyang nahihirapan. Halos hindi siya nakakatulog at hindi na makaiyak dahil naubos na yata ang luha niya. Makatulog man siya, napapanaginipan niya si Daniel at Clara na ikinakasal habang siya ay walang magawa sa isang sulok at pinagtatawanan ng lahat ng mga naroroon. Magigising siya at mapapatulala na lang.
Sinusubukan naman ni Jerome na pagaanin ang loob niya at thankful siya roon ngunit wala na talaga makakagawa noon kundi ang magising siya sa bangungot na iyon. Nasapo niya ang dibdib na patuloy sa pagkirot.
Napadilat siya nang biglang wala nang ulan na pumatak. Nagulat pa siya nang makita na may nagpapayong sa kanya. Paglingon sa likod niya ay si Artemio.
“Alam kong galit ka sa akin. Pero sana hayaan mo akong magsimula sa pagiging ama mo sa pagpayong sa ‘yo.”
Hindi katulad ng pananalita noon sa kanya na may awtoridad at mapagmataas, kabaligataran ito ngayon. May pagpapakumbaba at malambing. Napuna niya an malalim ang mga mata nito na tila ialang araw nang walang tulog. Mukha rin itong pagod na pagod.
Nakadama siya ng habag dito. Masyado rin ba itong nag-isip kagaya niya? Hindi rin kaya ito nakakatulog?
“Ano po ang ginagawa niyo rito?” Tanong niya.
“Arianne, maniwala ka sa akin na hindi ko alam na may anak ako kay Martha. Kung nalaman ko lang sana ay hindi tayo aabot sa ganito. Sana ay mas maaga tayong nagkakilala, sana ay naging ama ako sa ‘yo.”
“Alam mo sir Art, hindi bebenta sa akin ‘yan. Kay Daniel nga hindi ka naging mabuting ama, eh. Sa akin pa kaya na anak mo sa labas?”
“Ikaw lang ang tunay kong anak, Arianne.”
Napataas ang kaniyang kilay. “Bakit ako lang? Kasi ang nanay ko lang ang minahal mo at hindi ang nanay nila Ma’am Amber at Daniel?”
“Ampon ko si Amber, anak siya ng kaibigan kong maagang nawala sa mundo. Si Daniel naman ay hindi ko alam kung sino ang tunay niyang ama.”
Natigilan siya.
Malalim ang naging pagbuntong hininga ni Artemio. “Ang dahilan kung bakit binalikan ko noon si Martha ay dahil nalaman kong hindi ako ang ama ni Daniel. Hindi ako galit sa batang ‘yon dahil wala naman siyang kasalanan. Nagkataon lang na masyadong sumama ang loob ko dahil matapos siraan ni Elizabeth si Martha ay nagawa niya akong pikutin at ipaako sa akin ang anak niya.”
Nanlaki ang kanyang mga mata. “I-ibig sabihin hindi kami magkapatid?”
Tumango ito. “Hindi. Kaya kung inaalala mo ang relasyon ninyong dalawa, wala kang dapat na ipag-alala.”
Para siyang nabunutan ng tinik na nakabaon ng napakalalim. At least kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng dinadala. Pero hindi nito mababago ang katotohanang niloko siya ni Daniel.
“Anak,” Hinawakan siya nito sa braso. Nangungusap ang mga matang nagbabadya sa pagluha. “Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na gawin ang mga bagay na hindi ko nagawa sa ‘yo bilang tatay mo. Napakarami kong pagkukulang sa inyo ng nanay mo.”
Nagbaba siya ng tingin. Naiiyak siya sa mga sinasabi nito. Aminin man niya o hindi ay alam niyang totoo ang mga binibitawan nitong salita.
“Hayaan mong ibigay ko sa ‘yo ang lahat ng nararapat na para sa ‘yo.”
Napapikit siya. Nais niyang pigilan ang tuluyang pagluha ngunit hindi niya rin nagawa.
“Nabalitaan kong nang dahil sa akin ay itinakwil si Martha nang lahat ng kamag-anak niya kaya kayong dalawa lang ang naging magkasama sa buhay. Masakit sa akin ang isiping naghirap kayong dalawa at nilait ng mga tao nang dahil sa akin. Patawarin mo ako, anak.”
Nagitla siya nang bigla itong lumuhod.
“Sir, tumayo kayo diyan! Hindi ako Diyos para lumuhod kayo.” Inalalayan niya itong tumayo. “Sige na, nauunawaan ko nang wala kang kasalanan. Si nanay ang naglihim na may isang Arianne na kadugo mo. Hindi niyo na po kailangan na gawin ‘yon.”
Umaliwalas ang mukha nito na bagamat naluha ay may sumungaw na ngiti. “Maraming salamat.”
Nang yakapin siya nito ay waring pamilyar ang pakiramdaman na iyon. Ang mga bisig nito ay parang katulad ng sa kanyang ina kaya napahagulgol siya. Ganoon ba talaga ang mararamdaman kapag magulang moa ng yumakap sa ‘yo?
“Ayoko sanang makaabala sa inyo,” si Amber. “Nalakas na ang ulan, doon kayo sa loob mag-usap.”
“Tara na po,” siya na ang nag-aya sa ama.
Subalit hahakbang pa lamang ito ay bigla nitong nabitawan ang paying at napahawak sa dibdib.
“Bakit po?”
Hindi na ito nakasagot dahil natumba na lang ito at nawalan ng malay na ikinatakot niya.
HUMAHANGOS NA nagtungo sa ospital si Daniel nang tawagan siya ni Jerome para sabihin na isinugod sa ospital ang daddy niya. Natanaw niya sina Amber at Arianne na nakatayo sa harap ng kuwartong itinuro ng nurse kung nasaan ang ama. Mahinang nag-uusap ang dalawa at kapwa mga seryoso. Maingat siyang lumapit sa mga ito. Si Amber ay bahagyang nagulat sa pagdating niya samantalang si Arianne ay parang hindi siya napansin. Ni hindi siya nilingon man lang.
"Ano ang nangyari kay dad?" tanong niya.
"Masyado lang siyang nastress at hindi natutulog kaya inatake sng hypertension." si Amber. "But he's fine now. Kailangan lang niyang magpahinga."
"Nalaman kong nahanap na niya ang mistress niya. Nagkabalikan na ba sila ngayong wala na si mom? O tinanggihan na siya nito dahil may asawa nang iba ang-" naputol ang sinasabi niya nang matatalim ang mga matang tinignan siya ni Arianne.
"Kung mang-iinsulto ka ng tao, mabuti pa umalis ka na rito. Wala ka naman pakialam talaga, di ba? Balikan mo na lang si Clara. Nakakahiyang naistorbo ang pagde-date ninyo sa emergency ni Sir Art."
"Arianne, puwede ba? Wala itong kinalaman sa 'yo kaya huwag mong idamay ang nangyari sa atin sa nangyari ngayon sa daddy ko." Alam niyang galit ito sa kanya pero wala pa rin itong karapatan na panghimasukan ang problema nila sa pamilya.
Pumagitna si Amber sa kanilang dalawa. "Guys, hindi makakatulong kung mag-aaway kayo."
"Bakit kasi isinama mo pa siya dito? Hindi ba't kay Jerome na siya nakatira?" Hindi niya alam kung nabanaag sa tinig niya ang pagseselos.
Naiinis din talaga siya kay Arianne. Papaano kasi'y sa loob ng ilang araw ay wala siyang ginawa kundi ang tawagan ito para magpaliwanag ngunit hindi siya nito sinasagot. At kahapon lang ay nalaman niyang kinupkop pala ito ni Jerome. Marami ang tumatakbo sa isip niya kagaya ng paano kung habang naliligo ito ay biglang pumasok si Jerome sa banyo? Paano kung maakit dito si Jerome? Paano na siya? Paano na sila?
Sa wakas ay kumilos si Arianne at humarap sa kanya. "See? Dahil puro si Clara ang natakbo sa utak mo, ni hindi mo alam ang mga nangyari."
"Busy ako sa shop dahil hindi napasok si Jerome. Mukhang ikaw ang pinagkakaabalahan niya."
Mapanuya itong ngumiti. "Busy siya sa akin dahil pinapaliwanang may mga tao talagang masasama ang ugali at kahit anong gawin ay hindi magbabago. Manloloko ng tao para sa sariling kapakanan nila."
"Daniel!" inawat na agad siya ng kapatid bago siya makasagot. "Keep your mouth shut!"
"Hayan ka na naman, kakampihan mo na naman ang paborito mong empleyado." Aniya.
"Daniel, hindi ko siya empleyado." sabi ni Amber.
"Eh ano mo na siya ngayon? Bestfriend?"
"She's the Daughter of Martha, she is also a Lopez."
Natawa siya. "Talaga ba, Amber? Hanggang saan ang kaya mong gawin para lang--"
"Magkapatid tayo, Daniel." putol ni Arianne.
Naitikom niya ang bibig.
"You heard it right, brother." sabi pa ni Arianne na may pait ang ngiti.
Umiling-iling siya. Hindi iyon katanggap-tanggap. "That's impossible."
"Come with me," hinawakan siya ni Amber sa braso. "Sa cafeteria tayo mag-usap."
Wala na siyang nagawa kundi ang sumama dito. Nang sulyapan niya si Arianne bago tuluyang makalayo ay wala siyang nakitang emosyon dito. Ni hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha.
Nang makarating sa cafeteria ng hospital ay isa-isang inilahad ni Amber sa kanya ang katotohanan. Dinaig niya pa ang pinagsakluban ng langit at lupa sa mga narinig. Okay na sana 'yung nagkaroon ng anak ang ama sa naging kabit nito pero bakit kailangan maging si Arianne pa 'yon?
"Gaano na katagal na alam ni Arianne?" ito na lang ang naitanong niya.
"The day after ninyong manggaling sa Batangas."
Naikuyom niya ang mga kamao. Napakasaya pa man din nila nung magbakasyon sila pagkatapos ay ito pala ang kapalit nang kaligayahang iyon. Ngayon ay nauunawaan na niya kung paanong nangyaring naroon ito sa gate ng village nila nang walang suot na sapin sa paa. Kaya pala napansin niya ang kotse ng ama na nakasalubong niya noong pauwi na siya. Hindi niya lubos maisip kung gaano kabigat ang pinagdadaaanan ni Arianne ngayon. Tapos napaghinalaan pa siyang nakipagbalikan siya kay Clara.
"Sobra akong nahihiya kay Arianne dahil na rin sa ginawa mo sa kanya. Bakit mo naman siya pinaglaruan ng gano'n? Bakit kinailangan mong magpanggap na may amnesia?"
"It's useless to explain." Nawalan na siya ng ganang pag-usapan ang tungkol sa kanila.
Hindi niya alam kung matatanggap niyang magkapatid sila. Marahil ay mas nahihirapan ngayon si Arianne sa palagay niya. Malamang ay inaalala nito ang nangyari sa kanila na hindi pala talaga dapat dahil magkadugo sila. Wala na dapat na makaalam ng tungkol doon para hindi sila makadama ng awkwardness. At mas mabuting hindi na pag-usapan pa kahit na kailan.
"Nakapagdesisyon na rin si Arianne na lalayo muna dito. Kailangan makalimutan ng lahat na naging girlfriend mo siya bago siya maipakilala ni dad as her long lost daughter."
Para bang may patalim na tumarak sa kanyang dibdib sa pagkakarinig ng mga iyon.
"'Yun ang pinakamabuting gawin para sa inyong dalawa."
"No problem." Sagot niya sa mahinang tinig na aywan niya kung narinig nito.
"I'm really sorry, Dens. Alam kong may kasalanan din ako kung bakit kayo nagkalapit dalawa."
Tumayo na siya at umiwas ng tingin dito. "Hindi naman ako kailangan ni dad dito kaya babalik na ako sa shop. Huwag mo na lang din sabihin sa kanya na nagpunta ako."
Pinigilan pa siyang umalis ni Amber ngunit hindi na siya nagpapigil.
Para siyang nakalutang nang maglakad patungo sa parking lot. May kung ano sa loob niya na gustong kumawala ngunit pinipigilan niya.
Nakapagmaneho naman siya ng maayos ngunit hindi pabalik sa coffee shop kundi sa isang bar. Kailangan niya ng alak para makapag-isip. Para kumalma.
May mas masakit pa pala sa break-up.
Hindi niya alam kung sino ang sisisihin ngayon. O dapat nga bang magturo pa siya sa kung sino ang may kasalanan?
Naihilamos niya ang hangin sa mukha.
"Where do I start from here?" naitanong niya sa sarili dahil blangko ang isipan niya.
"ARE YOU NERVOUS?"
Napalingon si Arianne kay Artemio na katabi lang niya sa upuan sa kotse.
"Saan po? Sa pagsakay sa eroplano?"
"No. Sa pagsama sa akin."
"Puwede naman akong tumawag kay ma'am Amber kapag may ginawa lang masama sa akin."
Natawa ito. "That's good."
"Oo nga pala, 'tay,"
"Tay? Tatay?"
"Huwag na po kayong magreklamo. Yan na ang napagdesiyunan kong itawag sa 'yo."
"No, no, it's fine. Maganda pakinggan. Masarap pakinggan." mukhang masaya naman talaga ito. "You were saying?"
"Sana lang po huwag na huwag ninyong ipapaalam kay Daniel na hindi kami magkapatid."
Sa pagkunot ng nito ay mas nadoble ang mga guhit sa noo.
"Huwag niyo na itanong kung bakit. Hindi ko rin sasabihin sa inyo."
"Alright."
"Tsaka sana hayaan niyo na siya kay Clara. Mahal niya ang babaeng 'yon. Malay niyo naman, totoo naman palang mahal din ni Clara si Daniel at hindi naman talaga ang pera lang ang habol niya." aniya.
Hindi ito sumagot at nagulat pa siya nang nakatitig lang pala sa kanya ang ama.
"B-bakit po?"
Hinawakan nito ang kamay niya. "Naalala ko lang si Martha. 'Yang mga mata mo, hindi niyan maitatago ang lungkot. Ganyang-ganyan ang mga mata ng nanay mo nang palayain niya ako para magpakasal kay Elizabeth."
Ngumiti siya ngunit nag-iinit na naman ang mga mata.
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa Airport. Patungo sila sa Canada kung saan sila maninirahan. Doon din siya nais pag-aralin ng ama. Gusto rin nitong matuto siya sa pasikot-sikot s amga negosyo nito dshil balang araw daw ay isa rin siya sa mamamahala niyon. Pumayag naman siya dahil gusto niya rin maging abala. Kailangan niyang makalimot.
"Arianne!"
Bago pumasok sa loob ng departure area ay may narinig silang tumawag sa kanya.
Si Daniel. Tumatakbo ito palapit.
Ngunit imbis na huminto ay mas nagmadali siyang maglakad.
Ayaw niya itong makausap. Mas mabuting makaalis siya nang wala siyang naririnig mula rito.
Si Artemio na ang kumausap dito kaya tumuloy na siya.
"Hintayin mo na lang ang pagbabalik ko, Daniel. Mas magiging malakas ako at sisiguruhin kong pagsisisihan mong pinaglaruan mo ako!" Pangako niya.