MICHAEL'S POV "HINDI ka pa ba babalik sa kuwarto mo?" tanong ni Keira sa akin. Magkaharap kaming nakahiga sa kama niya. Wala kaming ginawa pagkatapos mag-aminan ng feelings sa isa't isa kundi ang magtitigan. "Michael." Untag niya nang hindi ako sumagot. "Bumalik ka na sa kuwarto mo." Umiling ako. "Ayoko." "Ha?" "Dito ako matutulog sa tabi mo." "Pero--" kinabig ko siya sa beywang palapit sa katawan ko. Naramdaman ko agad ang paninigas ng katawan niya. "M-Michael..." "Dito ako matutulog sa tabi mo. But I promise, tutulog lang tayo. Wala akong gagawin." Inirapan niya ako. "Walang gagawin? E, ba't nandiyan na ang kamay mo?" Napangiti ako habang patuloy na pinagagapang ang isang palad sa kaniyang beywang patungo sa kaniyang puson. Nanigas siya. Alam kong naaapektuhan siya s

