KEIRA'S POV "I love you, Keira. Magiging misis kita, itaga mo 'yan sa bato." Matamis akong napangiti. Ang sarap lang balikan sa isip ng mga sinabi ni Michael na 'yon kagabi. Mahal niya ako! Mahal din ako ng lalaking mahal ng puso ko. Nag-init ang mga mata ko habang nangingiti. Ang saya ko. At sa sobrang saya ko hindi na ulit ako makatulog. Nagising ako kanina bandang ala una ng hating gabi para umihi at hanggang ngayon ay gising pa rin ako. Alas tres pa lang ng madaling araw, pero gising na gising na ang diwa ko. Ang hirap nang bumalik sa pagtulog. Hindi ko alam kung hindi na lang ako dalawin ng antok o baka dahil natatakot ako na paggising ko ulit mamaya ay hindi pala totoo ang lahat ng ito. Na baka bahagi lang ito ng magandang panaginip ko. Sana naman hindi ito panagini-- naput

