KEIRA'S POV "BAKIT?" Hindi napigilang tanong ko kay Mildred. Nandito kami sa kitchen ngayon. Nagpresinta ako na tulungan siya sa paghahanda ng meryenda para sa mga bisita ni Michael. At kanina ko pa napapansin na panay ang tingin niya sa akin. Tinging may kahulugan. "Anong bakit?" Kunwaring hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ko. "Bakit kanina ka pa tingin nang tingin sa akin? May dumi ba ako sa mukha ko?" "Wala kang dumi sa mukha." "E, bakit ganiyan kang tumingin?" Ayon na naman ang tingin niyang may ibig ipakahulugan. "Ilang araw ko nang napapansin na maya't maya mo akong tinitingnan nang ganiyan." Humagikhik ito. "Mildred!" Nag-init ang pisngi ko. Bakit pakiramdam ko ay may alam siya sa namamagitan sa amin ng amo niya? "Sorry naman. Kinikilig lang ako, eh." "Saan?

