KEIRA "LET'S GO." Narinig kong sabi ni Michael, pero hindi ako kumilos. Nakatingin lang ako sa mga kamao niyang nakakuyom pa rin. Mukhang hindi siya aware sa bagay na 'yon. "I said let's go--" kusa siyang natigilan nang mapansin kung saan ako nakatingin. Mabilis niyang inalis sa pagkakakuyom ang mga kamao at inakbayan ako, saka muling nagyaya na lumabas na kami ng kuwarto niya. "Hindi pa ako tapos sa paglilinis--" "It's okay. Ako na lang ang tatapos mamaya pag-alis ng mga kaibigan ko." Pagkasabi niya niyon, naglalambing na muli niyang kinabig ang beywang ko palapit sa katawan niya. "Listen, cleaning my room or even my house is not your work. Hindi ka maid dito, Kei." "Kaso wala akong magawa at naiinip ako. Saka madali lang namang maglinis." Katwiran ko. "Hindi madali ang magli

