MICHAEL'S POV "NANDITO NA TAYO." Pahayag ko kay Keira habang papasok ang sasakyan ko sa gate. Hindi siya umimik o kumibo hanggang sa maiparada ko na ang sasakyan sa garahe. "Keira, we're he--" naputol ang sasabihin ko nang paglingon ko ay nakasandal pa rin ang ulo niya sa gilid ng bintana. Nakapikit. Tulog ba siya? Pinagmasdan ko siya. At na-realize ko na tulog pala talaga siya. Buong akala ko, nagtulog-tulugan lamang siya para hindi makipag-usap sa akin. Tulog pala talaga ang babaeng tupakin na ito. Ang inis ko kanina ay unti-unting naglaho at napilitan ng kakaibang saya nang magkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan siya. Malaya. Matagal. Bahagyang nakaawang ang bibig niya. Mahinang humihilik. Hindi ko napaglabanan ang kagustuhan kong haplusin ang maamo niyang mukha. "Why are

