KEIRA KAHIT ANONG TAWAG ni Michael sa akin, hindi ko siya pinansin. Tuloy lang ako sa mabilis na paglalakad. At kung saan ako pupunta, ewan ko. Bahala na. Hindi ko rin kasi alam dahil hindi ko naman kabisado ang lugar na ito. Basta isa lang ang gusto ko, makalayo muna kay Michael bago pa ako makapagsalita nang masakit. Kilala ko ang sarili ko. Kapag nagsalita ako, siguradong hindi niya malulunok ang mga salitang lalabas sa bibig ko. Nakalabas na ako ng exit nang may humablot sa kanang braso ko. "Keira, let's talk." Seryoso akong tumingin sa kaniya. At sinubukang bawiin ang braso ko, pero matatag siya. "Bitawan mo 'ko, Michael. Wala na tayong dapat pag-usapan. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin sa 'yo. Pinuputol ko na kung ano man ang ugnayan natin sa isa't isa. Pero 'wag kang m

