KEIRA NANG sabihin sa akin ni Michael na mahirap hanapin ang taong nagtatago nang gabing 'yon ay doon ako nagdesisyong tanggapin ang alok niyang pag-aaral. Naisip ko na kung mag-aaral ako ulit, lalawak ang mundo ko. Mas magkakaroon ako ng chance na hanapin ang kakambal ko. Dahil plano kong ako mismo ang hahanap sa kaniya. Hahanapin ko siya anuman man ang mangyari. Pangako ko sa aking sarili. "Hahanapin kita, Leira." Naisatinig ko habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Nag-aayos kasi ako dahil tumawag si Michael kanina. Pinag-aayos niya ako dahil mamimili raw kami ng mga gamit ko. 2 weeks from now pa ang pasukan, pero sabi niya ngayon na kami bibili dahil magiging busy siya sa susunod na mga araw. Nakalimutan kong sabihin na busy si Michael nitong mga nakaraan dahil

