KEIRA POV "MA, ANONG GAGAWIN KO?" Natataranta kong tanong kay Mama pagkatapos naming pagtulungang alalayan si Michael na madala sa kuwarto ni Arvin. Sinulyapan muna ni Mama si Michael na ngayon ay nakahiga na sa kama ni Arvin bago sumagot. "Hindi ko rin alam. Ano bang nangyari sa kaniya?" "Hindi ko rin ho alam, Ma. Pagdating ko sa labasan, nakita ko siya sa tapat ng tindahan ni Ate Pin. Magkausap ho kami nang muntik na siyang matumba kaya ho nalaman kong may sakit pala siya." Paliwanag ko kay Mama. "E, ba't dito mo dinala sa atin? At hindi sa clinic sa bayan?" "Ayaw niya ho, Ma. Sabi niya ho, dito na lang sa atin. Hindi ko naman ho siya kayang iwan do'n sa labasan ng ganiyan ang sitwasyon at kalagayan niya kaya iniuwi ko na lang ho siya." Tumango-tango si Mama at pagkuwa'y ngu

